Mafia's Doctor: Dinner (2)

Start from the beginning
                                    

Akmang mag-tatanong ulit si Jade ng tumikhim ang ama nila kaya napa-tingin siya dito at nakita ang Ina nilang katabi na nito. Napangiti naman ulit siya ng malaki which reminds me of my friend, Avi.

“Kain na tayo!” napalingon ako sa may bungad ng dining room at nakita si Ashton na naka-tingin sa mga pagkaing nakahain. Umupo naman ito katabi kay Avi at sila Gael naman ay sa kabilang banda malapit sa kanila Mr. Montero. Hindi ko pa alam pangalan nila kaya tatawagin ko munang Mr and Mrs. Montero.

Nag-umpisa na kaming kumain at nararamdaman ko din ang paminsan-minsan na tingin sa akin ng magulang ni Jake. Mukhang may gusto silang itanong pero nakikita nilang nasa pagkain lang ang atensyon ko kaya naman binaba ko muna ang kubyertos bago umayos ng upo.

Tumingin naman ako kay Mrs. Montero na saktong tumingin sa akin kaya naman ngumiti ako at naging dahilan para umayos din ito ng upo. Ganon din si Mr. Montero ng mahuli ko itong tumingin sa akin kaya tumikhim ito.

“May gusto po ba kayong sabihin?” tanong ko sa kanila. Napatigil naman sa pagkain sila Jake habang si Jade at Ashton ay tuloy-tuloy lang pero alam kong nakikinig lang sila.

“Paano ka nakuha ni Jake bilang Doctor ng clan?” nangunot naman ang noo ko at sinulyapan si Jake para humingi ng tulong at siya na lang ang sumagot. Sabihin ko kayang kinidnap ako?

Tumingin din sa akin si Jake para malaman ang sagot ko pero nang makita ang klase ng tingin ko sa kaniya ay tumikhim naman siya at sa kaniya na punta ang tingin ng mag-asawa.

“Simple, I hired her.” simpleng sagot nito at sumulyap sa akin bago bumalik sa pagkain. Bumalik na din ang atensyon ko sa pagkain at mukhang ganon din ang mag-asawa. Nang matapos sa pagkain ay nilapag ko na ang kubyertos at umupo ng maayos. Tapos na din si Jake na nakikipag-usap sa ama nito at ang Ina nito ay nakatingin sa akin habang may kakaibang kinang ang mga nito.

Nang makita ako nitong naka-tingin sa kaniya ay ngumiti naman ito kaya naman nguniti ako pabalik na mas nagpa-lawak sa ngiti niya. Ang creepy. Nilingon ko si Jade na pilit na inaabot ang pitsel at medyo malayo ito sa kaniya kaya naman ako na ang nag-abot at nilagyan ng tubig ang baso niya.

Habang nagla-lagay ng tubig ay may narinig kaming putok ng baril kaya naman napasigaw ako sa gulat lalo na at hindi gaanong maingay ang mansyon kaya rinig na rinig namin ang ingay mula sa labas.

Nang tuloy tuloy na ang pag-putok ng baril ay napa-lingon ako kay Jade para sana yakapin pero napamaang na lang ako ng parang wala lang sa kaniya ang putok ng baril. Bata pa lang siya! Binaba ko ang pitsel at tumabi muli kay Jade. Naalala ko namang nag ma-may ari pala ng Mafia ang pamilya nila kaya normal na siguro sa kaniya ang ganito.

Nilingon ko si Jake na nagha-handa ng baril kasama ang ama niya at may kinakausap na tauhan. Mukhang nag r-report kung ano ang nangya-yari sa labas. Pumasok din si Gael na pawisan ang noo kaya naman nangunot ang noo ko at tiningnan ang inuupuan nito kanina. Hindi ko man lang napansin na lumabas siya.

Nanatili lang ako sa tabi ni Jade habang lumabas naman sila Ashton kasama si Jake. Kaming tatlo lang ang naririto at ang nga maids naman ay nasa mismong labas ng dining room at mukhang trained din sila sa ganito incase na nagkaroon ng gulo at wala sila Jake. I secretly smirk.

Napalingon naman ako sa gilid ko nang tumabi sa akin si Mrs. Montero at hinagod ang likod ko. Nangunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ngumiti naman ito sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

“May kamukha ka.”

“Kamukha mo si Narliah.” dagdag ni Mrs. Montero. Napatigil naman ako dahil sa pangalan na sinambit nito. Inalis ko naman ang pag-haplos nito sa pisngi ko na ikina-kunot ng noo nito.

“Paano mo nakilala si Mama?” tanong ko at umalis sa tabi nito. Lumayo ako ng kaunti dito ng tumayo ito at tinitigan ako habang naka-awang ang labi. Mukhang hindi niya inaasahan na ang sinasabi niyang kamukha ko ay ang Ina ko. Maraming nagsasabi na kamukha ko si Mama pero kung titingnan na mabuti ay kamukha ko talaga si Papa. Pinag-halong mukha.

“Mag-kababata kami.” ani nito. Umiling naman ako at huminga ng malalim.

“Bakit ba ganiyan reaksyon mo?” tanong nito nang hindi ako umimik sa sinabi nito. Tumingin naman ako dito at tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin. Hindi niya ba alam na patay na si Mama? o mas mabuting sabihin na pinatay.

“Hindi mo alam?” naguguluhan naman itong tumingin sa akin pati na din si Jade na kuryosong nakatingin sa amin ng Ina niya. Alam kong may nakikinig sa amin sa labas pero wala na akong pake doon.

“Ang alin?”

“Wala na si Mama.” base sa reaksyon niya ay gulat nito. Nagulat siya? Ibig sabihin, hindi niya talaga alam? Akala ko ba mag-kababata sila? Marahas akong huminga ng malalim at kinagat ang labi ko.

“Pinatay siya.” mas lalong lumaki ang mata nito. Hindi ine-expect ang sinabi ko. Napansin ko namang namamasa na ang mga mata nito and any moment from now, iiyak na siya at hindi nga ako nagkakamali, tumulo na ang mga luha nito at tinakpan pa nito ang bibig. Nang makita ni Jade ang Ina nito na umiiyak ay niyakap niya agad ito habang nakatingin pa din ito sa akin na parang nagta-tanong.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now