Mafia's Doctor: Jade was kidnapped

Magsimula sa umpisa
                                    

Someone's POV

Nakatingin lang sa maid na inutusang dalhin ang kapatid ni Sir Jake sa kwarto nito kaya naman sinundan ko ito at nang malapit na ito sa kwarto ay may pri-ness ako sa leeg niya dahilan para matumba siya pero sinalo ko si Jade.

Lumingon naman ako sa paligid kung may nakakita sa ginawa ko and luckily, wala kaya patago akong naglakad papunta sa bakuran dahil may sikretong labasan doon. Pagkalabas ko ay maingat kong nilapag si Jade sa backseat na natutulog. Agad akong umupo sa driver seat at sinuot ang seatbelt. May nakaabang na kotse sa labas dahil matagal ko na itong plinano at sinisiguro kong magta-tagumpay ako.

Tiningnan ko si Jade na mahimbing ang tulog kaya naman napahinga ako ng malalim at tiningnan ko muli ito. Pasensiya na pero ito lamang ang naiisip kong paraan para makausap ko muli siya. Bago pa ako mahuli ay pinaharurot ko na ang kotse paalis pero bago ako tuluyan makaalis ay narinig ko pa ang sigaw ng kasamahan ko.

Nadia's POV;

“Ma'am! Sir! Si Jade nawawala!” napalingon kaming lahat sa sumigaw at nakita namin doon ang inutusang katulong ni Jake na ihatid si Jade sa kwarto nito. Luhaan nito at hinihimas ang leeg. Nasa mata nito ang kaba at takot habang nakayuko at dahil may hagdan muna bago ang pinto papasok sa mansyon at naririto lang sa pinakababa ng hagdan ay kita ko pa din ang mukha nito kahit nakayuko.

Napalingon ako kay Jake na sumigaw at nasa boses nito ang awtoridad.

“Sino ang kumuha?!” nagtatagis ang baga nito at ang katulong naman ay patuloy lamang na umiiyak at umiiling.

“H-hindi ko alam, Sir. Pa-papunta na a-ako sa kwarto n-ni Miss pero may n-naramdaman ak-ong masakit sa l-leeg ko.” pumipiyok nitong saad. Tumakbo ako papunta sa loob at naramdaman kong nakasunod sila. Nakarating ako sa bakuran sa likod at doon ko narinig ang humaharurot na sasakyan. Napalingon ako sa likuran ko nang makarinig din ako ng mabibigat na yapak at nakita si Jake.

Binalewala ko siya at sinundan ang narinig kong harurot ng sasakyan pagkarating ko ay medyo hindi pa ito kalayuan sa amin kaya naman tinakbo ko muna ito, rinig ko ang pag-sigaw ni Jake sa pangalan ko pero mas binilisan ko pa ang takbo ko ng mas binilisan din ang pag-takbo ng sasakyan. Napaupo na lang ako ng mamanhin ang mga binti ko at nakitang papalayo na ang kotse.

Hingal na hingal kong pinagmasdan ang kotse at nakita ko pa ang nahulog na papel malapit sa akin galing sa kotse. Alam kong sinadya itong ihulog kanina dahil kita kong binaba nito ng bahagya ang bintana at nilusot ang papel para maihulog ito.

Pinulot ko ito at nakasulat dito ang address namin dati. Kung saan ang naka-locate ang mansyon namin dati nila Mama. Nangunot naman ang noo ko at tiningnan ang harapan ko kahit wala na doon ang kotse. Sinubukan kong tumayo na napag-tagumpayan ko naman.

Huminga muna ako malalim at naglakad pabalik sa mansyon. Sumalubong sa akin ang pamilyang Montero na nagkaka-gulo at pabalik-balik ang lakad. Si Jake na may inuutusan sa telepono, ang ama niya na kinausap ang mga tauhan nila, at ang ina nito na nakaupo na pilit kinakalma ang sarili.

Nang makita ako ni Mrs. Montero ay napatayo naman ito at dali-daling nilapitan ako. Nang nasa harapan ko na ito ay niyakap ako nito ng mahigpit at rinig ko din ang hikbi, hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nito. Sa hindi malaman na dahilan ay niyakap ko din ito pabalik at parang doon lang ako nakaramdam ng kapayapaan sa loob ng ilang taon.

Lumayo ito ng kaunti sa akin at tiningnan ang kabuohan ko. Niyakap muli ako nito kaya naman hinagod ko ang likod. Nahagip ng mga mata ko si Jake na papunta sa pwesto namin ng Ina niya at ang ama nitong nakatingin sa amin ng seryoso.

Nang makarating sa harapan ko ay niyakap din ako nito nang mahigpit at hindi napansin ang ina nitong naiipit. Napansin lang nito ang ina nang kurutin nito ang singit. Napadaing naman si Jake at inalis ang pagkakayakap sa amin ng ina niya. Hindi ko naman maiwasang mapahagikgik dahil sa reaksyon nito.

Sinermonan nito ng Ina at hawak ni Jake ang singit. Lumingon ako kay Mr. Montero at naglakad papunta dito. Napalingon naman ito sa akin nang makitang nakatayo ako sa tabi nito at binalik sa mga tauhan ang tingin.

“Ako na lang ang kukuha kay Jade.” nang sabihin ko iyon ay mabilis pa sa alas kwatrong tumingin silang lahat sa akin. Sinigaw ko iyon para na din marinig nang mga nasa malalayong pwesto ang sasabihin ko.

“Alam ko kung nasaan siya dinala.” dagdag ko.

“Saan?” tanong ni Mr. Montero. Lumapit na din sila Jake sa pwesto namin. Umiling naman ako tanda na hindi ko pwedeng sabihin sa kanila. Nagalit naman si Mr. Montero dahil doon.

“Saan?!” pag u-ulit niya ng tanong pero katulad kanina ay umiling muli ako pero bago pa man niya sabihin ang gusto niya man sabihin ay nagsalita na ako.

“Hindi pwedeng sabihin dahil kung hindi sasaktan niya si Jade.”

>>>><<<<

So, sino sa tingin niyo ang kidnapper ni Jade?

Mafia's Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon