Kabanata 57

8 2 0
                                    

Jk's POV

Patuloy akong umiiyak habang hawak ang kanyang mga kamay. Ang sakit makita ang mga kung anong aparatong nakadikit sa kanya na tila ba ang mga yon na lang ang nagbibigay buhay sa kanya. Sabi ng doctor ay kailangan niya ang mga yon upang sumuporta sa kanya habang hindi pa siya nagigising.

" Mahal ko gising na, marami pa tayong pangarap hindi ba? Diba't nangako tayo sa isa't isa na muli tayong magtatagpo, ito na yon mahal ko kaya bumangon ka na riyan at ituloy na nating muli ang ating naudlot na pagmamahalan!" Sabi ko habang patuloy na bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Ang sakit na ng mga mata at dibdib ko ngunit hindi ko yon inaalintana sapagkat mas iniisip ko siya. Alam kong sinusubok na naman kami Ng tadhana ngunit bakit ganto kasakit? Bakit kailangang sa ganitong paraan kami subukin.

" Jk magpahinga ka muna! Kami na muna magbabantay sa kanya matulog ka muna roon sa sofa!" Sabi ni ate Nika

" Ayos lang ko ate! Kayo ni ate Andrea ang magpahinga, tama na rin ang pag iyak niyo kakayanin namin to magigising siya! Isipin na lamang nating nagpapahinga lamang siya!"

" Jk ok lang kami ikaw ang hindi kaya sige na magpahinga ka na muna! Pangako gigisingin ka namin pag nagising Siya!"

" Gusto kong ako ang una niyang makita pagmulat ng mga mata niya! Ni hindi ko gustong malingat man lang kahit sandali dahil baka magising siya bigla at hindi niya ako makita! Masaya pa kami kaninang nag aasaran niyakap ko pa siya at niyakap niya ako pabalik pero bakit ganto! Bakit sa isang iglap mahimbing na siyang natutulog habang ako itong takot na takot sa mga pwedeng mangyare!" Sambit ko habang namamalisbis ang mga luha sa mga mata ko.

Wala akong narinig na tugon mula sa kanila liban na lamang sa mga hikbi na naririnig ko patunay na muli silang lumuluha dahil sa sitwasyong kinalalagyan namin ngayon.

" Kung may kailangan ka narito lang kami magsabi ka lang!" Nika

" Hindi kami aalis mananatili kami rito para sa inyo! Magpakatatag ka bunso malalampasan niyong dalawa ito magtiwala ka lamang sa pagmamahalan niyo!" Andrea

" Maraming salamat sa inyo!" Naging tanging tugon ko.

Patuloy Kong pinag masdan si Jm namumutla parin ito at mas rumami pa ang mga pasa sa kanyang katawan na dulot ng kanyang karamdaman.

" Lumaban ka mahal ko, hindi ko pa nasasabi sayong nagtagpo muli tayo gaya ng pangako nating binuo. Kaya parang awa mo na gumising ka, bumalik ka sakin Jm hindi ko kakayanin kung sa pangalawang pagkakataon mawawala ka sa akin! Hindi ko kaya Mahal at Hindi ko kakayanin kung muli tayong magkakawalay. Mahal na mahal kita Jm at patuloy kitang mamahalin kahit ano pang mangyare Mahal ko?"

Hinalikan ko ang mga kamay niya at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang kama, habang kapit kapit parin ang mga kamay niya. Ayokong bitawan man lang kahit na saglit ang mga kamay niya, maging pagpikit ay ayokong gawin dahil baka bigla siyang magising. Ngunit dahil narin ata sa pagod at bigat ng aking nararamdaman ay unti unting pumikit ang aking mga mata hanggang sa tuloyan akong makatulog habang hawak hawak Siya.

Third person POV

Babalik na ako, babalik na kami at sisiguradohin kong kami ang pipiliin niya. Hindi ako susuko hanggang hindi ko siya nababawi ngayon pang may anak kami. Mas may karapatan ako sayo Jm kami ng anak mo hintayin mo at babalik na kami sayo. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang magtype doon.

" Thank you for helping me, kung sino ka man I hope to see you soon pagbalik namen ng anak ko sa pilipinas! Maraming salamat ulit!"

Hindi TugmaWhere stories live. Discover now