Kabanata 11

10.2K 569 221
                                    

Sumikat na ang araw pero hindi pa rin ako umaalis sa loob ng gubat. Hinayaan na nga ako nina Astro maghanap ngunit wala naman akong mahanap na Silas o Calius at Carmela man lang.


Pagod na ang mga mata ko kakaiyak. Paga na at antok. Mapula na ang talampakan ko at nangangati na ang balat ko. Ngumuso ako at pinigil muling maiyak. Nasa gitna na ata ako ng gubat hanap ng hanap.


"Tama na 'yan." Hindi ko nilingon ang pamilyar na boses na 'yon.

Isa pa siya, eh. Intensyon n'yang kunin ako makalaban lang si Silas. Lahat sila sinungaling at gutom sa kapangyarihan. Gagawin ang lahat para lumakas kahit may nasasaktan na.

"Nathalie, itigil mo na 'yan!" Umalingawngaw ang sigaw nya, hinablot nito ang braso ko at pinaharap sa kaniya gamit ang paghawak sa magkabila kong braso. Seryoso siyang nakatingin sa'kin.

"You should rest first, tingnan mo ang mga mata mo." Hindi ko kumibo.

Nakatitig lang ako kay Timothy, iniisip lahat ng nangyari. Nakikita ko sa kaniya si Silas mula sa ilong, mata, at labi niya.

"Ano bang kailangan n'yo sa'kin?" Mahina kong tanong habang walang buhay na nakatitig sa kan'ya.

Nag igting ang panga nito at mariing pumikit bago sumagot.

"Bakit?" Tanong n'ya. "Ibibigay mo ba sa'kin ang gusto ko kapag sinabi ko?" Lumambot ang pagkakahawak n'ya sa balikat ko.

"Pare-pareho lang naman kayo." Sagot ko ulit. Gagamit ng katawan ng isang mortal at kukunin sa'min ang bata na para bang laruan lang na inagaw sa kalaro.

Dumako ang tingin nito sa paa ko at lumuhod. Ramdam ko ang malamig n'yang balat na hinaplos ang talampakan ko. Wala man lang ako naramdamang kaliti.

"Silas and I will never be the same." Sagot n'ya at tumayo.

"Saan ang bahay n'yo rito? Kailangan mo nang umuwi para magamot ang talampakan mo." Aniya at inayos ang buhok ko.

Hindi muli ako kumibo at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya ngunit hinabol na naman n'ya ako.

"Nathalie, tama na muna 'yan. Tuungan kitang hanapin-"

"Wag ka ngang magpatawa." Sarkastiko akong tumawa. "Ako? Tutulungan mo para makuha mga anak ko sa kalaban mo?" Daretsyo akong tumingin sa kan'ya.


"Hindi n'yo na ako mauuto, Timothy." Sagot ko. "Sinanay n'yo ako sa mga kasinungalingan at sikreto n'yo." Ngumiti ako nang mapait.

Hindi na siya sumagot at tiningnan lang ako. Tahimik lang kaming nakatayo at magkatapat.

"Umuwi ka na." Mahina n'yang sabi.

"Tutulungan mo ba ako, Timothy?" Pinagmasdan ko ang reaksyon n'ya. Kita ko ang pagiwas ng mga mata n'ya sa'kin at bahagyang paggilid ng ulo.

"Kung hindi, iwan mo na lang ako rito. Wala ka namang inaambag sa buhay ko." Matalim kong sabi at hinawi ang mga matataas sa damo bago nag lakad.

Natigil ako nang magasgas ang hita ko sa isang sanga. Napunit ang damit ko at napasubsob sa damuhan. Ramdam ko ang hapdi doon.

Nang tingnan ko si Timothy ay nakatingin ito sa sugat ko at lumunok. Saka ko lang napagtantong isa nga pala s'yang bampira na kalahating lobo.

Lumapit siya sa'kin at tinayo ako.

"Sabi ko sayo, umuwi ka na." Mahina n'yang sabi bago naghabol ng hininga.

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now