Kabanata 13

9.1K 559 93
                                    

"'Wag kang maingay, Astro!"


Pilit na hinila ni Timothy si Astro palayo sa isang tindahan ng mga pagkain na may free taste.


Nandito kami ngayon sa Bukalang Timog. Para ring bayan, nakakamangha dahil sa gitna ng kagubatan sa loob ng kwebang papasukan ay may ganito tulad ng tirahan nina Timothy. Kapapasok pa lang namin, madilim na ngunit marami pang tao sa labas. Hindi na katanong tanong dahil mga bampira sila.



Ang mga tauhan nina Astro na bampira ay malayang naglakad sa paligid na para bang taga rito talaga. Hindi halatang nag mamanman sa paligid. Naramdaman ko ang paghawak ni Timothy sa buhok ko. Hinawi n'ya 'yon at tiningnan ang kwintas kong suot bago tinaklob sa loob ng damit ko at inayos ang aking buhok.



"Hindi nila maamoy na isa kang tao, normal lang dito ang mga babaeng nakataklob ang mukha gamit ang itim na tela. Ito gamitin mo." Inabot n'ya sakin ang telang itim.
Inosente kong tiningnan ang tela at binalot sa ulo ko. Saglit niya akong inirapan. Bakit?


"Mali, katulad kung paano suotin ng mga Muslim itago ang kanilang mga buhok at mukha."


S'ya na mismo ang nag ayos ng tela sa'kin. Tanging mata lang ang nakikita sa'kin. Para nga talagang pang Muslim ang pagkakasuot. Taklob ng taklob ang mukha ko.



"Wow! Ano ka, virgin!?" Sigaw ni Astro sakin. Saglit kumunot ang noo ko ngunit napawi noong nag paliwanag sya.


"Ang mga babaeng nakabalot ang mukha sa lahi ng bampira ay 'di pa nagagalaw o dalaga pa." Tuloy n'ya at umakbay sa'kin.


Komportable kaming nag lakad sa gitna ng mga tindahan. Maraming maliliit at naglalakihang kabahayan dito. Tulad ng mga normal, may mga batang naglalaro sa labas at mga taong nagtatawanan sa paligid. Ngunit ang iba ay tila nagtataka lalo na kay Timothy na kasama namin.


Nang tumigil kami ay tiningala ko ang mistulang kastilyo na gawa sa semento. Mukhang luma na ngunit maganda tingnan. Maraming palapag, bintana at kwarto. Halata dahil sa mga puting kurtina na nasisinagan ng buwan.


"Ito ang palasyo nila, Tali." Ani Astro. May ilang mga taong bayan ang nasa labas kasama namin nag lilibot ngunit walang nakakapasok.


Marami ring mga kalalakihan sa labas ng malaking gate na nagbabantay. Tinanaw ko ang bawat bintana ng mga kuwarto ng sementong estraktura ang nasa harap ko, nagbabasakaling makita ang isa sa mga anak ko.


May ilang nakakakilala kay Timothy kaya hindi na kami nagtaka nang pagbulungan ng ilang kababaihan ito.

Saglit ko s'yang tinapunan ng tingin bago binalik ang tingin sa mga kababaihang nagkukumpulan at bulungan.

"Gusto mong pumasok?" Walang emosyon n'yang tanong. Hindi ako sumagot ngunit alam n'ya na kung anong gusto ko.


Walang pasabi siyang naglakad pauna. Nagsinghaban ang mga bampirang nakapalibot sa palasyo sa bawat hakbang n'ya. Si Astro ay parang bata lang na kumakaway sa mga kakilala n'ya rito. May ilang tumakbo palapit sa'min para makita ang gagawin ni Timothy.


Masuyo akong tiningnan ng guwaryang taga bukas ng gate. May malaki itong katawan at may matayong na tindig.


"Sino ito?" Turo sakin gamit ang itim na patpat. Nakipagtinginan pa sa'kin mata sa mata.


"She's my friend." Sagot ni Timothy at tinapik ang aking balikat.


Saglit akong kinabahan sa tingin nito. Mapula lahat ng matang nakapaligid sa.akin. Halos magpigil na ako ng paghinga sa harap nila.


Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now