Naisip ko ay wala papala akong maiisuot para sa gaganapin mamaya pero baka mag aya naman sila kaya naman, mamaya nalang ako titingin. Bumalik ako sa higaan at inisip ang mga pangyayari nitong mga nakaraan. Napakabilis nang oras, it feels amazingly unreal.

Hindi ko namalayan ang pagkatok nila Vien, pagpasok at hinahatak nako palabas.

"Excited nako!" Sigaw ni Vien sa mismong tenga ko. Sinamaan ko lang ito ng tingin pero ngumiti lang ito.

Nagsalita si West na nasa gilid ko. "Hera, sinong kapatner mo mamaya? Inaya ako ng kaklase namin na gwapo woooohhhhhhh,"

Natawa naman ako ng bigla syang gumiling giling at halatang excited mamaya.

"Si Rade."

"AYIEEEEEEEEEEEEE"
"YIEEEEEEEE NAOL!"

Kinurot kurot nila ang braso ko at kinikiliti ang bewang ko. Mga baliw. Hinawi ko lang ang kamay nila at pumasok na sa loob ng pagkukunan ng susuotin mamayang gabi.

Sabay silang pumasok habang humahalakhak ng malakas na umaalingawngaw sa buong paligid kaya nagtago ako sa mga mahahabang bestida.

"Hoy Hera nakikita ko iyan sapatos mo wag kang magtago," Tawang tawa na bigkas ni Vien.

"Tara na at pumili, ang ingay nyong dalawa."

Nagkunwari akong pumipili ng damit kahit ang interes ko naman ay lumilipad. Lakad doon, lakad dito. Kahit saan wala akong mapili dahil satingin ko ay wala naman bagay saakin.

"Hera ano? Balak mo bang matulog dito? Maghahapon na oh wala ka pa rin napipili hay nako!" hinatak ako ni Vien papunta sa listahan ng mga kukuha. Nakita ko ang hawak nyang kulay pula na may mahabang manggas hanggang siko. Silk ang tela kaya ang ganda sa mata. Habang nakita ko ang kay West na kulay kahel na hinaluan ng dilaw. Habang tinititigan ko ito ay napagtanto ko na ang dilaw pala ay sikat ng araw. Ang kalahati ng araw ay nasa gilid kaya maganda ito tignan. Nakakamangha.

Tila nabalik ako sa reyalidad ng tinawag ko ni Vien. Tumingin sakin ang naglilista habang pababa sa talampakan.

"Sundan mo ako." sinenyasan ako ni Vien na sundan sya at ginawa ko nalang para matapos na.

Dumating kami sa silid kung saan marami pang nakabukod at nakalaylay na magagarang suotin.

Handang may hinahanap sya ay nagsalita ito. "Base sa kulay at mata mo, masyado kang mysteryoso na babagay talaga sa kulay ng iyong mata..." at bigla itong tumingin sakin "berde, napakagandang kulay." tumingin na uli ito.

"Ito!" May bitbit itong kulay puti na lalagyanan. Isinabit nya ito sa harap ko bago buksan.

"woah..."

"Nakakabighani diba?" Napatango nalang ako dahil nakakatula ang ganda nito. Ang pinaghalong berde at munting munti na bahid ng ginto.

"Osige hija, kunin mo na at humayo na kayo.... Maghanda na kayo para sa mamaya at paibigin mo ang iyong kapares."

"Hindi ho. Kaibigan ko ho iyon kapareha ko... Sige ho, paalam na."

Medyo may kabigatan ang susuotin ko mamaya buti na lamang ay nalaman kong may tagabitbit pala kaming kasama.

"Tara dali aayusan ko kayo!" Pumunta kami sa aking silid dahil daw mas madaming klorete sa muka at mga alahas na maaaring isuot. Pinaligo muna nila ako habang inaayusan ni Vien si West dahil si West ang mag aayos samin dalawa.

Nakapalit nako habnag sila ay busy pa den. Kumatok ang tagadala ng damit namin, agad naman akong nagpasalamat bago ito isarado. Kusang bumaba ang mga damit sa kama.

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now