Mafia's Doctor: Resignation

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na sila pinansin at dire-diretso ng naglakad. Bigla namang bumilis ang lakad ng isang lalaki na matangkad. Mukha siyang may lahi na Russian dahil sa features nito. Nauna itong lumabas habang nakabusangot ang mukha at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay.

Pagkalabas ko kasabang ang dalawa sa likuran ko ay nakita ko si Kuyang Russian na nakasandal sa kotse habang nakapinta ang pagkainip sa mukha nito. Sino ba kasing nagsabi na mauna siya?

Nang makita kami nito ay binuksan nito ang upuan sa backseat kaya doon na ako dumiretso. Tumabi naman sa akin ang isang chinito na ash gray ang buhok. Mukha siyang happy-go-lucky person pero nakakatakot magaling ang mga happy-go-lucky sabi nga nila.

Pumasok na silang tatlo at nag drive na papuntang hospital. Medyo malayo ang siyudad sa bahay ni Jake. Ayon ang kanina ko pa naoobserbahan dahil kanina pa ako nakatingin sa bintana at kanina pa puro gubat ang dinadaanan namin. Wala man lang akong nakitang iba kung hindi puro puno at bulaklak. Itong buong lupain ba ay pagmamay-ari niya? Edi wow.

Nang may makita na akong matatayog na building ay napangiti naman ako. Kanina pa ako nababagot at nag iinit na ang pwet ko dito sa kinauupuan ko. Nangangalay na din ang mga paa ko. Nakita ko na din ang kainan na kaharap lang ng hospital kaya naman umupo na ako ng tuwid at tiningnan ang harap.

Nakita ko namang papasok na kami sa hospital at ngayon ko lang naramdaman ang kaba at excitement. Ngayon ko lang din naalala na bago ako madampot ay naiwan ko si John doon ng mag-isa at ang ipinaalam ko sa kaniya ay magb-banyo lamang ako sigurado din akong nag-aalala ’yon.

Ngayon ko lang ulit makikita ang mga kaibigan ko at alam kong t-tadtarin nila ako ng tanong dahil nag absent ako. Ilang araw ko na silang hindi nakita kahit tatlong araw lang naman ako nawala.

Ganon lang naman ang pagtitiwala ko kay Jake dahil naniniwala ako sa instinct ko. Magaan din ang pakiramdam ko sa kaniya kahit delikado siya. Hindi niya din naman ako sinasaktan at inaalagaan pa ako pero kanina bago ako umalis nakita ko ulit sa kaniya ang nakita ko 3 years ago. Ang walang emosyong mukha't mata.

Bumaba na ako sa sasakyan at hindi na hinintay pang pagbuksan ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na bumaba na din sila kaya naman naglakad na ako papasok sa loob at dumiretso sa opisina ko. Nakasulubong ko pa ang ibang nurses na nagulat sa pagdating ko pero kinalaunan ay binabati naman ako na sinuklian ko lamang ng ngiti at tango.

Nang makarating sa opisina ko ay nakita kong nakalock ito. Napabuntong hininga na lang ako at tumungo na lamang sa opisina ng kaibigan ko. Ramdam ko pa ding nakasunod sa akin ang tatlo dahil kitang kita ko ang mga tingin ng iba sa direksyon ko o sa likuran ko. Napairap na lang ako at mas binilisan ang pagpunta sa opisina ng kaibigan ko.

Binuksan ko ito at hindi na nag-abala pang kumatok. Pinalibot ko ang tingin sa buong opisina nito at pumasok. Walang tao. Nag r-round siguro para ma check ang pasyente o baka naman may inooperahan. Nakita ko namang may folder na nakapatong sa table nito kaya kinuha ko ito at pinake alaman. Wala akong magawa.

Binuksan ko ang folder at binasa ang nilalaman. It's about her patient na kailangan ng lung donor at kailangan ng maoperahan sa lalong madaling panahon. Hindi nakasaad dito kung ano ang sakit at kalagayan ng pasyente. Mukhang kopya lang ito at dala ng kaibigan ko ang totoong kopya.

Binalik ko ito sa dating palalagyan at umupo na lamang. Ang tagal naman niya! Tumingin ako sa pinto nang marinig itong bumukas at niluwa nito ang kaibigan kong namumula ang mukha. Nangunot naman ang noo ko dahil doon.

Pinagsawalang bahala ko na lang ’yon at tumayo na lang para dambahin ko siya ng yakap. Tila doon lang nagising ang kaluluwa ng kaibigan ko dahil ramdam kong natigilan ito at nilingon kung sino ako. Nang makitang ako ang yumakap sa kaniya ay niyakap naman ako nito pabalik ng mahigpit.

“Beeees! Loko ka! Ang tagal mong nawala! Alam mo bang sa akin pinasa ni Nihan ang mga trabaho mo dapat?! Bwisit ka!” Natawa naman ako ng sabihin niya ’yon habang pinagpapalo palo ako.

“Pasensiya na. Sa'yong sa'yo na din naman ang trabaho ko dito sa hospital kasi mag r-resign na ako at saktong katatapos lang ng contract.” Natigil ang paghampas nito sa braso ko at tiningnan ako. Nangunot naman ang noo ko muli dahil sa klase ng tingin niya. Nanunukso.

“Pwede ka naman mag resign thru email, bakit kailangan mo pang maglakbay ng kay layo? Hays.” Ani nito na may ngisi sa labi.

“Paano mo nalamang malayo ang nilakbay ko kung kay lapit ng bahay ko dito?” Napatigil naman ito at kita kong lumunok siya at nagiwas ng tingin.

“Ano… kasi ano ahm… kasi halata sa mukha mo ang pagod! Oo ’yon!” panlilito nito at tiningnan ako ng may alanganing ngiti. Tumango na lamang ako kahit nagdududa.

“Hindi mo man lang itatanong kung bakit ako mag r-resign? Hindi ka man lang mag r-reklamo kasi mad-dagdagan ang trabaho mo?” Tanong ko dito habang naglalakad papunta upuan dahil nangangalay ang paa ko at kanina pa kai nakatayo.

“Hindi na. Baka mapatay ako non kapag nag reklamo ako.” Magsasalita na sana ako nang mag salita uli ito.

“May kailangan ka?” dagdag nito. Tumango naman ako at tiningnan siya ng makahulugan.

---

Pagkatapos ko sabihin sa kaniya ang pakay ko ay iniwan ko na siya doon at pumunta sa opisina ko. Nasa likuran ko nanaman ang atensyon ng iba, bwisit. Binilisan ko ang paglakad ko papunta sa opisina ko.

Nang makarating ay nakita ko silang hinahabol ako kaya naman sumandal ako sa pader at hinintay. Nang makarating sila sa kinaroroonan ko ay tinuro ko si chinito guy. Tinuro naman nito ang sarili at nagtanong ng, “Bakit?” pati ang boses ang jolly.

“Buksan mo ang pinto.” Naglakad naman ito sa tabi ko at inikot ang doorknob pero dahil naka lock sa loob ay hindi mabubuksan. Mukha namang nakuha nito ang ibig kong sabihin kanina kaya naman may nilabas itong pin sa bulsa niya.

May kung anong kinalikot siya at narinig na lang namin ang pag click sa loob. Binuksan niya ito at tiningnan ako. Ngumiti naman ako bilang pasasalamat dumiretso sa swivel chair ko.

Kumuha ako ng isang bond paper sa desk ko at ang naiwan kong ballpen dito. Sinimulan ko ng ginawa ang resignation at ang tatlo ay pumasok sa opisina ko habang nangingialam. Gusto ko sanang pagsabihan kaso pakialamera nga din pala ako kaya hinayaan ko na. Tinatamad din naman akong pagsabihan sila.

Pagkatapos kong gumawa ng resignation letter at pinirmahan ito ay tiningnan ko ang tatlong lalaki na pinag didiskitahan ang katawan na labas ang laman. Napailing na lang ako at tumayo dala ang papel na resignation letter ko.

“Let's go.” Nauna muli akong naglakad papalabas at naglakad papunta sa opisina ng employer ko. Pagkarating ko sa harap ng opisina nito ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago narinig ang, “Pasok!” kaya pumasok na ako at nakita si Nihan, ang isa ko pang kaibigan na mukhang may nir-review na case.

Masyadong masipag mag trabaho. Sinarado ko muna ang pinto at umupo sa couch niya. Sinulyapan naman ako nito at binalik sa binabasa. Natigilan ito at marahas akong nilingon na ikinatawa ko.

“Babaita!” sigaw nito habang nakaturo sa akin. Kinuha ko ang chance na ’yon para ilagay ang resignation letter sa table nito.
Kinuha naman niya ’yon at binasa. Nangunot naman ang noo nito pagkatapos basahin at tiningnan ako.

“Why?” bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

“May bago na akong trabaho.” Simpleng sagot ko. Tumango naman ito at in-aprubahan agad. Tiningnan ako nito at kinilatis.

“Bakit ka nawala ng ilang araw? Kawawa tuloy si Bes Altia.” natawa naman ako at inilihis na lamang ang usapan. Alangan namang sabihin ko na, “Kinidnap ako.” edi mukha akong tanga.

“Aalis na ako. Bye bye!” Ayon na lamang ang sinabi ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Tapos na din naman ang pakay ko kaya aalis na lang ako. Sinamaan muna ako ng tingin at siya na mismo ang nagtaboy sa akin.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now