Kabanata 5

13.6K 805 172
                                    

"Water." Inabutan kami ni Timothy ng tatlong bottle water.

Una ko munang pinainom ang dalawa. Nang matapos kaming makainom ay naupo kami sa isang malaking bato. Nagpapahinga kami sa gitna ng gubat.

Hindi pa rin maalis ang tingin ko may Timothy. Kitang kita ang hugis ng panga nito habang nakatagilid at ang manipis niyang balbas na kulay itim. Talagang maganda rin ang mata n'ya at may katangkaran.



"Stop staring, Nathalie." Iritang sabi niya bago kinamot ang kanang kilay.

Yumuko ako at nag iwas ng tingin. Nasalubong ng tingin ko ang mata ng lobong sinakyan ng kambal ko.


"H-hindi ba s'ya nagiging tao?" Turo ko rito.


Lumapit sa'kin ang kambal at umakap sa'king binti. Antok na ang mga mata nito kaya't sabay ko itong pinatong sa magkabila kong hita.

"Hindi. He's my pet, Alcus." Lumapit ito sa'kin at tiningnan si Carmela. "May I?" Tumango ako. Binuhat nito si Carmela at pinikpik ng mahina ang p'wet para makatulog.


"Sinanay mo silang matulog sa gabi at dilat sa umaga." Umiling iling siya.

"Bakit? Normal-"

"Your twins aren't normal, Nathalie." Putol niya.


Kahit hindi normal ang mga ito ay pilit kong sinasang-ayon lahat ng kilos ng tao sa pagiging bampira nila. Normal sila para sakin.


"Wala kaming gamit, naiwan namin sa bahay.." mahina kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay bago nag simulang maglakad.


Binuhat ko na si Calius. Supsop nito ang hinlalaki n'ya habang nakahilig ang ulo saking leeg.


"May sarili kayong gamit at kwarto sa pamamahay ko."


"Paano?"

Nilingon niya ang paligid bago kami dumaretsyo sa isang kweba.


"I'm watching you and waiting for you, isn’t it obvious that I'm prepared?”  Ngumisi ito bago naglakad muli.


Bumungad sa'min ang isang bayan. Madaming nag
titinda kahit gabi na. Puro silver, gold at brown ang mga mata nito. Agad akong kumapit sa damit ni Timothy nang pag tinginan kami.


"Hush . . . hindi ka nila gagalawin, kasama n'yo ako." Hinawakan nito ang kamay ko at nag simulang mag lakad.

Nahahawi sa dalawang linya ang mga tao, halatang binibigyan kami ng daan. Ang iba ay naka yuko at nag aabot ng pagkain. Kumuha roon si Timothy ng isang stick ng saging. Inabot niya iyon kay Calius.

"Here."

"Was dat?" Mahinang bulol na bulong sakin ni Calius. Ngumiti ako.

"A banana stick, baby. Tanggapin mo."


Gamit ang maliit niyang kamay kinuha niya yon at nginata. May ngipin na naman ang mga ito dahil may dadalawang taon na. Tumigil kami sa isang malaking bahay. Ilang katulong ang sumalubong sa amin.



"Nasa lugar ka ng mga taong lobo, Nathalie. Ito ang Alphadous."  Aniya at nag lakad papasok.


Mabigat ang presensyang binibigay nila sakin pero kahit papaano ay nakakaya ko. Dahil na siguro sa kwintas ni Astro. Dinala niya kami sa isang kwarto.


Bumungad sa'kin ang malaking kwarto na may gamit ng mga bata. May pang lalaki at pang babae. Naka awang ang labi ko nang tapunan ko siya ng tingin.


Vampire's Runaway Wife Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz