Chapter 146

855 64 4
                                    


Tumapak ako sa pinakamataas na bahagi ng Palasyo. Sumasayaw sa hangin ang aking kulay gintong buhok. Nagawa kong nang magpalit ng damit pandigma sa tulong na din ni Tehisa. Medyo mainit na hangin ang dumadapo sa aking balat. Tumambad sa akin ang sirang kabisera ng Thilawiel. Malalaking apoy ang nagkakalat sa iba't ibang bahagi nito. Marami din ang nasirang mga gusali. Rinig ko din ang iyak at pagmamakaawa ng mga Thilian. Biglang sumagi sa aking alaala ang ang ganitong reaksyon nang inumpisahan kong lusubin ang Prerradith.

I gritted my teeth and clenched my fists so hard. Ibang-iba na ang Thilawiel noong unang tapak ko palang dito. Kung gaano kaganda nito noon, siya naman ang pagkapangit nito nang dahil sa digmaan na nagaganap ngayon. Dahil sa digmaan, nasira ang magandang lugar... Ang lupang sinilangan ni Otis, ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip. Ang lugar na nais niyang protektahan at pahalagahan hanggang sa dulo ng kaniyang buhay kahit ito ang ugat ng kaniyang kaligayahan at kalungkutan---at ako mismo, ang kaniyang sandigan ang mag-aalis ng pait na kaniyang pinagdudusahan ngayon. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang ibigay sa kaniya ang hustisya ng pagkamatay ng kaniyang ama.

Napukaw ng aking paningin ang mga demonyo na walang-awang lumusob sa Kabisera. Patuloy pa rin ang hinagpis at pagmamakaawa ng mga Thilian. Karamihan sa kanila ay humihingi ng tulong. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Itinatapat ko ang isa kong palad sa kawalan. Unti-unti lumalabas ang itim na enerhiya mula sa akin. Mas kumakapal ang hamog sa paligid. Unti-unti nagsilabasan mula doon ang mga ginawa kong back up para sa malaking digmaan na ito. Sa pamamagitan ng mahika ko ng ilusyon, gumawa ako ng mismong mga kabalyero mula sa limang bansa. Ang Cyan, Thilawiel, Oloisean, Severassi at Jian Yu. Sa gayong paraan ay hindi masasayang ang oras habang wala pa sina Vencel at ang iba pa.

"Prinsesa Styriniana," tawag sa akin ni Hyrus mula sa aking likuran. "May ipag-uutos ka ba sa mga oras na ito?"

Hindi agad ako nagsalita. Patuloy pa rin ako nanonood sa ibaba. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Bago ang lahat, anong lagay ng mga Thilian na walang kakayahan na makipaglaban?" seryoso kong tanong.

"Karamihan sa kanila ay kasalukuyan nang ligtas sa nakalaan na lugar na hinding hindi masasagap ng mga demonyo, kamahalan." pormal na sagot sa akin ni Eglantine, nasa likuran ko din siya. "Pero mayroon pa rin na wala sa mga talaan ng mga nakaligtas at patuloy pa rin namin ito pinaghahanap upang iligtas. Marami din sa kanila na napahiwalay sa kani-kanilang pamilya. Mayroon din inulat na napahiwalay sa kanila ang kani-kanilang mga anak."

Tumango ako saka dumilat. Naiitindihan ko ang punto niya. Humarap ako sa kanila. "Kung ganoon, pumuwesto ka sa lugar kung nasaan ang mga iniligtas na Thilian, Prinsesa Eglantine. Abangan mo ang mga ililigtas pa at bigyan sila ng mga panungahing lunas." agaran kong utos. Malamig akong tumingin kina Hyrus, mukhang inaabangan nila ang susunod kong sasabihin. "Magkakahiwa-hiwalay tayo, tayo mismo ang maghahanap sa mga nawawala pa. Siguraduhing suyurin ang bawat sulok ng Kabisera."

Sabay silang yumuko. "Masusunod po, kamahalan." at nawala na sila sa aking paningin sa isang kisap-mata lamang. Tanging ako at si Eglantine nalang ang naiiwan dito. Tulad ng mga diyos at diyosa ay yumuko din siya sa akin bago man niya ako tinalikuran at gawin ang kaniyang trabaho ngayon. Nang nawala na siya sa aking paningin ay ibinalik ko na Kabisera. Kusa kong pinagana ang aking clairvoyance skills ko. Sa pamamagitan nito, mabilis para sa akin na mahanap ang mga nawawala pang biktima ng digmaan. Nakita ko din si Otis at ang mga kasamahan niya na patuloy nila sinisugpo ang mga nakakaharap nilang demonyo, gayunmanan, kasabay din nilang inililigtas ang mga mga muntikan nang paslangin ng mga demonyo.

So it's time to do some work, huh.

"Nakahanda ka na ba, Berrian?" tanong ko sa kawalan.

"Nakahanda na po ako sa maaari ninyong ipag-uutos, kamahalan." sagot naman niya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon