Kabanata 4

13.7K 789 189
                                    

"Ma'am, excuse po kay Nathalie. May lalaki po sa labas na umiiyak."



Nag angat ang tingin ko sa isang estudyanteng bumanggit ng pangalan ko. Tiningnan ako ng teacher at tinanguhan.



Paglabas ko ng room ay bumungad sa'kin ang umiiyak na si Astro. Nasisikatan siya ng araw kaya dumako ang tingin ko sa kwintas niya.



"Tali... Tali, si Calius.."




Agad akong kinabahan at nilapitan siya.




"A-anong nangyari!?" Inalog ko s'ya. Patuloy siya sa pagiyak. "Astro, anong nangyari!" Kinakabahan na talaga ako.




"N-nasubo n'ya yung piso-"





Agad akong tumakbo papunta sa room at yumuko sa harap ng aking guro. Hindi ko na napigilang lumuha sa takot.



"What's happening, Ms. Bueno Vestra?"


Hinarap ko ito. Kumunot ang noo nito nang makita ang itsura ko.


"Ma'am... may emergency lang po yung anak ko ho. M-may nangyari po." Hindi ko madaretsyo o maayos ang sasabihin ko sa taranta.



Namilog ang kanyang mga mata at inabot agad nina Abby sa'kin ang bag ko.



"Oh my god! Go to your baby now!"



Agad akong sumakay sa kotseng minamaneho ni Astro at mabilis niya iyong dinala sa Hospital. Agad akong sumunod sa kan'ya. Sa operating room pa dinala si Calius.


"Bakit mo hinayaan!?" Sigaw ko nang makarating kami sa tapat ng nakarasadong operating room.


Mabilis na lumapit sakin si Kuya at pinakalma ako. Yumuko si Astro at nilaro ang mga daliri.


"Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang piso.." suminghot siya. "Hindi rin ako sure kung piso sinubo n'ya." Ngumuso siya at humagulgol habang yakap si Mama.


Hindi ako mapakali habang hinihintay ang doctor na lumabas sa operating room.

"Ma, si Carmela?"

"Nasa bahay kasama ni Papa mo."

Mataimtim akong nagdasal hanggang sa lumabas ang doctor. May hawak itong ziplocked na plastic bag at pinakita samin.


"Misis, hindi ho barya ang nakuha namin sa lalamunan ng anak n'yo." Simula niya at inabot sa'kin ang plastic. "This is a kind of seed. We saw this black seed on your child's throat. May alam ho ba kayo kung saan ito nakuha ng bata?"


Nangibabaw ang lalong takot ko nang marinig iyon.



"This seed is a poisonous one, Misis. Delikado para sa bata pero maswerte namang nakaligtas ang anak mo."


Agad akong sumubsob sa dibdib ni kuya at umiyak. Hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya at humagulgol. Paano kung hindi naka ligtas ang anak ko? Paano kung wala na siya ngayon.


Hindi pa raw kami pwede pumasok sa loob dahil nililinis pa ang lalamunan ni Calius. Dumako ang tingin ko kay Astro na nakayuko at tahimik. "Astro-"


"Sinadya nilang ibigay sa anak mo ang buto ng yon, Tali."

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Tumayo siya at madilim na tiningnan ang pintuan ng Operating room bago tumingin sa'kin.


"Babawian ko sila para sayo, gusto mo?" Lumuhod ito at tumapat sakin. "Gusto mo sabihin natin to kay Silas?"

Malambot niyang sabi at pinunasan ang pisngi ko.
Umiling ako. Noong huling nasaktan ang kambal ay nalaman ni Silas. Bubog saradong umuwi si Astro noon. Halos hindi na siya maka galaw sa bawat pasa n'ya. Paano pa kaya kapag nalason ang isa sa kanila?


Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now