Kabanata 2

28 9 0
                                    

Nakaraang hindi maalala ng dalawang pusong pinaglayo ng tadhana —sa ilang siglong sila'y pinagtama hindi tugmang pagkatao siya paring hadlang sa pag abut ng dulo para sa kanilang pagmamahalan.

Ulan na saksi ng lumbay na kanilang dinadamdam sa bawat patak ay siyang sakit ng pusong hindi mapagbigyan ng tadhanang sa kanilang dalawa'y naging madamut at mapanglamang.

Naglalakad patungo sa dalampasigan si Leon napag usapan nila ni Lucas na muling magtagpo sa huling pagkakataon bago sila ikasal sa taong inilaan sa kanila. Puno ng sakit ang dibdib habang ang dalawa ay nasa magkabilang dulo pa ng tagpuang kanilang matagal na iningatan at pinunu ng mga masasayang alaala. Lugar na saksi ng tunay na pagmamahalan ngunit para sa karamihan mali ito at kasalanan. Nakarating si Leon sa tapat ng malaking puno kung saan sila laging nagtatago ngunit ngayon ay hindi inabala ni Leon ang sarili para magkubli bagkos ay tinanaw niya ang paglubug ng araw na noon ay napakaganda sa kanyang paningin lalo na kung sa tagpuang ito niya tatanawin —sakit at lungkot ang kaniyang nararamdaman habang mga luhang nagbabadya ay kanyang pinipigilan.

" Leon banda rito!" Tawag sa kanya ni Lucas na nagkukubli sa ilalim ng malaking puno na nilingun agad ni Leon.

" Bakit ka nagtatago riyan? Lucas halika dito at pagmasdan natin ang karagatan!" Tawag niya rito.

" Hindi bat ayaw mong makita tayo ng iba sa tagpuang ito?"

" Papalubug naman na ang araw, wala na ring gaanong tao rito! Ito na ang huli Lucas bakit pa tayo magtatago?" Nakangiti ngunit malungkot na sabi ni Leon

" Wag mong sabihin yan! M-masaya akong nagpunta rito at hindi ko matatanggap ang mga sinasabi mo! A-ayokong isipin na kaya tayo narito ay para m-magpaalam at bumitaw sa ating p-pangako" Nanginginig ang boses na sabi ni Lucas.

" Mahal ko wag mo ng pahirapan pa ang iyong sarili! Tanggapin na lang nating dalawa na sa panahong ito, hindi tayo ang nakatakda hanggang dulo! Naging mapaglaro satin ang mundo at wala na tayong magagawa para baguhin pa ito." Humarap sa dalampasigan si Leon bago muling nagsalita.

" Napakalamig ng hangin hindi ba? Sing lamig ng aking damdamin na pilit itinatanggi ang sakit na dulot ng pagwawakas."

" Maraming bagay tayong kailangang tanggapin Lucas at isa na ito doon ang mawalay sa isa't isa at harapin ang bukas ng hindi magkasama! Hindi ako handa sa bagay na to ngunit wala akong magagawa dahil mas pipiliin kong mawalay sayo kaysa makita kang nahihirapan dahil lang sa piniliy natin ang pagmamahalan na sa mata nila ay kasalanan!" Mapait na ngumiti si Leon bago muling tumingin kay Lucas na ngayon ay tuluyan ng lumuluha.

" Anong damut ng tadhana sa ating dalawa Leon? Ilang beses ko mang sabihing Mahal kita at handa kong gawin lahat wag ka lang mawala, hindi parin ito sapat para manatili ka! Ang bigat sa dibdib makitang malayo ka sakin at masakit malaman na sa mga susunod na araw iba na ang kasama mo —iba na ang taong pangangakoan mo na dapat sana ay ako kung mundo lang sanay hindi naging madamut."

" Alam mong mananatiling tapat ako sayo kahit pa paglayuin tayo ng panahong ito pero hindi natin puwedeng ipilit ang pag-ibig na pinaglaroan ng tadhana Lucas dahil sa huli tayo parin ang talo —sa huli magkabilang dulo parin ang landas na tatahakin natin!" Sabi ni Leon ng hindi tumitingin kay Lucas.

Parang dinudurug ang kanyang puso habang naririnig ang mahihinang hikbi ni Lucas na ni minsan ay hindi niya ginustong marinig lalo na't siya ang dahilan nito.

Hindi TugmaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora