Kabanata 44

6 3 0
                                    

Jk's POV

Pagkatapos kong maglinis Ng kusina ay bumalik na ako sa kwarto ni Jm. Natutulog na siya nang makarating ako doon, tahimik akong naupo sa kama niya habang pinagmamasdan ko siya.

" Hindi ko inakalang makakasama muli kita sa kabila ng lahat. Kay tagal kong tiniis na mawalay sayo nong mga panahong ayaw satin ng mundo, ngunit ngayong muli tayong pinagtagpo hinding hindi na ako papayag na muling mawalay sayo mahal kong Lucas!" Sambit ko sa aking isip habang nakatitig parin sa kanya.

Hindi ko inakalang maaalala ko lahat na ako pala ay ang lalaking nasa kwento na mula noon ay napakalapit sa aking puso. Ngayon ay malinaw na lahat sa akin dahil ako pala ang isa sa taong tinutukoy doon at ang lalaking Mahal ko ngayon ay Siya ring lalaking minahal ko noon! Kinuha ko Ang cellphone ko para tignan kung anong naging reaksiyon ng mga nakakakilala sa akin sa post ko tungkol sa amin ni Jm.

" You two look good with each other! Congratulations!"

" Walang masama sa pagmamahal ng kaparehong kasarian! Congrats!"

" Congratulations Jk and Jm!"

" Seeing Jm happy was so nice too see!"

" Don't break each others heart!"

" Hindi kayo bagay!"

" His supposed to be mine!"

" I'll be back soon!"

I stop with this comment, walang profile ang nag comment non at mukhang hindi naman din kakilala ni Jm ito.

"Who's this girl? At anong ibig niyang sabihin na babalik siya soon?"

Denelete ko na lamang ang mga comment ng babaeng yon at muling kinuhanan ng larawan si Jm habang natutulog. I posted it again with the caption " my baby is resting!". Pagkapost niyon ay inilapag ko na Ang cellphone ko, tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at nag umpisang maglinis ng kwarto niya. Dahan dahan ang bawat kilos ko upang hindi siya magising. Pinulot ang mga kalat sa sahig at inayos ang kanyang study table. Nakita ko ang lumang libro na pareho naming gusto, kinuha ko iyon at binuksan.

Inalala ang lahat ng aming nakaraan, kay saya naming dalawa simula nong umpisa. Ngunit sa tuwing aking maaalala ang bangungot ng nakaraan para akong natutunaw. Sana lamang ay hindi na maulit pa ang nakaraan, sana'y maging masaya na kami ng tuloyan at wala ng humadlang sa aming pagmamahalan. Hindi ko na namalayan na lumuluha na ako habang binabasa ang mga lumang liham namen sa isa't isa na nakapaloob sa aklat na ito. Kay tagal naming nagtago sa mga tao hanggang sa malaman ng lahat ang totoo at pilit kaming pinaglayo. Kay sakit ng kahapon na naging truma sa aming dalawa.

Binitawan ko na ang libro at itinuloy ang paglilinis. Habang naglilinis ay nakita ko ang isang guhit kamay na siya panigurado ang gumawa. Isa itong lalaking nakatalikod at nakaharap sa dalampasigan, hindi ako maaaring magkamali ako iyon noong una naming pagtatagpo sa una naming buhay. Bigla akong napatingin sa kanya na tulog parin hanggang ngayon.

" Naaalala mo na ba ang lahat? Pero kung oo bakit hindi mo ito ipagtapat? Mahal ko natatakot ka parin ba sa pwedeng mangyare? Nakikiusap ako sayo kung naaalala mo na lahat sabihin mo ng maipagpatuloy na nating dalawa ang dati nating naudlot na pag iibigan."

Muli akong naluha sa aking mga nakita, kung tunay niyang naaalala bakit kaylangang ikubli niya pa. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag aayos hanggang sa malinis ko ng lahat, pagkatapos ay muli akong lumapit sa kanyang kama. Nahiga rin ako at humarap sa kanya, kay himbing parin ng kanyang pagtulog.

" Mahal na Mahal kita Jm! Sobrang Mahal Kita mula noon hanggang ngayon!" Bulong ko upang hindi siya magising

" Hindi na ako papayag na tayo'y magkalayong muli kaya ang ating Hindi Tugmang pag ibig ay pilit ko muling pagtutugmain wag ka lamang mawalay saking piling!"

Hindi TugmaWhere stories live. Discover now