Chapter 149

991 67 16
                                    

Hindi nabubura ang seryoso kong ekspresyon sa aking mukha. Ganoon din ang mga kasamahan ko. Diretso ang tingin namin sa lalaking nasa harap namin. Ang nagligtas at nagpakilala sa amin na nangangalang Ramael Black na ngayon ay naka-de-kuwatro. Nakapatong din ang mga kamay niya sa isa niyang tuhod. Nakapikit lang siya, animo'y may hinihintay siya. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang lunok na ako. Sa totoo lang iba talaga ang pakiramdam ko sa isang ito. Hindi siya normal na tao. Mas ipinagtataka ko lang kung papaano niya nalaman ang pagdating namin? Na hindi talaga ako nagmula sa mundong ito? Ano bang mayroon sa kaniya? Hindi bale, malalaman ko din 'yon sooner or later sa oras na makausap namin ito ng diretsahan.

Naputol ang pagtitig namin sa kaniya nang biglang nagbukas ang pinto ng kaniyang opisina. Tumambad sa amin ang isang babae na naka-corporate attire. May dala siyang tray na may mga baso. Lumapit siya sa amin. Bahagya siyang yumuko para ilipat ang mga baso ng juice sa mababang mesa at talagang itinapat niya 'yon sa amin. Nagbabakasakali na gugustuhin namin 'yon. Pero agad ding lumaglag ang panga ko na mabilis pa sa alas kuwatro na kunin ng mga kasama ko ang mga baso. Hindi man lang nagdalawang-isip ang mga ito na inumin 'yon. At talagang inubos nila ang juice sa harap ko. Wala man lang sila doubts na baka may lason o anuman ang inihalo sa inumin na 'yon?!

"Woooh! Sa wakas, nakatikim din ng pantawid-uhaw!! malakas na bulalas ni Hyrus. Medyo nilakasan pa niya ang pagkapatong niya ng baso sa mababang mesa.

"Ang sarap!" segunda pa ni Calevi. "Kung hindi ninyo mamasamain, anong tawag ninyo sa inumin na 'to? Ngayon ko lang nalasahan ito."

"Siya nga!" pagsang-ayon pa ni Cederic.

"Ang tawag namin d'yan ay ice tea." nakangiting sagot sa kanila ng babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang sekretarya ng lalaking ito.

"I've already introduced myself to you, still, you called me like a stranger, lady." nakangiting wika ni Ramael sa amin.

Wait, did he just read my mind?

He shrugged but still he never erased his smile. "Well, let's say... I'm not an ordinary human like them." he confessed. "Pero hindi ako nanggaling sa mundo ninyo. Ibang mundo ang kinalakihan ko." sinulyapan niya ang babae. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay nito saka pinaupo ito sa kaniyang tabi. "By the way, this is my wife, Bethany Arles-Black."

Napasinghap kami sa aming nalaman. Sa totoo lang hindi ko agad natunugan na may relasyon pala ang dalawa ito. Unang-una, talagang professional kung kumilos ang sinasabing asawa ni Ramael Black. Pero may alam ba ang asawa nito na hindi ordinary ang asawa nito?

Kumawala ng malalim na buntong-hininga si Ramael Black. "As what you think, I'm not an ordinary. I'm an incubus." seryoso niyang pagpapahayag.

Pakiramdam ko ay bumagsak sa sahig ng opisina nag mga panga namin ni Hyrus sa aming narinig. "I-incubus...?" nanlalaki ang mga mata namin pareho. Hindi makapaniwala na ulit namin. "S-seryoso ka...?!"

Tumango siya biglang kumpirmasyon. "Yes, I am. Don't worry, I'm harmless." humalukipkip siya. He switched into a serious mode. "So... What brings you here in mortal world? Tingin ko naman ay hindi kayo basta-basta makakarating sa mundo na ito na walang dahilan." mas bumaba ang tono ng pananalita niya.

"Kailangan naming mahanap ang dalawa pang nawawalang bato." walang pakundangan kong sagot. "Dito kami itinuro upang mahanap namin ang mga ito. Lalo na't maiksing panahon lang ang ibinigay na palugit sa amin."

Tumango siya. "I see." sa sinabi niyang 'yon ay parang naiitindihan niya ang ibig kong sabihin. "Dalawang bato..." muli niyang sinulyapan ang kaniyang asawa. "You have any idea what are they talking about?"

Bago man siya sagutin ay tumayo ito saka nilapitan ang desk ni Ramael. Bumalik din siya sa amin na may hawak na folder. Binuklat niya ito sa ipinakita niya sa amin ito. Sabay kaming napatingin sa apat na litrato. Ang dalawa ay litrato ng mga bato na hinahanap namin, I assume. And the other two is two different people. We have no idea who they are actually.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon