Chapter 62

2.3K 164 48
                                    


Bahagya akong gumalaw. Tumagilid ako ng higa. I stretch my one arm as if I reach something. Ramdam ko ay ang espasyo. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sa una ay malabo ang aking paningin. Muli ako kumurap ng dalawa, unti-unti na nagiging malinaw. Bumungad sa aking umaga ay wala si Otis sa aking tabi. Maaga ba siyang nagising dahil may aasikasuhin na siya ganito kaaga?

Gumalaw na ako. Nagpasya na akon bumangon pero natigilan ako nang maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Pilit ko inaalala kung bakit nagkakaganito ang aking katawan. Huling naramdaman ko ang ganito pananakit ng katawan ay noong pagkatapos ng pyesta ng pangangaso. Napangiwi ako nang nanumbalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng buong mukha ko nang tuluyan nang sumagi sa aking isipan ang buong kaganapan. Inilapat ko ang aking mga labi.

Naka-limang round kami.

Agad lumipad ang aking palad sa aking bibig. Pumikit ako ng mariin. Para akong sira. Kung kailan nangyari na, ngayon pa ako nahihiya!

Ang sarap kastiguhin ang sarili ko! Nakakawala ng poise ng ginawa ko kagabi. Nakita na lahat ni Otis ang lahat-lahat! Pambihira!

Kahit na masakit pa rin ang aking katawan ay pinili ko nang umalis sa ibabaw ng kama. Agad ko kinuha ang roba na nakapatong sa sofa. Mabilis ko ito isinuot, sakto lang din na biglang may kumatok sa pinto. Nagsalita ako na "tuloy" bilang pagbigay ng permiso na maaari silang makapasok dito sa loob.

Tumingin ako sa pinto. Pumasok dito sa loob sina Faila pati na din ang maid. Umawang aking bibig nang makita ko ang dalawa pang tao na nakasabayan nina Faila sa pagpasok dito sa loob. Ang isa ay kilala ko pero ang isa pa ay hindi ko pa kilala. I can deal with her later. Nang tumigil na ang isang tao sa aking harap doon isang nasopresang ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Walang sabi na mabilis ko siyang dinaluhan saka niyakap ko siya ng mahigpit.

"Nesta!" malakas kong bigkas sa kaniyang pangalan.

"Mahal na prinsesa," bakas sa boses niya ang kagalakan. "Narito na po ako upang paglingkuran ko ulit kayo."

Kumalas ako ng yakap sa kaniya. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. "Nagagalak ako dahil pinayagan ka din ng mga magulang mo na dumito ka sa Thilawiel."

Diretso ang tingin niya sa akin pero hindi mawala ang kasiyahan sa kaniyang mukha. "Dahil nagbitaw na ako ng pangako na palagi akong nasa tabi mo, kamahalan." malumanay niyang sambit.

Tumango ako. Inilipat ko naman ang aking tingin sa isa pang babae na hindi ko pa kilala. Nang nagtama ang aming paningin ay kusa namula ang kaniyang mukha sa hindi ko malaman na dahilan. Tumagilid ang aking ulo sa pagtataka. Sa huli ay nagaw ako siyang gawaran ng ngiti. Lumapit pa ako sa kaniya na siya naman ang pag-atras niya. "Ikaw si...?"

Aligaga siyang nagbow sa akin. "B-b-binabati ko po ang p-prinsesa na tagapagmana... Ng Thilawiel." sa tono ng pananalita niya ay mukhang kabado nga siya na makaharap ako. Sa pagkaalala ko ay wala naman akong nakaaway na babae, maliban lang sa babae na nagtapon sa akin ng alak ng gabi ng kaarawan ni Otis.

"Huminahon ka, binibini. Hindi ako nangangain ng tao." saka mahina akong tumawa.

Natigilan siya't napalunok. Ibinuka niya ang kaniyang bibig. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Muli siyang yumuko sa harap ko. "Ako po si Regie Silvers, kamahalan. Ako po ang nakakatandang kapatid ni Ramas Silves na isa sa mga kawal ninyo..." ngayon ay kumalma na nga siya, hindi na siya natataranta tulad kanina.

Tumangu-tango ako. Naalala ko na. "Ganoon ba? Ikinagagalak kitang makilala, Binibining Regie." hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. "Ang sabi sa akin ni Ginoong Ramas ay nais mo daw ako paglingkuran, tama ba?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon