Chapter 22

3.8K 210 16
                                    


Nag-umpisa na ang social debut ko. Hindi lang pala ako ang magkakaroon ng social debut, mayroon ding grupo ng mga dalagahan at kabinataan na makakasabayan ko sa selebrasyon na ito. Dahil sila ang kaedaran ko sa katawan na ito ay sa kanila ako nakihalubilo. Isa-isa sila nagpakilala sa akin at bumati. Masaya ko din sila binati pabalik. Ang iba pa sa kanila ay gusto nilang mag-organize daw ng tea party na kasama ako. Speaking of tea party, parang nag-aalangan na ako dahil sa unang tea party na nangyari sa akin. Ayaw kong maulit ang nangyari pero matagal na din nangyari 'yon so why not? Ang problema nga lang, hindi ako sigurado kung papayagan pa ba ako ni Vencel na magdaos ng tea party sa loob ng Palasyo dahil kadala-dala naman talaga. Hindi bale, susubukan ko siyang tanungin o magsuggest.

Mabuti nalang ay pinag-aralan ko ang mga pangalan mula sa mga duke hanggang sa mga baron. Teka, bakit parang hindi ko pa nakikita ang mga tao na kanina ko pa hinahanap. Inaasahan ko pa naman ang pagdating nila. Hindi ko rin mahagilap sina Caldwell at Ceola. Sa pagkakatanda ko din ay inimbitahan ko din si Maria. Hindi lang ako sigurado kung abala ba siya o hindi sa mga oras na ito pero ang sagot niya sa sulat ay susubukan daw niya dahil wala daw siya ngayon sa Cyan kaya hindi na ako umaasa na pupunta siya.

Ngumuso ako. At ang tatlong prinsipe, nasaan na din ang mga 'yon? Kanina ko pa hinihintay na ma-announce ang pangalan nila. Ni isa man sa kanila.

Habang hinihintay ko ang pagdating nila ay may mga lumalapit sa aking mga kababaihan at kalalakihan upang ipakilala ang kani-kanilang sarili sa akin bilang anak ng mga opisyal ng maharlika. Ang iba din sa kanila ay mga anak ng mga beteradong kabalyero. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko sina Vencel pati ang mga kapatid ko na masaya at nakangiting nakatunghay sa akin. Tuluyan akong tumingin sa kanila. Ginantihan ko sila ng matamis na ngiti.

"Binabati ka namin sa iyong espesyal na araw, mahal na prinsesa." rinig kong boses ni Ceola mula sa likuran ko. Agad ako lumingon. Lumapad ang aking ngiti nang makita ko na maganda at bagay na bagay sa kaniya ang ball gown niya. Mukhang pinaghandaan niya nga talaga ang susuotin niya. "Maligayang kaarawan, Prinsesa Rini."

"Maraming salamat, Ceola." punung-puno ng kagalakan sa boses ko. Lumipat ang tingin ko sa kasama niya. Napasinghap ako nang makilala ko ito. "Caldwell!"

Idinikit niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib at yumuko. "Maligayang kaarawan, mahal na prinsesa. Binabati din kita sa pagtuntong mo sa tamang edad." pormal niyang sambit.

"Maraming salamat. Halos hindi ko kayo makilala. Ibang-iba ang hitsura ninyo sa tuwing nag-eensayo tayo." inilabas ko ang aking pamaypay. Binuklat ko ito. Medyo tinakpan ko ang kalahati ng aking mukha para bumungisngis. "Tama bang ginagawa ko, Caldwell?"

Kahit anong gawin niya para maging seryoso at pormal sa harap ko ay hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapangiti, mahina siyang tumawa. "Tama ang inyong ginagawa, mahal na prinsesa. Ipagpatuloy ninyo lang po 'yan."

"Pagbibigyan ko ang lahat na kumilos ako bilang isang binibini sa gabi na ito. Pero sa ordinaryong araw, alam ninyo na." patuloy nasa mukha ko ang aking pamaypay.

Tumango sila nang nakangiti, sang-ayon sa aking sinasabi. "Maaari kang kumilos-lalaki sa oras na pagsasanay, kamahalan." wika naman ni Ceola.

"Inaanunsyasyon namin ang Maharlikang Pamilya ng Albelin mula sa Kaharian ng Oloisean!" biglang may nagsalita nang malakas.

Agad akong tumingin kung saan papasok ang mga bisita. Kita ko kung papaano natigilan ang mga bisita sa malaking anunsyo. Mabilis kong itiniklop ang aking pamaypay saka ibinalik sa bulsa ng aking ball gown. I feel anticipated, kung ano nang hitsura ni Dilston ngayon. Nang makita ko na sila ay lumipad ang aking mga palad sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Rinig ko ang bulung-bulungan ng mga bisita, dahil tulad ko ay nawindang din sila sa kanilang nakita. Tumambad sa amin ang makisig at nakangiti na si Dilston. Mas tumingkad ang kaniyang aura bilang prinsipeng tagapagmana ng Imperyo ng Oloisean. Pero ang ang mas hindi ko inaasahan ay may kasama silang binata na kasing edad ko lang at dalagita na nakahawak ngayon sa Emperador at Emperatris ng Oloisean. Sina Luth at Heidi!

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon