Kabanata 60

6 2 0
                                    

Nika's POV

Nagngingitngit ako sa galit habang tinitignan kung pano maging kumportable si Joanna habang kausap ang kapatid ko. Hindi ako makapaniwalang mangyayare to, naaawa ako sa kalagayan nila ngayon lalo na kay Jk na siguradong nasasaktan ng sobra.

" Jm kakausapin ko lang muna si Joanna pwede ba?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanila

" Sure ate!"

Pagkasabi non ni Jm ay hinawakan ko sa braso si Joanna bago ko kinaladkad palabas ng kwarto, narinig ko pa ang pagrereklamo ni Jm pero hindi ko na ito pinansin pa. Hinila ko pa lalo si Joanna papunta sa may hagdan ng hospital

" Let go of me nasasaktan ako ano ba!" Sabi niya habang nagpupumiglas

Binitawan ko siya bago ko sinampal ng malakas ang kanyang pisngi.

" Ang kapal din naman talaga ng mukha mo noh! Matapos mong iwan ang kapatid ko ngayon ka pa may ganang magpakita sa kanya! Hindi ka na mahiya!"

" Nika kumalma ka!" Sabi ni Andrea na sumunod pala sa amin.

" Alam mo ba yong hirap na pinagdaanan ng kapatid ko ng dahil sayong hayop ka? Tapos babalik ka na parang walang nangyare, ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sa kanya bago muling pinadapo ang palad ko sa kanyang pisngi.

She pushed me kaya muntik na akong mahulog salamat na lang at naalalayan ako ni Andrea.

" How dare you to slap me two times! Bumalik ako for Jm hindi para sayo o para sa kahit na sino kaya hindi ko kaylangan yang walang kwentang opinyon mo!"

" Talagang ang kapal ng mukha mong babae ka! Hindi ka ba nahihiya? You're acting like a real girlfriend in front of his real boyfriend! Bobo ka ba o talagang wala ka lang hiyang babae ka!" Sigaw ko pa ulit sa kanya.

" Hindi mo ba nakikita na ako yong naaalala niya at hindi yang boyfriend na sinasabi mo? "

" Eh ang kapal din naman talaga ng mukha mo eh!" Sabi ni Andrea sabay tulak dito

Natumba si Joanna at halatang nasaktan ito. Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya kami bago tumayo.

" You two will pay for this! Tandaan niyo ako yong naaalala at ako rin yong totoong mahal niya! Wala kayong magagawa kahit ngumawa kayo ng ngumawa!" Sigaw niya bago umalis

Sinundan ko naman agad siya mababalik sana sa kwarto ng kapatid ko. Hinablot Kong muli ang braso niya at iniharap sa akin.

" Sinong may sabi sayong makakapasok ka pa sa kwartong yan? Lumayas ka hindi ka kaylangan ng kapatid ko!"

" Bitawan moko! Hindi moko pwedeng bawalang makita siya dahil ako ang kilala niyang girlfriend niya!"

" I have my rights lalo na't kapatid ko ang pinag uusapan! Ikaw na mismo ang nagsabi kilala ka lang ngayon pero oras na bumalik lahat ng memorya niya! Magluksa ka na dahil siguradong kamumuhian ka niya!"

" How dare you!"

" No! How dare you to use my brothers condition to take advantage of him! Hindi mo ako kaya! Kaya ngayon pa lang umalis ka na bago pa ako tuloyang mawalan ng kontrol at mapatay kita rito!" Sigaw ko na ikinagulat niya.

I let go of her arms and point the way out of the hospital.

" Ayon ang daan makakaalis ka na! Wag na wag ka ng babalik dahil kung hindi, hindi lang mag asawang sampal ang aabutin mo!"

She rolled her eyes to me bago tuloyang umalis without any words.

" Pano kung hanapin siya ni Jm?" Andrea ask me

" Bahala na Ann ang gusto ko lang ngayon malayo siya kay Jm dahil kung naaalala ni Jm lahat alam kong siya mismo ang magtataboy sa babaeng yon."

" Thank you Niks alam kong ginawa mo to because of my brother!"

" It's nothing, Jk is my brothers source of strength at alam kong ganon din si Jk kaya alam kong hirap na hirap Siya ngayon, hindi ko maaatim makitang nasasaktan siya dahil lang sa nakikita niyang iba ang kasama ng taong mahal niya."

Hindi TugmaWhere stories live. Discover now