Mafia's Doctor: Kidnapped

Start from the beginning
                                    

“Ang tanong ko, anong kailangan mo? Hindi kung bakit mo ginawa ’yon.” Nurse Jean pouted her lips and looks at the clock. Tiningnan ko ang orasan at doon ko lang napagtanto ang oras.

“Shoot! Pasensiya na. Masiyado akong nalibang sa pagbabasa.” Tumayo ako at agad agad kong niligpit ang libro't swivel chair ko at kinuha ang bag ko.

“Halika na. Baka naghihintay na sila doon.” Hinawakan ko ang kamay ni Nurse Jean at nagmamadaling lumabas. Binitawan ko ang kamay niya at sinarado ang opisina ko, sinisigurong naka lock.

“Hindi pa naman sila ganon katagal doon, Doc. Siguro mga 10 mins palang hehe.” Tiningnan ko si Nurse Jean at pinasadahan ng tingin. Maganda naman siya pero mas maganda ang dress na suot niya. Napahagikgik ako dahil doon.

“Halika na doon, Doc. Baka naka order na sila ng pagkain nila. Kanina pa kumukulo tiyan ko.” nakabusangot na ani nito kaya tumango na lang ako at nauna ng maglakad habang inaayos ang buhok ko.

“Doc, bakit wala ka pang boyfriend? I mean, daming nagkakagusto sa'yo eh.” Napalingon naman ako kay Jean na kuryosong nakatingin sa akin and out of nowhere, napangiti ako.

“May iba akong gusto at siya lang ang hinihintay kong kunin ako.” ngumisi naman si Jean at tinaas baba ang kilay kasabay ang paglingkis ng braso nito sa akin. Napailing na lang ako at naglakad muli dahil pati ako'y gutom na.

Malapit lang naman ang kainan. Sa labas lang ng hospital kaya mabilis lang kaming nakarating doon. Pagpasok namin ay agad agad na nahanap ni Jean ang pinareserve nilang table para sa amin kaya tumungo ako doon at umupo sa tabi ni Doc. Juarez, isa ding surgeon katulad ko at kaharap si Nurse Jean.

Napansin ko ang mga nakahilerang pagkain na mukhang kakalagay lang dito sa lamesa. Napansin ko din ang iba naming kasamahan na kumukuha na ng kani-kaniyang pagkain kaya kumuha na din ako ng akin.

Tahimik lamang kami ngayon at ang natatanging ingay ay ang mga tunog ng mga kubyertos pati na din ang ingay ng paligid. Nakatutok lang ako sa aking pagkain nang basagin ni Nurse Altia ang katahimikang kanina pa bumabalot sa amin.

“Mamimili pala ang hospital kung sino ang  mga nurse at doktor na ililipat sa ibang bansa. Nagkulang kasi ang mga doktor at nurses doon.” nangunot naman ang noo ko at ibinaba ang kutsara't tinidor habang seryosong nakatitig sa kaniya.

“Paano mo naman ’yan nalaman? Wala pa namang ina-announce kanina.” ani ni Doc. Juarez na nakahalukipkip at seryoso ding nakatitig kay Nurse Altia.

Lumapit naman ang ulo ni Altia at sinenyasan kaming lumapit. Sekreto ba ito? Nilagay niya ang palad niya sa magkabilang dulo ng bibig na parang bubulong.

“Narinig ko lang kasi sa kausap ni Ma'am Kristine kanina. Papunta na sana ako para i-check kung malinis ba ang room 178 dahil may gagamit na pasyente doon tapos ayun. Narinig ko.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Si Ma'am Kristine ang head nurse sa hospital. Ibig sabihin ay totoo ’yon. Pinagpatuloy ko na lang pagkain ko at nakinig na lang sa kanila. Sumasagot kapag ako na ang tinatanong.

Napalingon ako kay Jean nang bigla itong tumayo habang hawak ang telepono nito.

“Sige po, Ma'am. Papunta na po!” agad naman itong umikot ng mesa at pilit hinihila patayo si Doc. Juarez na nakatingala sa kaniya habang naka kunot ang noo pero napatayo agad dahil sa sinabi ni Nurse Jean, “Doc! Code Blue! Patient 180!”

Tumayo naman ang mga kasamahan naming nurses pati na din si Doc. Marian at dali dali silang lumabas ng kainan. Napansin kong dalawa na lang kami ni Nurse John, kapatid ni Jean.

“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” Kunot noong tanong ko sa kaniya. Tumingin naman ito sa akin at nagkamot ng batok.

“Doc, sa room 118 ako naka assign.” Tumango na lang ako at tumayo. Nakita kong tumayo din si John at nahihiyang tumingin sa akin.

“Doc, congratulations nga po pala.” napangiti naman ako at tinapik ang balikat niya.

“Salamat, John. Punta lang ako restroom.” ani ko at binitbit ang bag ko papuntang restroom. Saktong pagsarado ko ng pintuan ay tumunog ang telepono ko na nakalagay sa loob ng bag ko. Nilagay ko muna ang bag ko sa sink at hinalughog ang bag ko. Pagkakuha ko nito ay napangiti ako ng makita kung sino ang tumatawag.

Sinagot ko ito ng nakangiti, “Hi?” Nang dahil sa sinabi niya ay lumawak ang pagkakangiti ko pero nang mapadako ang tingin ko sa salamin doon ko napagtanto na nakangisi na pala ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

Pagkaputol ng tawag ay inayos ko ang sarili ko at naghugas ng kamay. Titingnan ko sana uli ang itsura ko sa salamin nang may nagtakip ng ilong ko ng panyo at sigurado akong may halong pampatulog.

Hindi na ako nanlaban at hinayaan lamang na huminga sa panyo para makasinghot ako ng pampatulog. Bago sumara ang aking mata kita ko pa ang pagtataka nang taong tumakip sa ilong ko.

Naramdaman ko na lang umangat ako at naglalakad na ang bumuhat sa akin. Rinig ko pang may inutusan itong ihanda na ang sasakyan at nang naipasok na ako sa loob  ay doon na ako tuluyang nawalan ng malay.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now