Chapter 135

1K 84 9
                                    


Tikom ang aking bibig. Pinapanood ko si Raegan na maingat niyang inihiga si Rina sa kama nito sa isa sa mga silid ng Palasyo. Ang babaeng tinutukoy na kakambal ko daw. Ayokong maging ipokrita kung sabihin ko na hindi ako nawindang sa mga nalaman ko. Oo, nawindang ako ng sobra. Pakiramdam ko ay nagiging blangko na ako. Subalit may parte din sa akin ang pinaghalong labis na kasiyahan at kalungkutan na umaapaw sa aking sistema. Masaya ako dahil makakasama na rin namin sa wakas ang aming ina, si Theavia. Nalulungkot naman ako dahil naabutan naming wala nang buhay ang aking kakambal. Nakaramdam din ako ng awa para kay Kapitan Averescu na ngayon ay tila nawala ang kalasingan niya nang nalaman niya ang tunay na pagkatao ng aking kapatid---na isa itong nawawalang prinsesa ng pinakamalakas na Imperyo sa mundo. Naaawa ako sa kaniya dahil sa kaniyang pagbabalik ay patay na pala ang babaeng pinakamamahal. Naputol ang pangako nila para sa isa't isa.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko na sugurin ang grupo ng mga kalalakihan na gumawa ng kabulastugan sa aking kakambal. Hinding hindi ko rin mapapatawad ang tinutukoy ni Theavia na tagapagsilbi na dumukot kay Rina at inilayo sa Cyan! Iniisip ko palang ang mga ito, gustong gusto ko na silang patayin kahit nas akabilang buhay na ang iba sa kanila! Gusto kong iparamdam sa kanila ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito!

Pinili kong umalis muna sa silid. Mukhang natunugan ako ni Otis kaya ramdam kong nakasunod lang siya sa akin pero wala akong naririnig na tanong mula sa kaniya. Siguro ay binibigyan niya ako ng oras upang tumuwid ang aking pag-iisip. Nakuha ko din ang ibig niyang ipahiwatig, sa oras na hindi ko na kakayanin pa, handa niya akong alalayan. Sino nga ba naman ang hindi mawiwindang kung ganito ang malalaman ko, hindi ba?

Bigla akong tumigil sa paglalakad. Ganoon din siya. Tahimik akong sumulyap sa bintana sa mahaba at malawak na pasilyo ng Palasyo. Nilapitan ko ang isa sa mga bintana. Malungkot akong nakadungaw sa labas. Mula dito ay tanaw ko ang Kapitolyo. Maliwanag 'yon at buhay na buhay.

"Otis," tawag ko sa aking asawa, nanatiling nakatuon ang tingin ko sa labas.

"My rose..." humakbang siya palapit sa akin. "Anong problema?"

"Bakit pakiramdam ko ay nagkakasala ako?" halos wala na ako sa sarili nang tanungin ko ang bagay na 'yon. "Bakit pakiramdam ko... Dahil sa akin ay humantong sa ganoon ang aking kakambal? Bakit... nabuhay siya sa paghihirap?" kinuyom ko ang aking kamao na nakadikit sa bintana. "Kung lumaki siya dito sa Palasyo, walang magiging problema... Ngayon ay naiitindihan ko na... Halos wala kaming pinagkaiba ng pinagdaanan ni Prinsesa Eglantine."

Naramdaman ko na pinukupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. "Wala kang kasalanan sa mga nangyari, my rose." rinig kong mga salita mula sa kaniya. "Wala kang kasalanan kung hindi kayo magkapareho ng kapalaran. May mga bagay lang talaga na may matinding dahilan."

"Nagagalit ako sa sarili ko, Otis. Galit na galit ako... Nagagalit ako dahil may mga nasasaktan ako. Ang buong akala ko, tama nang nasaktan na ang mga Eryndor dahil sa inaakala na nawala ang aking ina ng araw din na aking kapanganakan... Ngayon, maski ang aking ina ay nadurusa... At namatay naman ang aking kakambal... Bakit..." halos pumiyok na ako, unti-unti nang nilalamon ng mga negatibong bagay ang aking isipan.

Mas humigpit ang pagkayakap iya sa akin. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking panga at leeg. "Alam mo kung anong nararamdaman mo ngayon, my rose?" namamaos niyang tanong.

Lumipat ang mga kamay ko sa mga kamay niya. Marahan kong kinalas ang yakap niya sa akin. Hinarap ko siya. Tumingala ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. Humihingi ako ng katanungan.

Isang banayad na ngiti ang ipinakita niya sa akin. Hinawi niya ang takas kong buhok. Isinabit niya 'yon sa isa kong tainga. "Nakakaramdam ka ngayon na kahit hindi mo kasalanan, responsibilidad mo pa rin."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon