"Pupuntahan ko muna si Kai," pagpapaalam niya sa akin nang matapos kaming kumain, tumango ako. Humalik siya sa pisngi ko kasabay n'on ang pagyakap sa akin ng mahigpit, "I need to sort things out." He whispered, "I'll be back before dinner." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Kumaway ako, "Bye, take care." Tumango siya at lumabas na sa condo unit.

"Aba, parang mag asawang mag asawa na, ah?" Tukso sa akin ni Venice sabay ang halakhak nang makabalik ako sa loob ng living room.

Umirap ako at umupo sa kaharap niyang couch, hindi ko napigilan ang mapabuga nang hangin. "Hay, nako." Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

Umupo nang maayos si Venice, ini off niya ang tv at humarap sa akin, "Ikaw ngang babae ka, magtapat ka nga sa akin. Anong problema mo? Kanina pa kita napapansing balisa, ayoko lang sabihin kanina kasi baka mag alala lang iyong si D.O sa'yo." Puna niya sa akin, napasandal ako sa couch at tumingala sa mataas na kisame.

"Naiinggit lang ako sa'yo." Hindi ko talaga kayang iwasang sabihin ang tunay na nararamdaman ko kapag si Venice nasa harap ko.

Narinig ko ang pagtikhim niya, "Ano na naman? Wala namang nakakainggit sa akin."

Umiling ako, "Naiinggit ako sa'yo kasi mayaman ka, pwede kayo ni Darius at hindi ka niya itatago sa lahat dahil alam niyang pupwede kayo, hindi katulad ko." Pinipigilan kong bumuhos lahat nang emosyon, napasulyap ako sa kanya at nakita ko ang nakanganga niyang labi, "Naiinggit din ako sa'yo dahil may mga bagay kang alam tungkol sa kaniya na hindi ko alam." Dugtong ko pa.

Agad niyang itinikom ang nakaawang niyang labi at kinunot ang noo, "What the hell was that for, Jade? Ang akala ko ba hindi nakakainggit ang katulad ko, sabi mo dati n'ung freshman pa tayo?" Nakita ko ang unti unting pagguhit ng frustration sa kanyang mukha, "At, Jade! Don't rush too much, makikilala mo rin siya na mas higit pa sa kung ano ang pagkakakilala ko sa kaniya. I mean, mas madami ka pang malalaman na tungkol sa kaniya sa pagdaan nang oras na magkasama kayo. Hindi mo kailangang mainggit sa akin. Ano ba ang nakakainggit sa buhay ko?" Kalmado lang siya nang sabihin iyon, alam ko naman na mahirap din ang sitwasyon niya bilang isang Elizalde.

Tumungo ako, akmang magsasalita na sana nang biglang tumunog ang door bell. Naagaw niyon ang atensyon naming dalawa, "Sino kaya 'yun?" Hindi ko maiwasang kabahan, baka kasi kung sino na.

Nagkibit balikat si Venice, "Baka si Darius? May nakalimutan siguro. Check ko lang." Tumayo siya at nagtungo sa may pinto.

Napasandal ako at pilit na kinakalma ang sarili ko. I should pull myself together!

Ilang minuto pang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik si Venice kaya gumapang na naman ang kaba sa dibdib ko, tumayo ako at dahan dahang nagtungo sa pintuan na kung saang agad ko ring pinagsisihan.

Magtatago sana ako kaso huli na ang lahat, nagpumilit na pumasok si Sabrina sa loob nang condo unit, hindi na siya napigilan ni Venice dahil sa tinulak siya nito. Nakikipagtalo kasi itong si Venice sa kanya, gusto kasi nitong pumasok sa loob ng condo unit.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Utal ako nang sabihin ko iyon, nag igting ang panga niya at agad na tumilapon sa mukha ko ang malakas niyang pagsampal. Sinapo ko ang halos namamanhid sa sakit kong pisngi.

"Saan mo tinatago si D.O?! Ilabas mo siya!" Hysterical na sabi niya habang mabilis na hinahanap ng kaniyang mata sa paligid si Darius na wala naman dito.

Umirap ako dahil sa pagiging demanding niya, wala siya sa teritoryo niya kaya wag siyang mag inaso. "Wala siya dito kaya makakaalis ka na, naka quota ka na sa sampal mo. Huwag kang mag eskandalo dito."

Narinig ko ang agaran niyang paghikbi kaya napaangat ako nang tingin sa kanya, mugto ang kanyang mga mata at nangingitim ang ilalim nito. Akmang palalabasin sana ni Venice si Sabrina pero sinenyasan ko siyang huwag kaya tumikhim lang ito at pumanhik na lamang sa ikalawang palapag nang unit niya.

Tumungo na ako pabalik sa living room, naramdaman ko ang walang imik niyang pagsunod. I will end everything here.

"Bakit kailangang si D.O pa ang kunin mo?" Rinig ko ang punong puno na paghihinagpis sa kaniyang boses.

Nilingon ko siya, "Hindi ko siya kinuha sa'yo. Siya ang kusang umalis." Mariin kong sabi.

Nag igting ang kaniyang panga, mas lalong nag mukhang sopistikada ang kaniyang itsura. "He wouldn't leave me if you didn't pursue him last night!" Nagtaas siya nang boses, I was taken aback (sanay kasi akong inaapi niya) pero I knew I should fight back. Hindi pwedeng lagi akong magpapaapi sa kanya. "Ikakasal na kami, Jade! Bakit kailangan mo pang sirain ang lahat? Whyyy?!"

Umismid ako, "Huwag mo akong itulad sa'yo, Sabrina." Sarkastiko akong tumawa, sinamaan niya ako nang tingin at inismiran.

"Hindi kita katulad, mang aagaw ka." Bawat bitaw niya ng salita ay mariin ito at malinaw. Nakakatawang isipin na ako ang sinabihang mang aagaw ng babaeng minsan na akong inagawan. How ironic.

I scoffed, "Ha! Ako pa? Ano? Masakit ang maagawan nang minamahal, 'di ba? Isipin mo na lang kung gaano kasakit sa akin nang ginawa mo sa akin 'yan noon. Dapat lang sa'yo 'yan, ang iniiwan." Totoo naman, hindi niya alam kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal kaya karma lang niya iyan. Dapat lang sa kaniya ang magdusa.

Sasampalin niya sana akong muli pero pinigilan ko ang kamay niya habang nasa ere pa lamang ito, "Walang hiya ka!" Naghi hysterical niyang sambit habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa kaniya.

Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang braso niya at tinulak siya na siyang dahilan para masubsob siya sa sahig, "Hindi bale na, kaysa naman maging pokpok na katulad mo." Mariin kong sinabi, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko sa paglaban sa kanya.

Humikbi siya ng humikbi, "Jade, ibalik mo sa akin ang asawa ko. Hindi ko kayang mawala siya sa akin." She helplessly uttered. Nakakatawang isipin na darating ang panahong hindi kaya ni Sabrina na mawala si Darius sa kaniya, samantalang noon ay halos ihain na ni Darius ang sarili niya para mapansin siya nang taong ito.

Napatawa ako, "Beg." Utos ko sa kaniya. Hindi ko intensyon na ipahiya siya sa harap ko, dahil alam ko namang hindi niya gagawin iyon- ang magmakaawa sa akin. Alam kong mataas ang pride nang babaeng ito at hindi siya bababa para lang sa isang lalaki.

Napaangat siya nang tingin, "What?" Nakaawang ang mapupula niyang labi.

Tinuro ko ang sahig, "Lumuhod ka at magmakaawa." Seryoso kong sinabi, let's see how far can you get.

Napalunok siya pero ginawa niya naman ang inutos ko na siyang ikinagulat ko, "Jade, nakikiusap ako sa'yo- no, nagmamakaawa ako sa'yo. Please!" Paulit ulit niyang sinabi habang umiiyak at nakahawak sa paa ko. Hindi ko inexpect na gagawin niya iyon, ang magmakaawa at lumuhod sa harap nang taong pinakamumuhian niya.

Napapikit ako nang mariin, kailangan kong labanan ang awa ko.

**

Maikli, kasi daming nagrereklamo na sobrang haba ko daw mag-update. Nakakatamad daw basahin. Hahaha.

Madaming typo at grammatical errors. Inuulit ko, sino pupunta sa EXO PH Gathering on May 16?

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now