Kabanata 39

6.9K 380 33
                                    

"Astro, naman!"


Pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Astro sa'king pisngi. Tinulak siya ni Silas palayo sa'kin at hinaplos ang pisngi ko.


"Stop pressing her cheeks." Mahina nitong sabi.



Agad na umusok ang ilong ni Astro sa inis. Dilat na dilat ang mata nito habang nakatingin sa'kin at inambahan ako ng yakap. Mariin akong napapikit sa paghagulgol nito.


"Bakit 'di mo sinabing uuwi ka? Bakit 'di ka nagsabi? S-sana nasundo namin kayo." Aniya habang bahagyang nahawakan ang palad sa'king ulo.



I mouthed ‘help’ at Silas but he just smiled at me and let Astro hug me. Hindi na ako makahinga sa pagkakayakap n'ya.


"Sali!"



Lalo akong napahabol ng hininga nang sumunod si Carter at Adriel nang yakap sa'kin.


"Hey! Stop it!" Agad namang inalis ni Silas at Timothy sa'king ang tatlo.


Astro never changed. His nose and ears turned red because of crying. He's too emotional and still a cry baby. Sumusinghot pa habang nakayuko.



"Sabi ko sa'yo hindi ka naeengkanto! Akala ko rin, e!" Tawa ni Carter at tinapik ang balikat ni Astro.



Timothy sighed and nodded. Naupo ito at hindi maalis ang tingin sa'kin.



"Sur . . . prise?" Ani ko na halos pabulong na. Silas chuckled and squeezed my thighs.



"Fucking surprise." Timothy murmured. Hinilot pa nito ang kaniyang sintido.



Ngumuso ako at natawang tiningnan si Silas. Lalo kong dinikit ang katawan ko sa kan'ya.



"Hindi ka man lang nagsabing uuwi ka.." bulong ni Astro. I looked at him and chucked. He never changed! Tampuhin pa rin!



"Biglaan nga kasi, hindi rin namin intensyong makipagkita sa inyo." Sabay silang bumuntong hininga ni Timothy at naupo sa sofa'ng katapat namin.



Timothy keeps nodding everytime I talk. Like I bothered him that much!


"Nasan si ina?" Sa wakas ay nagsalita na si Silas.


"Nasa likuran ng mansyon, namimitas ng sampaguita kaaalis nga lang, e." Mahinang tawa ni Adriel.



"Oh god." Mabilis kong nilingon si Silas.


"Bakit?"


"Nakalimutan natin ang tamalis."



Pati ako ay nagitla roon. Kabilin-bilinan pa naman ng ina nito na mag uwi ng tamalis sa kaniya.


"Magpapabili na lang tayo ng malagkit na kanin, ako gagawa. I know how to make Tamalis, gagawa ako para kay Reyna-"


"Call her ina, ina, baby." Tinapik n'ya ang hita ko. I slowly nodded and smiled.  "You can? You sure?" He titled his head and gave me a soft kiss on the lips.


Isang tikhim ang nagpatigil sa pagsagot ko kay Silas. I looked at Astro. Hinihilot nito ang kaniyang lalamunan habang nakaiwas ng tingin sa'min.


"Baka lang naman nakakalimutan n'yo." Winasiwas n'ya ang kan'yang palad sa ere. "May tao sa harap n'yo." Aniya.


"Tao ka?" Halakhak ni Silas.



Mahina akong tumawa at itinali muna ang buhok ko bago dumampot ng isang tasa nang kapeng inilapag ng
katulong kanina.



"You changed . . . A lot." Timothy.



Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now