Kabanata 3

16 8 2
                                    

Nakauwi na si Timothy sa bahay nila, ang bigat ng pakiramdam niya dahil umuulan na naman. Ulan na nagdadala sa kanya ng kakaibang lungkot at bigat sa dibdib —ulan na sa tuwing bumubuhos ay nagbibigay sa kanya ng damdaming hindi niya alam ang pinagmulan.

"Tim anak, andyan ka na pala halika na sumabay ka na saming kumain Ng ate mo!"

"Di po ako gutom magpapahinga na lang ako pagod po ako!"

"Timothy sumabay ka na samin ni mama!"

"Nako anak wag mo na pilitin ang kapatid mo baka pagod talaga siya! Sige na anak umakyat ka na sa kwarto mo!"

Tumalikod na si Timothy at nagpunta na sa kwarto niya —simula ng bumalik sila dito ay umiiwas parin siya sa kanyang ina. Hindi niya maatim na makasama man lang to o makasbay dahil sa kasalanang ginawa nito sa kanila noon.

"Timothy!" Tawag sa kanya ng kanyang ate bago pa man niya maisara ang pinto ng kwarto niya.

"Ano na naman ba ate?"

" Bakit ba hanggang ngayon umiiwas ka parin kay mama? Tatlong taon na ang lumipas Tim hindi mo parin ba siya napapatawad?"

"Ate Andrea pagod ako lumabas ka na! Gusto kong magpahinga!"

"Tim ano pa bang gusto mong gawin ni mama para mapatawad mo siya?" Tanong ulit ng ate.

"Pag sinabi ko bang ibalik niya si Papa mababalik ba niya? Makakasama ko ba ulit yung taong buong buhay kong kasama nong iniwan niya tayo? Hindi diba hanggang sa huling pagkakataon hindi ko man lang nakasama si Papa dahil nilayo niya tayo kay Papa tapos gusto mo patawarin ko siya! Bumalik siyang parang walang nangyare tapos gusto mo patawarin ko siya nag iisip ka na ate?"

"Bunso nagsisi na si Mama hindi mo ba yun nakikita? Nahihirapan na siya sa pag iwas mo! Pano maaayos kung patuloy mong iiwasan? Tim hindi ka na bata dapat naiintindihan mo na yung mga bagay bagay!"

"Hindi na nga ako bata kaya alam ko kung anong ginagawa ko at yun ang dapat! Bakit ang dali sayo ng lahat ha ate? Alam mo ba yung pinagdaanan ni Papa nong mag isa siya kasi kinuha tayo ni Mama sa kanya? May sakit siya non ate, tapos kinuha tayo sa kanya! Tama ba yon na iniwan natin si Papa kung kaylan mas kailangan niya tayo? Nawala si Papa ng wala tayo sa kabila ng pagpapalaki niya satin parang tayo pa yung tumalikod sa kanya!"

"Si Papa ang may gusto non Tim! Si Papa ang pumilit kay Mama na isama tayo dito dahil ayaw niyang makita nating nahihirapan Siya!"

"Yun na nga eh! Nahihirapan siya pero pinili parin ni Mama na ilayo tayo sa kanya! Kung may malasakit siya kay Papa kahit ilang ulit pang sabihin ni Papa na umalis tayo hindi niya tayo ilalayo! Hindi dapat tayo umalis don!"

"Bunso hindi ginusto ni Mama yo-"

"Ginusto niya yun ate! Dahil una pa lang sariling kagustohan niya lang yung sinusunod niya! Kahit kaylan di niya inisip yung mararamdaman natin! Kahit kaylan di niya inisip ang mga taong nasasaktan niya —bakit di mo yun makita ate?"

"Hindi Timothy kung bibigyan mo lang si Mama ng pagkakataon na magpaliwanag sayo maiintindihan mo lahat!"

"Wala akong dapat pakinggan galing sa kanya dahil kahit anong gawin niya nilayo parin niya ko sa taong bumuhay sakin nong panahon na masaya siya sa pagpapakasasa sa yaman ng naging asawa niya!"

"Timothy umayos ka! Yang pananalita mo!" Galit na sigaw sa kanya ng ate niya.

"Lumabas ka na ate habang kaya ko pang pigilan sarili ko! Masyado ka ng nalason ni Mama na hindi mo na makita ang hirap ni Papa satin noon sa america nong pinagpalit tayo ni Mama para sa pera!"

"Alam ko yun! At galit parin ako dahil don, pero hindi tayo makakausad kung patuloy nating ibabaon Ang sarili natin sa nakaraan! Tim it's never too late to forget and to forgive! Learn to admit the fact na kahit anong gawin natin ang nangyare ay nangyare na!"

"Hindi madaling makalimot ate lalo na si Papa ang nawala sakin dahil sa desisyong hindi naman dapat ginawa ni Mama!"

"I know it's hard but it's been three years Tim at least talk to her kahit hindi mo pa siya patawarin —yung wag mo siyang iwasan sapat na yun Timothy!"

"Hindi ko kaya! Kung kaya mo ibahin moko kasi kahit anong gawin ko Yung bigat na dala dala ko dahil sa pagkawala ni Papa mananatili yun dito kahit anong paliwanag pa ang gawin niyo!" Sagot ni Timothy habang makaturo sa dibdib niya.

"Tim hindi ko na alam gagawin ko sayo! Masyado ka ng nagmamatigas mali yan Tim —ina mo parin yung pinag uusapan natin dito! Wag mong hintayin na kailan pang may mangyare ulit bago ka magpatawad! Hindi ka uusad sa gantong paraan Tim tandaan mo yan!"

Pagkasabi non ay lumabas na si Andrea sa kwarto ni Timothy. Napaluhod na lang si siya at napa hagulgol ng iyak dahil sa bigat ng damdamin na nararamdaman niya. Tumingin siya sa bintana kung san makikita ang lakas ng ulan at hinayaan ang sarili sa pag iyak habang inaalala kung pano nawala sa kanya ang taong nagpalaki at nagmahal sa kanya ng totoo.

"Mabigat parin sa pakiramdam tuwing umuulan! And I still can't move forward Papa, it's still hurt! I still can't move on on what happened to you! I really miss you Papa! Help me to move forward and let go of the past please! I know you're still guiding me —Papa hirap na hirap paring bumangon ang bunso mo hindi ko parin alam kung pano uusad ng wala ka para alalayan ako!"

Patuloy lang siya sa pag iyak habang hawak hawak ang dibdib niyang naninikip dahil sa kakaibang damdaming nararamdaman niya. Malakas ang buhos ng ulan gaya ng mga luha niyang nag uunahan —puno ng tanong ang kanyang isip habang nakatingin sa bintana niya habang pinagmamasdan ang mag uunahang patak ng ulan.

"Give me a sign Papa! Sayo lang ako magtitiwala kung handa na ba akong magpatawad o hindi pa! Dalawin mo naman ako kahit sa panaginip lang Papa! Kahit sandali lang hayaan mo sana akong makausap ka!" Sambit ulit niya habang umiiyak.

Maya maya pa ay humiga na siya sa kanyang kama habang patuloy parin sa pag iyak —hinayaan lang ni Timothy ang kaniyang sarili hanggang sa tuloyan siyang makatulog dala dala parin ang bigat at lungkot na nararamdaman niya.

Hindi TugmaWhere stories live. Discover now