Chapter 85

1.5K 106 10
                                    


Nanatili akong tahimik habang umaakyat kami ni Nesta sa unang hilera ng Kolosiem. Ang sabi ay dito daw umuupo ang mga bisita na matataas sa lipunan mula sa pinanggalingang mga bansa o mula sa mga Imperyo. Madali kong natanaw kung saan sina Emperador Audrick pati na din sina Prinsipe Hadden at Prinsesa Eglantine. Ngumiti sila sa akin. Mahinang tinapik ni Eglantine ang espasyo sa kaniyang tabi, sinasabi na tumabi ako sa kaniya sa pag-upo na sinunod ko din naman. Nalaman ko din na nakarating na si Duke Arundel Godefroy mula sa ibang bansa na kasali din siya bilang kalahok sa malaking paligsahan. Mabuti ay nakahabol siya dahil ang unang paligsahan na gaganapin ngayon ay jousting. Ayon sa nalaman kong panuntunan, isang kabalyero mula sa bawat Imperyo o Kaharian ang magiging representative sa jousting at magkakaharap. Dalawampu't lima naman sa melee, habang sa tatlo mula sa duwelo na isa laban sa isa kung saan kasali sina Otis, Ramas at Raymound. Ibig sabihin, ang sinalihan lang ni Ginoong Arundel ay ang jousting.

"Kinabahan ako." bigla kong narinig ang sabi ni Prinsesa Eglantine. "Silang dalawa ni Otis ang magiging kalahok sa unang laban."

"Naniniwala ako sa kanila." sabi ko sa kanila. Pero naniniwala din ako sa mga Eryndor, Calaevi, Dilston at Caldwell kung sakaling makakaharap nila ang mga ito. Sabihin natin na wala akong pinapanigan dahil lahat sila ay importante sa akin. Ayos lang sa akin kung sinuman sa kanila ang mananalo sa inang laban.

Nalaman ko din nito lang na mapapangasawa ni Eglantine si Ginoong Arundel kaya ganyan ang kaba niya para sa duke. Naiitindihan ko siya. Aminadong kinakabahan din ako para kay Otis pero pilit kong hindi magpapadaig. Tulad ng aking sinabi sa kaniya kanina, naniniwala ako sa kakayahan niya. Pinanghahawakan ko din ang pangako niya na maipapanalo nila ang laban na ito dahil ilang buwan din nila pinaghandaan at todo ang pagsasanay nila para sa araw na ito.

Habang nasa Thilawiel pa kami, sinadya ko din pinag-aralan kung ano ang daloy ng magiging laro. It's a full metal jousting kaya yari sa bakal ang mga susuotin nilang kalasag at ang sibat na gagamitin nila. Kahit na sabihin nilang mapupurol na sandata ang gagamitin ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil matindi ito kaysa sa pyesta ng pangangaso.

Sa laro ng jousting, nakasakay ang mga manlalaro sa kani-kanilang kabayo habang hawak nila ang sibat. Tatlong round 'yon bawat manlalaro. Sa scoring, isang puntos kapag nakatama ngunit hindi nasira ang dulo ng sibat. Dalawang puntos naman sa oras na nasira ang dulo ng sandata at tatlong puntos naman sa oras na nagsira at tuluyan nang nagkapira-piraso ang mga sibat na hawak nila na dahil sa pwersa upang may matutumba ang isa sa mga kalahok mula sa sinasakyan nitong kabayo. They said, jousting is not just for points, also to avoid penalties and disqualification. Bilang na doon bawal tamaan ng sibat ang kabayo na sinasakyan ng kalaban, ihagis ang sibat sa kalaban, o intensyon na tamaan ang kalaban sa ibang parte ng katawan.

Habang naghihintay kami na magsimula ang paligsahan ay hindi parin nagpapatinag ang ingay sa paligid. May nakikita din kami na may mga naglalako ng mga pagkain at inumin. Dahil na rin sa gutom ay bumili ako. Binilhan ko na din ang mga kasama kong ladies-in-waiting, maski na din sina Emperador Audrick, Prinsipe Hadden at si Prinsesa Eglantine. Masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan. Pero agad 'yon tumigil nang may narinig kaming malakas na tunog mula sa mga trumpeta at mga tambol. Agad kami tumingin nang may nakita kaming isang lalaki na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan---kung saan nakaupo ang Maharlikang pamilya ng bansa na ito. Isang lalaki na mukhang arabo na parang pamilyar sa akin ang features na 'yon na dahilan upang tumalikwas ang isang kilay ko.

"Sino siya, Eglantine?" hindi ko mapigilang magtanong sa aking katabi.

"Ah, siya si Prinsipe Arsalan. Sa katunayan ay pinsan niya ang isa sa mga prinsipe ng Prerradith, si Prinsipe Fadil at ng prinsipe na tagapagmana." tugon niya pero ramdam ko ang pag-iingat niya sa sagot na 'yon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon