Chapter 45

2.3K 167 12
                                    

Napaatras siya't namumula ang buong mukha niya sa aking naging pahayag. Bumalik sa panlalamig ang ekspresyon ng aking mukha. Hindi ako nagpatinag sa kaniya pagdating sa titigan. Kita ko kung papaano siya nanggagalaiti sa ginawa ko. Naghahanap siya ng gulo? Gustuhin ko man patulan ito ay hindi ko ito magagawa dahil na rin ayaw kong masira ang pagdiriwang na ito nang dahil lamang sa akin. Ayaw ko gumawa ng napalaking komosyon. Nakakatawang isipin na mismong Emperador na ng Thilawiel na ang nagalit sa kanila dahil sa natanggap naming pambabastos mula sa kanila, o sadyang matitigas lang ang mga ulo nila?

Humakbang ako palapit sa kaniya. Bakas sa mukha ang takot kaya napaatras muli siya. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Tumigil ako sa kaniyang tabi na blangko ang ekspresyon sa aking mukha. "Ilugar mo ang sarili mo kung ayaw mong mawala sa Thilawiel. Alamin mo muna kung sino ang guguluhin mo." mahina pero mas malamig kong saad. Muli akong humakbang hanggang sa iniwan ko siya.

"Rini, sasabihan ko sina Otis, Dilston pati na rin ang mga Eryndor na babalik ka muna sa iyong silid pampanauhin upang makapagpalit ka ng damit." nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Calevi habang nakasunod sa akin.

"Salamat, Calevi. Kaya ko na ang sarili ko na makarating sa aking silid." malumanay kong sambit. Hanggang sa binilisan ko pa ang aking lakad pero iniiwasan ko ang mga taong hindi dapat ako makita. Ayokong magwala sila nang sobra dahil lamang sa sinadyang manatsahin ang aking damit.

Aksidente ko naman namataan si Egos sa tabi ng pinto. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya saka inilabas ko ang maliit na papel mula sa loob ng aking guwantes.

"Egos," mahina kong tawag sa kaniya nang nasa harap ko na siya.

Gulat siyang tumingin sa akin. "Mahal na prinsesa," bigkas niiya. "Ano pong maipaglilingkod ko?"

Bago man ako magsalita ay inabot ko sa kaniya ang nakatiklop na maliit na papel. "Hihingi sana ako ng pabor na kung maaari sana ay iabot mo agad ito kay Prinsipe Otis. Pakisabi na rin sa kaniya na hihintayin ko siya doon." mahina pero malinaw kong pakiusap.

Tinaggap niya ang papel saka agad niya ito itinago sa loob ng kaniyang coat. "Masusunod po, mahal na prinsesa. Pupuntahan ko din siya agad." paalam niya.

"Maraming salamat, Ginoong Egos."

Yumuko siya bago niya ako nilagpasaan. Nag-umpisa na din akong naglakad palabas ng bulwagan hanggang sa marating ko ang silid. Gulat na bumaling si Nesta, pati ang mga maid na kasama niya sa silid pampanauhin. Agad nila ako dinaluhan. Napasinghap sila nang makita nila ang malaking mantsa sa aking damit. Alam ko na ganoon talaga ang magiging reaksyon nila lalo na't ito ang unang beses nangyari ito.

"Ano pong nangyari, mahal na prinsesa?" hindi mapigilang mapabulalas si Nesta nang nasa harap ko na siya. Pinagmamasdan niya ang mantsa sa ball gown ko.

"Hayaan ninyo na, maliit na bagay lamang ito. Narito ako upang magpalit ng damit." malamig kong turan sa kanila.

"Sige po, mahal na prinsesa." aligaga silang kumilos para maghanap ng damit pamalit.

I think they brought another spare ball gown for me. Pero kahit na makapagpalit na ako ng damit, wala na akong plano pa na bumalik sa ball hall dahil sa ibang lugar ako didiretso pagkatapos nito.

Ipinasuot nila sa akin ang royal blue ball gown with a light blue flower slash collar. Pati na din ang isang pares ng sapatos. Hindi na rin ako nagpaabala na lagyan pa nila ako ng mga alahas, maski ang tiara. Hinayaan ko lang na ganoon ang ayos ng aking buhok mula kanina dahil hindi naman ito naapektuhan nang natapunan ako ng alak. Sa halip ay pinabot ko sa kanila ang baon kong balabal at 'yon ang isinuot ko. Nakapagpasya na ako na wala na akong balak pang bumalik sa kasiyahan.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon