Mafia's Doctor: Flashback

Start from the beginning
                                    

Siniksik ko ang sarili ko sa headboard nang lumapit ang isa sa kanila at umupo sa gilid ng kama malapit sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin at bumuga ito ng hangin sabay ng pag-iling.

“Masyado ka pang bata.” bulong nito na narinig ko. Nalito naman ako sa sinabi nito.

Napalingon kami sa pinto ng pumasok ang isa pa niyang kasama na hindi ko namalayang lumabas na pala. Naglakad ito palapit sa amin at nang mapadako ang tingin niya sa akin ay mayroong awa sa mga mata nito. Nangunot naman ang noo ko.

“Dalhin daw natin kay Boss.” rinig kong ani nito kaya naman nang hawakan nila ako ay nagpumiglas ako. Naging matigas naman silang dalawa at ang isa na kanina pang nanonood sa amin ay siyang nag-alis ng posas.

Hindi na ako nanlaban dahil paglabas namin ng silid ay maraming lalaki na may hawak na malaking baril. Tangkain ko mang tumakas at siguro kahit wala pa ako sa pinto nakahiga na ako at wala ng buhay.

Hawak pa din ng dalawang lalaki ang braso ko at naglalakad sa gitna ng mga lalaki na nasa magkabilang gilid na nakatayo na parang statue pero ang kanilang mga mata ay sumusunod sa amin pero iisa lang ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Awa.

Nakarating kami sa pinakadulo ng hallway ng mansion. Kumatok ang lalaking nasa kanan ko at inanunsyo na hawak na nila ako. May narinig naman kaming sigaw na “Pasok!” kaya pinihit na nila ang doorknob at marahan akong tinulak papasok.

Naiwan lang sila sa labas at ako lang ang pumasok. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang isang lalaki na nakatalikod sa akin at nakaharap sa bonfire. Nangunot ang noo ko dahil doon.

“Little Elejado.” I heard him smirks and he placed his hands on the back of his head. I gulped nang maramdaman ang nilalabas nitong aura. Nakakatakot at mapanganib. Kahit na ganon ay pinilit kong mag-salita.

“Y-yes p-po?” I bit my bottom lip when he chuckles dahil sa pagka-utal ko. Nag-salita pa din ako kahit na parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi pa din ito humaharap sa akin at nakatitig pa din sa bonfire na nasa harapan nito, nanatiling itong nakatalikod sa akin habang nagsa-salita.

“I have something for you.” nangunot naman ang noo ko dahil sa kuryosidad. Lalapit na sana ako dito para makita ang mukha ng kumuha sa akin dahil ganito ang body built ng nag-ligtas sa akin sa dagat.

May pinindot ito sa lamesa at kasabay non ang pag-pasok ng isang naka lab coat na naka mask. Hindi ma-alis alis ang pagkunot ng noo ko dahil naguguluhan na ako sa nangyayari. Gusto ko ng umuwi. Kanina pa nanlalamig ang katawan ko at mukhang alam ng mismong katawan ko na nasa panganib ako.

May mga lalaki pa sa labas at hindi katulad ni Ate, hindi ako tinuruan lumaban ni Daddy dahil ang sabi niya masyado pa akong bata para doon.

Lumapit sa akin ang babaeng naka-lab coat na may hawak na injection, hindi ko alam ang nasa loob non pero kusang umatras ang katawan ko at patuloy itong umaabante. Nanginginig na ako at hindi ko mahanap ang boses ko kahit na alam ko na walang tutulong sa akin kapag sumigaw ako.

Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ng pader na ang nasa likod ko at kahit naka mask ito ay alam kong naka ngiti ito sa akin. Hinawakan nito ang kamay kong akma na itutulak siya at pinatalikod ako kahit na hawak pa nito ang dalawa kong kamay.

Naramdaman ko na lang ang sakit sa batok ko at alam ko na itinurok na sa akin ang injection na hawak nito kani-kanina lang. Nakaramdam naman ako ng antok dahil doon.

“Hindi ko alam na ang itinurok pala sa akin ay isang experiment nila na kung sino man ang makaka-take ng ganon ay makakalimutan nila ang nakaraan and worst, makokontrol nila ang pag-iisip mo. Pa-ulit ulit nilang ginamit sa akin ’yon sa tuwing may nagpapakitang simtomas na nakaka-alala na ako.”

“Dalawang taon akong nag-hirap sa kanila. Swerte ko na lang dahil hindi nila alam na hindi na epektibo sa akin ang in-experiment nila. Hindi nila malalaman dahil pina-punta nila ako dito para mag espiya. Hindi ko din alam na dito kita muli makikita.”

“Alam ko kung nasaan ka pero dahil nag e-espiya ako kay Jake ay hindi ako basta basta makakalabas dito. Nag r-report lang ako gamit ang earpiece na sinusuot ko lang sa tuwing may pag-pupulong na nagaganap sa mansyon nila Jake para masabutahe nila ang mga plano niya. Nakita na lang din kita na dinala sa masyon nila Jake at walang malay.”

Nanatili akong naka-titig kay Ate habang nag kwe-kwento. Alam kong mukha na akong ewan ngayon dahil punong puno na ang mukha ko ng luha at sabog na din ang buhok ko. Napayuko ako ng mariin akong tinitigan ni Ate at kinagat ang mga labi ko dahil gustong gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko sa ngayon.

Naramdaman ko namang niyakap ako ni Ate at nanatiling tahimik habang hinahaplos ang likod ko. Mas lalo akong umiyak dahil sa simpleng ginawa niya at niyakap siya ng mahigpit.

“A-ate… sa tuwing tinuturok nila sa akin a-ang in-experiment n-nila… b-binebenta nila ang k-katawan ko at pa-ulit ulit na g-ginagalaw. A-ang dumi d-dumi ko na.” humagulgol ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa akin.

Sa tuwing tulog ako, ramdam ko ang pag-inject sa akin ng kung ano at magigising na lang sa katinuan na naka-hubad at punong puno ng katas.

Wala akong maramdaman ng kahit ano tuwing ginagawa nila ’yon pero alam ko sa kaloob-looban ko na umiiyak at nagmamakaawang itigil na. Naa-awa ako sa sarili ko na kahit paulit ulit kong ikuskos ang balat ko naroroon pa din ang mga bakas ng kamay at halik nila, ang pruweba ng pang ba-baboy sa akin.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Ate ng may mga narinig nanaman akong boses sa isip ko.

“N-nakapatay na din a-ako, Ate.”

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now