SIMULA

59 1 0
                                    


Hindi mo talaga mapapansin ang paglipas ng oras. Parang kailan lang ay naglalaro pa kami ng lupa. Bahay-bahayan, tinda-tindahan. Tumbang preso at Patintero. Apat kaming magpipinsan na lumaki dito sa probinsya ng Batangas. Sabay-sabay namuhay ng simple at lalaking simple.

"Sus! Kahit ako naman ang tatanungin, hindi masarap ang salad kahapon!" Reklamo ni Ronin. Napahilot ako sa sintido. Kahit kailan talaga puro reklamo sa buhay. Maya-maya pa ay dumaing ito dahil sinikmuraan ni Mireya.

"Edi sana hindi ka na lang kumain! Sampalin ko nguso mo!" Galit na galit si Mireya kay Ronin. Sinong hindi magagalit? Eh siya ang gumawa ng salad na iyon.

"Taste test nga, 'di ba? Taste test! Buti kami lang na mga pinsan mo ang nakakain no'n!" Banat naman ni Everest. Itinago agad ng dalawa ang salad kahapon para daw hindi mapahiya sa bisita pero ang totoo, inubos nilang dalawa iyon.

"Ikaw, Acevl? Anong kinain mo kahapon?" tanong sa akin ni Mireya. Itinigil ko ang ginagawa kong origami at nilingon siya.

"Wala. Itinago nilang dalawa ang salad, e!" Tawa ko.

"Hoy! Hindi kaya!" Tanggi ni Ronin habang masama ang tingin sa akin.

"Maniwala ka diyan kay Acevl!" Balewalang sabi ni Everest habang masama ang tingin sa akin. Inismiran ko silang dalawa at nag-unat. Saktong tumama ang paningin ko kay Remi, kaibigan namin, may kasama siyang isang babae. Bago lamang sa paningin ko. May hawig silang dalawa pero sa pagkakaalam ko ay walang kapatid na babae si Remi. Dalawa lang silang mahkapatid.

Tumatawa ang babae habang nakaakbay kay Remi. Malambot ang boses nito at masarap pakinggan. Hinabol ko ito ng tingin at hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang nakatanaw sa papalayong siya.

"Sinong tinititingnan mo?" Usisa ni Ronin at luminga-linga sa paligid. Nakita rin niya sina Remi ngunit medyo malayo na ang mga ito. Tiningnan ni Ronin ang mukha ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi ito ng nakakaloko sabay sundot sa tagiliran ko.

"Kilala niyo iyong kasama ni Remi?" tanong ni Ronin kay Mireya at Everest. Parehas nangunot ang noo nila ay sabay umiling.

"May kasama si Remi? Lalaki?" Agad na tanong ni Everest. Umiling ako sa kaniya. Daig pa nila ang matang lawin. Ang mga kaliwang kamay nila ay nasa noo at parang mga baliw na nagmamatyag sa paligid. Pare-parehas silang nakatanggap ng batok sa akin.

Tumalikod ako sa kanila at naghikab. Kanina pa akong inaantok ngunit mas pinili kong gumala. Maglilinis pa ako ng bahay at magsasaing. Maya-maya pa ay may narinig akong nag-uusap.

"Remi! Sinong kasama mo?" Malakas na sigaw ni Ronin. Hindi agad ako nakalingon. Parang tumigil bigla ang mundo ko. Maya-maya pa ay nagsenyasan na sila. Isang bagay na ayaw nilang sabihin sa akin kung ano ang ibig sabihin. Wala akong nagawa kundi suwayin sila.

Nagsalita si Remi at isa-isang sinabi ang pangalan namin sa kasama niya. Ngiti lang ang isinukli ko at ibinalik ang mukhang nakasimangot.

Nagpakilala siya bilang pinsan ni Remi. Saglit kong natitigan ang mukha niya. She looks like a precious Diamond.

"Crush ka raw ni Acevl!"

DISCLAIMER!

Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari sa loob ng kwento ay parte lamang ng imahinasyon ng may akda. Anumang pagkakahawig sa aktwal na tao, buhay o patay, negosyo, kumpanya, kaganapan o lokal ay ganap na nagkataon lamang.

Another thing, my characters AREN'T perfect like what you are expecting. If you're looking for walking green flag characters and a PERFECT story, this is not for you. Also, don't compare this story to another story. It's not the same and it will never be. Please learn to know the word RESPECT.

Date Started: August 1, 2022.
DATE FINISHED: JULY 25, 2023

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now