Kabanata 6

12.9K 716 182
                                    

"Tayo, Silas!"

Agad kaming hinila nito papunta sa kaniyang direksyon upang iwasan ang panang nag mula sa gilid namin. Amoy na amoy ko ang pag kalalaki nito at ang matipunong dibdib nito na tumama sa'king pisngi.

"Gago, muntik na 'yon!" Rinig ko ang boses ni Astro na papalapit samin.

Nag tama ang mga mata namin ni Silas. Kulay pula iyon at singkit. Nangingibabaw sa maputi niyang balat.Agad akong lumayo sa kan'ya akap akap ang kambal gamit ang malaking kumot. Nasa harap ko na siya.

Nasa harap ko na ang kukuha ng mga anak ko.

"Nathalie.." sambit niya nang makita ang pag atras ko.

Inalalayan ako ni Astro tumayo ng ayos bago kinuha sa'kin si Carmela. Tinapunan n'ya ng tingin si Astro bago sa akin muli tinuon ang atensyon. Tila nanunuyo ang lalamunan ko at walang masambit na salita.

"Why? What's wrong?" Malambot niyang tanong at humakbang palapit sa'kin.

Kumapit ako sa braso ni Astro dahil nanginginig na ang mga daliri at labi ko sa takot. Ganito nalang talaga ang takot at kaba ko pag dating sa kan'ya.

"Alam niya, Silas." Seryosong sabi ni Astro dahilan para mawalan ng ekspresyon sa mukha si Silas.

"Hindi mo man lang ako ipapakilala sa mga anak ko?" Nakayuko nitong sabi hawak ang kaniyang flute na kulay silver at isang mahabang espadang metal.

Gusto kong sumagot. Gusto ko sabihin sa kaniyang 'wag na n'ya saking kunin ang mga anak ko ngunit pinangunahan ako ng takot.

"Ilalayo mo sila sa'kin, Astro, hindi ba?" Nanatili siya sa pwesto n'yang nakayuko.

Nagkatinginan kami ni Astro. Napili n'yang hindi na lang sumagot at pairalin ang katahimikan sa pagitan namin.

"Baby, hear me out first . . ." mabilis n'ya akong nahawakan sa magkabilang braso. Ang mala yelo niyang balat na naramdaman ko noon ay tila nag bigay pa sa'kin ng mas malaking takot.

"K-kukunin mo sila sa'kin." sunod-sunod ang pag iling ko. Namuo na ang luha sa'king mga mata. Yumakap sa'king leeg si Calius.

Nag iwas siya ng tingin sa'kin.

"Plano kong kunin sa'yo ang mga anak ko." Simula niya kasunod ng pagtulo ng luha ko. "Pero sino namang matinong ama ang hahayaang lumaki ang mga anak n'yang walang kinikilalang ina, hindi ba?"

Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ko. Malakas na hangin ang dumaan bago tumigil ang mga ibon at paniking nag liliparan sa ginawa niya. Miski si Astro ay namilog ang mga mata sa ginawa nito.

"Hayaan mo akong kilalanin nila bilang ama,  Nathalie." Hinawakan nito ang kamay ko bago doon humikbi.

"Please, I want them," umalog ang balikat nito. Ramdam ko rin ang pamamasa ng palad ko dahil sa luha niya.

"I want them." Ulit niya ngunit mas mahina iyon. "I want to be their father. I want my family. Gusto ko kayong alagaan,"  kinagat ko ang ibabang labi ko, nagpipigil mag karon ng tunog ang pag iyak.

"Tumayo ka, Silas!" Saway ni Astro at pilit ba tinatayo si Silas.

Agad na umiling ang lalaki at hinigpitan ang hawak sa'king kamay. Ang lobong si Alcus at nakayuko sa isang gilid.

"Ina.." lumapit sa'kin si Calius at yumakap sa aking binti. Dumapo ang tingin ni Silas sa kan'ya.

"Maniwala ka, hindi ko intensyon kunin sayo ang mga bata." anito. Namumula na ang ilong nito at pisngi sa kakaiyak. Mukha siyang batang inagawan ng laruan at nakipag away.

Vampire's Runaway Wife Où les histoires vivent. Découvrez maintenant