Chapter 101

1.1K 69 3
                                    


Nang humiwalay na ang brotsa sa papel ay lumapad ang aking ngiti habang nakahawak ang isang kamay ko sa dulo ng kwelyo ng aking damit. Hindi matanggal ang aking tingin sa aking isinulat. Ngumuso ako nang binawi ko ang aking tingin. Marahan kong ipinatong ang hawak kong brotsa sa isang tabi na siya naman ang paglapit sa akin ni Ju Fen, may dala siyang bandeha (tray) na may isang tasa ng tsaa. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Maingat niyang inilipat ang tasa sa aking tabi. Kinamusta niya ang aking paggawa ng mga kinopya kong tula na tumatak sa akin. Balak ko kasing dalhin ang mga ito sa oras na tatapak na ako sa Palasyo dahil simula sa susunod na araw ay ihahatid na ako doon at upang makita ko na din nang harapan ang sinasabi nilang emperador. Si Emperador Yu Shan.

Kahapon ay nagbigay ako ng utos sa isa sa mga tagapagsilbi na ibinigay sa akin ng mag-asawang Yi. Pinasuyo ko na dalhin ang liham na ginawa ko para kina Li Fen at Dai Ya, alam kong labis na silang nag-aalala para sa akin. Sinabi ko sa kanila na wala na silang dapat ipag-alala sa akin dahil nasa mabuting kalagayan ako ngayon. Sinabi ko rin sa kanila na hinaharap ko ang panibagong daan na tinatahak ko ngayon at labis ang pagpapasalamat ko sa kanila dahil nakilala ko sila, ganoon din ang mga punung-babaylan. Sobrang maiksing panahon nang nakasama ko sila subalit nangako ako sa kanila na balang araw ay bibisita ako sa templo upang kamustahin sila. Hindi na ako umaasa na magpapadala sila ng kasagutan sa oras na matanggap nila 'yon.

Kinuha ko ang tsaa na inihanda ni Ju Fen para sa akin habang pinapatuyo ko ang mga isinulat ko. Sunod ay nagpaalam siya sa akn na aaiskasuhin naman niya ang aking mga gamit at damit na dadalhin ko papuntang Palasyo. Pinagayagan ko siya. Iniligay niya ang mga palad niya sa isa niyang bewang saka yumuko bago niya ako tinalikuran at iwan dito sa silid. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ko ng tsaa hanggang sa maubos 'yon. Bumaling ako sa bintana ng silid na ito. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Dinaluhan ko ang bintana saka ipinatong ko ang magkabilang braso ko doon. Tumingin ako sa kawalan. Pinagmamasdan ko ang lugar na nakikita ko ngayon. Gusto ko ay tumatak ang mga ito sa aking alaala. Lihim ako napangiti dahil hindi ko inaasahan na marami din akong nagawang alaala sa lugar na ito. Gusto ko, hinding hindi ko makakalimutan ito sa oras na aalis na ako dito at kung saan ako dalhin ng aking tadhana.

"Anong alaala na meron ka mula sa 'yong nakaraan, Rei?" tanong ko sa aking sarili. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, medyo umukit ang kalungkutan sa aking mukha, dahil sa bigo ko sagutin ang sarili kong tanong.

Habang naririto ako sa Lu Lin, ni minsan ay wala akong nakuhang alaala mula sa aking nakaraan. Siguro ay dahil na rin sa nagpapasubsob ako sa pag-aaral kaya nawawalan na ako ng oras upang alalahanin pa ang mga dapat kong malaman tungkol sa tunay kong pagkatao. Ni isang bakas ay walang ibinigay sa akin. Muli ako napabuntong-hininga sapagkat nadidismaya ako sa aking sarili. Hindi bale, ipinalangin ko na sana ay maging tagumpay ang sunod kong paglalakbay at magiging buhay ko sa loob ng Palasyo. Sana ay hindi ako mahihirapan sa tungkulin ko bilang susunod na emperatris tulad ng sabi nila. Pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang bagay na 'yon, pakiramdam ko ay hindi na bago sa akin 'yon. Para bang pamilyar na sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ng ilang segundo saka dumilat din. Umalis muna ako sa bintana. Binalikan ko ang aking ginagawa nang bigla ko narinig ang pamilyar na boses ng babae mula sa labas ng silid na ito. Kung hindi ako nagkakamali, ang nagmamay-ari n'on ay isa sa mga tagapagsilbi ng mga Yi. Medyo malakas ang aking boses nang inutusan ko na siya na maaari siyang pumasok. Kusang nagbukas ang pinto, yumuko siya sa akin bilang pagbati.

"Binibining Rei, nagbigay po ng utos ang Panginoong Yi na puntahan ninyo daw po siya sa bakuran. Nais ka daw po niya makausap." magalang na sambit nito.

Dahan-dahan akong tumango. "Sige, susunod ako. Salamat. Maaari ka nang bumalik sa 'yong trabaho." malumanay kong wika.

Muli siyang yumuko saka umalis na siya dito. Iniligpit ko muna ang aking kagamitan bago man ako umalis upang puntahan ang dating Heneral Yi sa bakuran tulad ng kaniyang iniutos.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon