Chapter 13

4.9K 325 31
                                    

# CHAPTER13

Mga palayan na ang nakikita ko mula dito sa loob ng karwahe. May natatanaw din akong mga tao na abala sa pag-aani. Mayroon din na kaming nalalagpasan na tao na nadaan sa gilid na bilang nga lang sa daliri. Hindi nga maipagkaila na probinsiya na nga ang lugar na ito na tinatawag na Corbin. Sa ngayon ay patungo kami sa Manor na pagmamay-ari ng dating Baron na ngayon ay inatasan na bilang isa sa mga Bisconde: ang pamilya Stodge. Ang panganay at nag-iisang anak na napag-alaman ko na ang pangalan niya ay Maria, ang batang babae na nagtanggol sa akin laban kina tsokolate at espasol. Nakakatuwa lang dahil sa kanila kami magpapalipas ng gabi ngayon pagkatapos sa isa sa mga duke.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang natatanaw ko ang pamilya ang bisconde, ang asawa niya, mga anak nila pati na din ang mga tagapagsilbi nila na nasa labas ngayon ng naturang Manor, tila inaabangan at pinaghahandaan nila ang aming pagdating.

Nang tumigil na ang karwahe sa harap nila ay hinintay pa namin ito buksan ng kutsero ang pinto. Isa-isa na kaming lumabas hanggang sa muling tumapak ang mga paa ko sa larya o bricks na daan. Nang tagumpay kaming nakababa ay binigyan nila kami ng pagbati at nagbigay-pugay.

"Maligayang pagdating at ikinagagalak po naming batiin ang Pamilyang Imperyal. Ikinalulugod po namin na pinili niyo ang aming tahanan upang magpalipas ng gabi sa gitna ng inyong paglalakbay. Ikinararangal din po namin kayong pagsilbihan habang naririto kayo sa aming munting tahanan, aming mga kamahalan." si Bisconde Stodge ang nagsalita. Hindi naman talaga siya matanda sa aking paningin. Mukha pa siyang bata sa totoo lang, siguro kasing edad niya lang si Vencel. Nagmumukha lang siyang matanda dahil sa pagiging simple at mukhang pasan niya ang mundo palagi.

"Maraming salamat sa pagtanggap, Bisconde Stodge." pormal na tugon ni Vencel sa kaniya. "Sana ay nasa mabuti kang kalagayan, pati ang pamilya mo."

Dinapuan siya ng hiya. "Hindi ko lubos maisip na bibigyan ako ng napalaking grasya ang aming pamilya, mahal na Emperador."

"Karapat-dapat naman na ipagkaloob sa iyo ang bagay na 'yon, Bisconde."

"Maraming salamat po." sa akin naman siya tumingin saka yumuko para magbigay-galang sa akin. "Lalo na po sa inyo, mahal na Prinsesa. Maraming salamat dahil ipinagtanggol ninyo ang aking panganay na anak na si Maria."

"Walang anuman po, Bisconde." saka nagbow din ako sa kaniya. Hinahanap ng aking mga mata ang tinatawag nilang Maria. Namataan ko siya sa tabi ng kaniyang nanay. Nahihiya siyang tumingin sa akin. Siguro ay naoverwhelm pa siya sa presensya namin. "Kamusta ka na, Binibining Maria?"

Bago niya ako sagutin ay aligaga niyang hinawakan niya nang magkabilaan ang kaniyang palda, inangat niya 'yon nang kaunti saka nagbow. "Maayos po a-ako, mahal na prinsesa. I-ikinagagalak ko pong makita ulit kayo..." kahit siya ay nahihiya pa.

"Siya, pumasok na po tayo, mga kamahalan. Nakahanda na po ang mga silid-tulugan para po sa inyo." masayang paanyaya ng bisconde.

Ipinakilala din namin sa kanila si Prinsipe Calevi. Tulad sa amin ay binigyan nila ito ng respeto dahil isa ding dugong-bughaw ang kanilang kaharap kahit na taga-ibang lugar siya.

Sunud-sunod kaming pumasok sa Manor. Hindi ko maipagkaila na maganda siya. Mas gusto ko ang lugar na ito kaysa sa mga bahay ng mga dugong-bughaw sa Kapitolyo. Kahit ang loob ng bahay ay malinis at organize ang mga kagamitan nila dito. May nakita din akong organ sa kanilang Salas. Meron din silang fire place. Ang mga tagapagsilbi naman ng mga Stodge ay tumulong sa pagbubuhat ng aming gamit kahit na nariyan at nagdala kami ng sarili naming tagapagsilbi.

Itinuro sa ng bisconde sa akin kung saan kami matutulog. Dahil anim kami ay tatlong silid na ipinapahiram nila sa amin. Napagpasyahan namin na matutulog ako kasama ni Vencel. Sa pangalawang silid naman gagamitin nina Raegan at Eomund, sa huling silid naman ay doon matutulog sina Cederic at Prinsipe Calevi.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon