Kabanata 41

7.3K 388 43
                                    

Mabilis akong nakapili ng bulaklak para kay Carmela. Buti nakapag extend pa kami ng ilang araw rito palugit ni kuya dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko nitong makailang araw matapos may mangyari sa'min ni Silas.


"White rose." Calius picked a bouquet of white roses while holding a bag of sweets for Carmela.


"Mine is tulip." Pinakita sa'kin ni Silas ang napili n'ya.



Bahagya akong napanguso dahil pulang rosas ang napili ko. This isn't even special! It looks normal than them!



"It's okay, baby. Carmela will surely like it." Silas whispered to me and handed his cash to the sales woman.



I nodded, syempre magugustuhan ito ng anak ko. Hindi p'wedeng hindi dahil pinili ko ito para sa kaniya.



'"Di ba, may photoshoot ka mamaya? Paano mo kami maihahatid ni Calius?" Tanong ko rito habang inaalalayan ako pasakay sa kotse.



Pumasok muna ito sa driver seat bago ako sagutin at tiningnan si Calius sa likuran ko.


"Isasama ko kayo, hanggang tanghali lang naman ata iyon."



Tumango ako bilang tugon at inakay ang bulaklak sa tabi ko. Napukaw ng tingin ko ang isang pack ng sampaloc seeds sa isang gilid ng kotse n'ya. Nagkatinginan kami ni Silas ngunit agad akong nag iwas ng tingin.



Baka iyon ang sampaloc ni Selena tapos nakalimutan niya lang sa kotse ni Silas?



"This is mine, baby. Binili ko sa San Nicolas." Kamot batok n'yang sabi.



"I'm not saying anything, ha." Malisyoso kong sabi. "Baka ikaw, may naalala ka sa sampaloc." Halos pabulong kong wika.



He chuckled and pressed my thighs. Ang isang kamay nito'y nakahawak sa maninela ng kan'yang sasakyan.


"Selosa." He laughed.



Pinaningkitan ko siya ng mata. "How can I stop this jealousy if you are not even mine? If saling pusa lang kami ng anak mo sa buhay mo?"


"Who told you that?"


"My mind." Taas noo kong sabi. Again, he chuckled.



"I'm yours, Nathalie.." he caressed my thighs softly. His thumb was also rubbing on my skin. "I am all yours . . . Sa'yo ako ikakasal." Saglit n'ya akong nilingon.



Nalukot ang mukha ko. Paano niya ako papakasalanan? Papatayin n'ya si Selena para wala na kaming problema?



"Then get married, bakit kasi ang tagal?" Salita ni Calius.



"I'm just starting to make Selena shut up in her place, buddy." Sagot ng kanyang ama.



I stared at the window, watching the views while he's driving. He's starting to make Selena shut up in her place. Dapat ba akong maging masaya kasi gumagawa na siya ng paraan? Dapat ba magdiwang ako kasi mawawala na si Selena sa tabi n'ya?



Bumaba kami at maaga pa lang siguro mga alas otso pa lang ng umaga ay nakarating na kami sa pusod ng gubat kung saan nakalibing ang pamilya ko.



"Madami ito, 'di ko alam kung mauubos mo. Hatian mo na lang sina lola . . . then drink a lot of water like eight or twelve glasses everyday." Ani ni Calius sa puntod ni Carmela habang pinapakita ang paper bag ng candies na naipon n'ya sa LA.


Silas set aside our things para hindi masyadong magulo. Naglatag din kami sa damuhan ng banig at nagdala ng maliit na unan.



"Mama, I'm home." Bulong ko at hinaplos ang lapida nito. '"Di ba, noon nagbibiruan tayo na hanggang papel na lang ang sinusulat ko?" Natawa ako at dinampot ang isang copy ng libro kong nakaplastic.



Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now