Chapter 122

1.3K 106 9
                                    


Nagising ako na wala na si Otis sa tabi. Bahagya akong bumangon. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Nang tuluyan ko nang idinilat ang aking mga mata ay halos matalon ako sa gulat nang tumambad sa akin ay sina Nesta, Faila, Regie, gayundin sina Ju Fen, Wei Niu at Liu Ai. Kasama din nila ang mga iilang maid dito sa dati kong silid. May mga hawak silang planggana, tuwalya, mga damit pamalit ko, pati na din ng magiging almusal ko. Unang pagbati nila sa akin ay ang matatamis nilang ngiti.

"Binabati po namin na magandang araw, ang kamahalan, Prinsesa Styriniana!" maligaya nilang pagbati sa akin.

Isang marahan na ngiti ang iginati sa kaniya. "Magandang araw din... Si Otis?" saka gumalaw na ako. Umalis an ako sa ibabaw ng kama. Nang dumapo na ang mga talampakan ko sa sahig ng silid ay agad na nila akong dinaluhan para asikasuhin na nila ako. Nagkalat na sila sa loob ng aking silid.

Nilapitan ako nina Nesta, Faila at Regie. Inaalalayan nila akong maghilamos, ayusin ang aking buhok at magbihis. "Nasa hardin po ang Prinsipe Otis, Kamahalan." nakangiting tugon ni Nesta. "Kasalukuyan po niyang kasama doon ang mga prinsipe, gayundin po ang Emperador ng Jian Yu, si Emperador Yu Shan at ang kapatid nito, si Prinsipe Ting Fei."

Sina Ju Fen, Wei Niu at Liu Ai naman ay lumapit sa mababang mesa. Marahan nilang ipinatong ang magiging almusal ko doon. Lihim ako napangiti habang pinagmamasdan ko ang mga bagong ladies-in-waiting ko. Alam kong bago pa sa kanila ang lahat, mula sa pagkain, pamumuhay, mga kasuotan hanggang sa mga tradisyon at mga kultura na mayroon sa kontinente na ito. Gayumpaman, hindi 'yon hadlang. Ang tanging susi lang ay respeto. Rerespetuhin ko kung ano ang paniniwala nila at ganoon din sila kaya walang magiging problema. Bukod pa doon, masasanay din sila sa oras na tumagal sila dito.

"Kamahalan, gising na din po ang mga prinsipe at ang prinsesa..." dagdag pa na sabi ni Faila habang inaayos niya ang mga damit na susuotin ko ngayong araw.

Natigilan ako nang banggitin niya tungkol sa bagay na 'yon. Oo nga pala, simulang nanganak hanggang sa tumapak ako muli sa Cyan, ni isang beses ay hindi ko pa nakikita ang magkakambal. Sa narinig ko ay ginapangan ako ng pagkasabik. Agad ko siyang tiningnan. "Gusto ko silang makita." nakangiti kong sambit. "Maaari din bang ipatawag ang aking asawa? Nais ko din siya makausap habang nasa silid kami ng magkakambal."

Umaliwalas ang mukha nina Nesta, Faila at Regie sa aking sinabi. "Masusunod po, Prinsesa Styriniana!" sabay nilang sagot sa masiglang tono.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-ayos, ang sunod nilang ginawa sa akin ay inayusan nila ang aking buhok. Sinabi ko sa kanila na gusto ko sana ang karaniwan kong ayos ng buhok noong nasa Thilawiel pa ako na agad din nilang sinunod. Namiss ko ang ganitong ayos. They did a princess crown braid na mas lalo nasiyahan sa ginawa nila sa buhok ko. I feel satisfied. Nang nakuntento na ako, bibihisan nila ako ng kulay ginto na medieval renaissance-victorian dress, off shoulder siya at maganda ang pagdisensyo, mahahalata ang pagiging maharlika sa damit na 'to. Mukhang pinaghandaan talaga nila ng mabuti ito lalo sa aking pagbabalik. Para mas makompleto pa ang damit na suot ko, kinabitan ni Nesta ng brotse (brooch) na yari sa dyamante na katamtaman lang ang laki.

Nang matapos na nila akong bihisan ay humarap na ako sa mga ladies-in-waiting ko. Malapad na nakangiti sina Nesta, Faila at Regie. Samantalang sina Ju Fen, Wei Liu at Liu Ai naman ay hindi mapigilang mamangha sa aking histura ngayon, ngayon lang nila nakita nag ganitong side ko.

"Ang ganda ninyo, Kamahalan..." halos kapusin ng hininga si Ju Fen.

"Siya nga, maganda na po kayo noong hindi pa natatanggal ang inyong maskara at itim pa ang inyong buhok, sapagkat mas nababagay po sa inyo ang ganyang anyo, parang... Hindi lang po kayo isang prinsesa, nakikita at nararamdaman ko na makapangyarihan kayong emperatris balang araw." sunod na kumento ni Liu Ai.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon