Kabanata 8

13.1K 724 159
                                    

"Focus, Calius!"


Nasa Cavite kami ngayon sa mansyon niya. Tinetraining niya si Calius sa pagpapalit ng anyo bilang lobo at isang taong bampira. Ni hindi ko inisip na may ganoon si Calius.


Si Calius ang maliit na lobong tumatakbo sa malawak naming likod bahay, samantalang si Carmela ay hawak hawak koa at nanonood sa kaniyang kapatid.

Gustong gusto ko nang hawakan si Calius sa anyo niyang maliit na lobo. Napaka cute at napaka liit.

Mabagal pa ito tumakbo ngunit p'wede na raw para sa magdadalawang taong gulang na bampira.

"Human formation, buddy." Ani ni Silas habang buhat buhat ang lobong si Calius. Mabilis na nag palit ang anyo nito sa tao.


"Tired?" Rinig kong tanong ulit nito sa anak nang makalapit sa'min.

Hindi sumagot si Calius ngunit yumakap sa'kin. Mahina akong tumawa at ginulo ang buhok niya.


"Good job, baby." Proud kong sabi nito.


Nagsalin si Silas ng orange juice sa isang baso at mabilis na ininom 'yon at tumabi sa'kin.


"Hindi mo ba tuturuan si Carmela?" Takang tanong ko. Umiling ito at binuhat si Carmela.

"She doesn't have my ability. Ngunit ramdam kong may abilidad siya gamit ang mga mata." Anito at hinawakan ang palad ng anak.

"She can see someone's past." Masaya niyang sabi.
"Pwede niyang gamitin sa kalaban kapag nagkataon." Hinalikan nito ang noo ni Carmela.

Tumango na lang ako at pinanood ang kung ano anong ginagawa nila. Nag eenjoy na si Carmela sa pagsakay sa kuya niya kapag naka anyong lobo ito kung kaya't maya't maya ang palit anyo ni Calius.

Halos kumpleto na rin ang ngipin ng kambal. Nakakalakad na rin nang walang umaalalay.

"They're cute." Aniya at pinulupot ang braso sa'king baywang. Ngumiti ako at sumandal sa dibdib n'ya.

"Mag tu-two na sila." Mahina kong sabi.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.


"We'll celebrate their birthday here." Tila humihingi siya ng permiso sa tono niya.

"P'wede rin." Kung hindi kami pwedeng lumabas o magpunta kung saan hindi p'wedeng palabas labas kami.

Kahit sa bahay na lang icelebrate ang birthday ng kambal ayos lang.

"Family dinner is better than party." Mahina niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

"Sayang. Hindi natin kasama sina mama at sina Astro." Tiningnan ko siya. Tipid siyang ngumiti.

"I'm sorry." Kumunot ang noo ko. Sorry saan? "I ruined your peaceful life." Dugtong niya.

Mahina akong tumawa. Hindi man tahimik ang buhay ko ngayon masaya ako kahit papaano. Kung wala siya, wala akong kambal ngayon.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman niyang tiningnan ang kanyang relo.

"11 am malapit na mag alas dose." Tumingin ito sa dalawang nag lalaro. "Lunch time!" Sigaw nito.

Vampire's Runaway Wife Donde viven las historias. Descúbrelo ahora