"Ito ang magiging misyon ninyo." wika ni Hadden sa kanila. Itinuro ang isang lokasyon sa naturang mapa. "Ilang araw na anming pinag-uusapan ng mga emperador at ng emperatris kung saan nagmula ng mga halimaw na naglipana sa Thilawiel. Pero dahil sa malawak na kaalaman ng Emperatris Theavia, nasabi niya sa amin kung saan ang mga posibleng lokasyon kumukuta ang mga ito, ang walang kasiguraduhan kung may mga kasamahan pa ba ang mga nahuli nating bilanggo na natukoy na isa sila sa mga matataas na ranggo ng pinuno ng mga demonyo."

"Isabahala din natin na hindi lang ang Thilawiel ang posiblen nilang lusubin. Maski ang mga karatig-bansa." seryosong dagdag ni Emperador Nerius ng Severassi.

"Pero dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagigising ang Makwis Bennet kung saan niya nakuha ang itim na mahika na ipinakita niya ay wala parin kaming makuhang kasagutan mula sa kaniya." si Emperador Kron ng Oloisean. "Hindi pa rin mawala sa isipan na maaaring hindi lang siya ang makatanggap ng itim na mahika na may kinalaman sa mga demonyo. Malaki ang paniniwala ko na gagamitin nila ito para sa kasamaan."

"Sang-ayon ako." si Emperador Yu Shan na nakahalukipkip. "Hayaan ninyong ipahiram ko sa inyo ang mga mersenaryo na itinatag ko nito lang para sa karagdagan na pwersa sa misyon na ito."

Tahimik lamang nakikinig si Ramas sa bawat opinyon ng mga emperador. Gayundin ang kasama niyang si Raymound. Hindi niya lubos maisip na dadating ang araw na ang Thilawiel na binuo nang unti-unti ng prinsesa na kanilang pinagsilbihan ay sa isang iglap lang ay maglalaho lamang sa isang gabi lang. Kahit siya ay hindi niya mapigilang magalit. Winasak ng mga walanghiyang demonyo ang bansang sinilangan, ang bayan kung saan binuo niya ang kaniyang pangarap na maging isa sa mga malalakas na kabalyero at ang lugar kung saan unti-unti niyang inaabot ang mga 'yo. Pero mas ikinagagalit niya na gumuho ang pinaghirapan ng Prinsesa na labis niyang hinahangaan at pinabalingan niya ng malaking respeto!

Kusang kinuyom niya ang kaniyang mga kamao. "Aasahan po ninyo ang kooperasyon namin, mga kamahalan." bigla niyang sabi. May bahid 'yon ng pagiging pormal. "Gagawin po namin ng mahusay at babalik po kami ng matiwasay sa Palasyo sa oras na matapos namin ang misyon."

Dumadagundong sa buong pasilyo ang bawat yabag ng kanilang mga paa. Sa puntong ito ay tila nakahinga sila ng matiwasay nang matapos nilang makausap ang mga emperador nang personal. Hindi nila alam kung saan na umabot ang kanilang kaba pero sa pilit nilang aalahanin ang misyon na ibinigay ng mga ito sa kanila. Subalit, hindi pa rin nila maiwasan na kabahan. Ramdam nila kung gaaano kalakas ang mga ito kahti na hindi pa ipinapakita ang mga mahika na mayroon ang mga ito. Sa tingin din nila ay walang duda nga kung saan nagmana ang mga prinsipe na tagapagmana, mas lalo na ang mga Eryndor. Gayunpaman ay tagumpay silang maging kalmado nang nakaharap at nakausap ang mga ito.

"Bukas na bukas din ay uumpisahan na nating puntahan ang lugar na 'yon." wika ni Raymound. Akala mo ay hindi kinabahan ang isang ito kanina. O sadyang marunong lang ang isang ito na magtago kung ano talaga ang tunay nitong nararamdaman?

"Ngayon palang ay magbibigay na tayo ang anunsyo sa ating kagrupo na ating kinabibilangan." may bahid na pagsang-ayon 'yon.

**

Marahas na pinunasan ni Rina ang tumatagaktak niyang pawis sa noo. Natapos niyang gamutin ang sugat ng mga kabalyero at iilang mamamayan ng Thilawiel. Mas napadali ang kaniyang trabaho dahil gumagabay sa kaniya si Prinsesa Eglantine na may kakayan na magpagaling. Kanina lang ay nakarating sa kaniya ang balita na dumating ang anak ng kilalang Duke ng Cyan, si Binibining Miva De Castiglione na siyang mapapangasawa ng nakakatandan niyang kapatid, ang prinsipe na tagapagamana, si Prinsipe Raegan. Hindi lang ang naturang binibini ang dumating, maski si Binibining Celestianna, ang anak ng isa sa mga Baron. Nalaman niya na maayos nakarating nga mga binibini Ang tanging sadya ng mga ito ay magbigay ng tulong. Mila sa mga pagkain, kagamitan at mga armas na gagamitin habang nasa gitna sila ng malaking digmaan na gaganap ngayon. Kahit ang mga diyosa ng Thilawiel na sina Ceca at Frsotine ay natulong paggagamot at maghanap sa mga nawawala pang mga Thilian.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon