Chapter 23

4K 243 37
                                    


Nanatili ang tingin ko sa kanilang tatlo. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung tatanggapin ko ba? Sino ang pipiliin na isasayaw ko? O huwag nalang para wala nang madidismaya? Gustuhin ko man tumanggi ay hindi ko rin magawa, parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan, ayaw ako pasalitain. Dangg, ano na ang gagawin ko? Ayaw ko rin mabastos ang mga ito.

Bigla may sumulpot na isa pang kamay sa aking gilid. Tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari n'on. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Vencel pala ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon. Hindi ko maitanggi na mas lalo siya nagiging guwapo sa paningin ko nang inaaya niya ako ng sayaw. Parang bumalik siya sa pagiging prinsipe sa hitsura niyang 'yan.

"K-kamahalan... Ang Emperador." pareho nagulat nag tatlo nang biglang pagsulpot ni Vencel sa tabi nila.

Malamig na bumaling sa kanila si Vencel. "Hindi ba't mas ikakarangal ng ama ng nagdiriwang na siya ang unang isasayaw nito?"

Napaatras ang tatlo, tila may napagtanto sila. "S-siya nga po, kamahalan." nakangiting sang-ayon ni Calevi. "Ayos lang po sa akin..."

"Ganoon din po ako." segunda pa ni Dilston. Kulang nalang ay maglabas siya ng panyo para punasan ang kaniyang pawis dahil sa kaba niya na makaharap si Vencel.

Tahimik lang nakatingin si Otis kay Vencel. Malamig na tingin din ang iginawad niya para dito. Ilang saglit pa ay idinapo niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib saka yumuko, tanda ng respeto niya sa desisyon ng Emperador ng Cyan.

Muli tumingin sa akin si Vencel. "Maaari ko bang maisayaw ang aking bunso?" malumanay niyang sambit.

Kung kanina ay gulat at nagtatakang tingin ang nakaukit sa aking mukha ay napalitan 'yon ng matamis na ngiti, punung-puno ng pagsang-ayon na siya ang una kong makakasayaw.

Mabilis kong tinanggap ang kaniyang palad na nakalahad sa akin. Nasa likod ang isa niyang kamay. Inaalalayan niya akong tumayo mula sa inuupuan kong silya. Pawang may mga ngiti sa aming mga labi habang papalapit na kami sa dance floor. Tumigil kami sa gitna. Nagkaharap at nagbow kami sa isa't isa. Magkahawak ang mga kamay namin. Ang isang palad naman niya ay dumapo sa aking likod, samantala ang isa kong palad naman ay ipinatong ko sa isa niyang balikat. Nag-umpisa muli tumugtog ang magandang musika, ang pinakapaborito ko. 

Apat na beses na niya akong inugoy then the footwork, Ginagawa ko kung ano ang itinuro sa amin ng instructor ko. Iisipin ko nalang na si Caldwell ang kaharap ko ngayon dahil siya ang madalas kong kasama sa pag-eensayo. Ito ang unang beses na makakasayaw ko si Vencel kaya hindi ko alam kung magiging perpekto ba ang ilang taon na pag-eensayo ko sa pagdating sa pagsasayaw ng waltz.

I need to be graceful and take the rhythm in every moves.

Medyo napapansin ko na napapaatras na ang mga bisita dahil nasasakop na namin ang buong dance floor. But on the edge of my eye, I could see in their faces the amazement as they watched the Eryndor's between father and daughter dance. Because of that, I couldn't help myself but to smile. I gradually feel and built my confidence with my dance, little by little.

I noticed that I didn't feel stiff, though. It's a good sign.

"Masaya ako na nagiging komportable ka na, Rini." namamaos na sambit ni Vencel.

Tumingin ako sa kaniya. Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti. "Dahil kayo po ang nakakasayaw ko, papa. Unti-unti na po nawawala ang madalas na pagkakamali ko mula sa pasasanay." magalang kong sagot.

Nagtama ang aming mga mata. Kita ko kung papaano siya nasiyahan sa aking tugon. "Kung nabubuhay pa siguro ang iyong ina, tiyak na malaking ngiti ang iguguhit niya sa kaniyang mukha lalo na sa ganitong okasyon. Matutuwa siyang makita ang nag-iisa niyang anak na babae ay isa nang ganap na dalaga. Kung gaano kaganda at kung gaano ito kaaya-aya sa mga mata ng mga tao nasa paligid niya."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon