Kabanata 26

8 3 1
                                    

Marso 9 taong 1848

Nakatanaw ako sa balkunahi ng aming tahanan. Tinatanaw ang marikit na dalampasigan sa di kalayoan.

" Kay ganda parin sa paningin, marahil ika'y masaya ring nakatingin sa dalampasigan kung san nagsimula ang ating tunay na pag ibig!" Sambit ko habang mga luha'y namamalisbis sa pisngi ko.

" Dalawang taon na Lucas, dalawang taon na simula nong tayo'y magkalayong dalawa! Dalawang taon na rin akong nangungulila sayo Mahal!"

Napayuko ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa lamesang pinaglalagyan ng mga panulat ko. At doon muling nagsulat ng liham sa aking pinakamamahal na Lucas.

Huling liham.

Aking Mahal na Lucas,
Marahil ay nalulumbay ka Rin tulad ko aking Mahal. Dalawang taon na rin simula Ng tayo'y magkawalay. Kamusta ka? Nawa ay nasa mabuti kang kalayagan. Sumusulat akong muli sayo upang malaman mo na sobra akong nangungulila sayo. Hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ngunit nangangako akong ikaw lang ang aking mamahalin. Marahil ay nagugulohan ka dahil sa liham na ito, ngunit nais kong mabatid mo na habang sinusulat ko ito ay unti unti na rin akong nanghihina dahil sa karamdamang iniinda ko buhat ng lisanin ko ang bayan na naging saksi sa pagmamahal ko sayo. Nais kong ituloy mo ang aklat ng pagmamahalan natin na dati mo ng ginagawa. Wag mo sanang mamasamain kung hihilingin ko na isama mo ang liham na ito sa huling pahina ng ating kwento. Hindi pa ito ang wakas Mahal ko ngunit ito ang magiging simula ng paghahanap nating dalawa sa susunod na buhay kung san natin itutuloy ang ating kwento. Nangangako ako sayong ilalaban kita kahit hindi tama, asahan mong panghahawakan ko ang bawat katagang binitawan ko bago tayo tuloyang magkalayo. Sa panahong ito ay magwawakas ang ating kwento sa masalimuot na pamamaraan dahil pilit nila tayong pinaglayo. Mag iingat ka at lagi mong isapuso na hindi man Ikaw ang aking huling nakita bago ako mawalan ng hininga ay ikaw naman ang aking huling inaalala na babaonin ko hanggang sa Ang Hindi Tugma ay Magtugma na.
- Leon Madrigal

Binitawan ko na ang hawak kong panulat pinilit kong lumakad at pumunta sa may dalampasigan. Hindi ko alintana ang ulan na ngayon ay bumubuhos na. Nais kong makapunta sa dalampasigan kahit sa huling pagkakataon man lang, kahit pa na hindi ito ang dalampasigan na naging saksi sa aming pagmamahalan ay ito naman ang magiging saksi ng aking walang hanggang pagmamahal para sa nag iisang taong bumuo sa aking pagkatao at nagpakita sakin ng tunay na kulay ng buhay kahit kami ay nasa magulong Mundo.

Narating ko Ang dalampasigan, naupo ako sa buhangin habang nakatingin sa dagat na tahimik, habang ang ulan ay bumubuhos luha'y di na maputol. Bakit samin pa ito nangyare, bakit kami pa ang napiling paglaroan ng tadhana! Ang sakit napaka sakit na sa huling hininga ko ay wala ang nag iisang minamahal ko.

" Kay daya mo tadhana, bakit hindi mo na lamang kami hinayaang mahalin at ipaglaban ang isa't isa!" Sigaw ko kasabay ng patuloy na pagbuhos ng mga luha ko.

" Sobra na ang pagpapahirap na ginawa mo samin! Bakit kami pa? bakit kami pa ang napili mong paglaroan? Husto na!"

Nanghihina na ako ngunit hindi ko alintana iyon. Patuloy ko lang na pinagmasdan ang dalampasigan sa aking harapan at inalala lahat ng aming pinagsamahan.

" Hanggang dito na lang muna aking Mahal, hanggang sa muli nating pagkikita!" Huling mga kataga na akong binitawan bago ako tuloyang mawalan ng Malay.

Third person POV

Hinanap ko si Leon sa buong kabahayan ngunit hindi ko siya matagpuan. Naglakad ako palabas upang tignan Siya sa dalampasigan at doon natagpuan ko nga ang aking Asawa na wala ng buhay. Hanggang sa kanyang huling hininga ikaw parin ang iniibig niya Lucas Espinoza.

Hindi TugmaWhere stories live. Discover now