Kabanata 7

13.8K 701 196
                                    

Warning: matured content

***

"Watcha!"

Natigil ang pag aagahan namin nang sumulpot si Astro sa sala namin. May hawak pa itong patpat.

"Sinaktan ka ba niyan, Nathalie!?" Sigaw nito habang nakapuwesto na mala-mangangarate. "Watcha, Watcha!"
Nag sisipa ito sa ere.

Ngumunguyang nagkatinginan kami ni Silas bago sabay nagkibit balikat. Dumapo ang patpat ni Astro sa balikat ni Silas.

"Baka na - hypnotized mo na sila, 'no!?" Akusa pa nito ngunit patuloy lang sa pagkain si Silas.

"Astro, wala siyang ginawa." Pagpapakalma ko ngunit parang mas lalo siyang nag duda. Lumaki ang butas ng ilong nito habang taas noong naupo katapat ng mesa ni Silas.

"Astro." Tawag ko. Hindi n'ya kasi pinuputol ang tingin kay Silas.

"Silas." Seryoso n'yang tawag kaya't tinapunan s'ya ng tingin nito.

"Pahinging ulam." Kasunod noon ay dumampot siya ng ulam sa plato ni Silas.

"You ruined my morning." Tumayo ito at unimom ng tubig. Pag katapos ay kumuha ng nasa tumbler na kulay pulang inumin.

"Dahan dahan." Sita ko. Sunod sunod kasi ang subo niya. "Tubig." Sinalinan ko na rin siya ng tubig.

"Sure ka ba, Tali? Hindi ka sinaktan n'yan?" Mahina n'yang tanong. "Kinagat-"

"I can hear you from here,  Astro." Mababa ngunit malalim na sabi ni Silas.

Tinapos ko na ang pagkain ko at tumayo na. Nang makarating ako sa lababo ay sinalubong ako ni Silas.

"Ako na." Aniya at kinuha ang plato sa kamay ko.

"Hindi ako na, dayo lang kami rito."  Kinuha ko ang sponge at nilagyan iyon ng sabon.

"You're not my guest," Kinuha n'ya ang sponge sa'kin at hinawhawan ang dalawang plato. "You are my wife." Tuloy niya.

"Hindi tayo mag asawa." Sagot ko at nag punas ng kamay.

"Anong tawag mo satin? Stranger with a twins?"

Natigil ako sa pag pupunas at tinaasan siya ng kilay. May ngisi ito sa labi na tila nang aasar. Yes.

"Oo." Matatag kong sagot.

Lumapit ito sa'kin kaya umatras ako. Mahina siyang tumawa. Kitang kita ko ang hugis ng matutulis niyang ngipin sa mag kabilang gilid na umuusbong kapag mapula ang kanyang mga mata.

"Mag pupunas ako." Aniya at nag punas kung saan ako nag patuyo ng kamay kanina.

Pupunta na sana ako sa sala nang harangin niya ako gamit ang bilis n'ya. Hindi ko man lang siya napansin.

"May anak na tayo, ibig sabihin mag asawa na tayo." Nakapamewang n'yang sagot.

"May babae ngang may anak na pero walang asawa." Sagot ko. Nag tagis ang panga nito at halatang naiinis na.

"Ano ka byuda? Ginawa mo akong patay."

Hindi na lang ako sumagot. Dumating si Astro hawak ang kan'yang plato may dala na ngiti sa labi.

"Luh? Sino maghuhugas ng plato ko?" Tiningnan niya kaming dalawa.

Sabay kaming nag taas ng kilay at sumagot.
"Ikaw."

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now