Kabanata 56

7 2 0
                                    

Andrea's POV

I was so shock on what the doctor said, I saw my brother became pale and started to cry. Hindi magsink in ng maayos sa utak ko kung anong nangyayare ayokong tanggapin natatakot ako sobrang takot na baka maulit na naman ang pagdurosa nila. Nagtungo ako sa hospital chapel para doon magdasal dahil hindi ko makayang makitang umiiyak sila dahil sa kundisyon ni Jm.

" Lord please not them! They've been through a lot already, I know it's not right but they love each other genuinely! Please let them be happy just for once, huli na po ito pangako na hindi na namen muling ipipilit pa basta hayaan niyo lang silang maging saya sa huling pagkukrus ng landas nila! Pero kung hindi talaga pwede pangako parin po na kami na mismo ang maglalayo sa kanila sa isa't isa sa susunod na buhay upang hindi na muling magkrus ang landas nila at ng hindi na sila muling magdusa pa!"

Tuloyan ng bumuhos ang mga luha ko, alam ko ang pinagdaanan nila noon kaya't sobrang masakit na makitang muli silang nadudurog dahil patuloy silang hinahadlangan ng Tadhana!

" Pano pa nila kakayanin ang pangalawang pagkabigo kung magpapatuloy ang mga pangyayaring ito, sigurado akong may isa na sa kanilang susuko at yon ang nakakatakot! Nakakatakot na baka isa sa kanila ang manakit sa isa pa!" Sambit ko habang patuloy na lumuluha

Tumayo na ako at lumabas ng chapel para bumalik sa kwarto ni Jm. Ang bigat sa pakiramdam habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto niya dahil alam kong pagtangis lang nila ang makikita ko roon at si Jm na mahimbing na natutulog. Huminto ako sa pinto ng kwarto at kumapit na sa siradora nito, nanginginig ang mga kamay ko dahilan para hindi ko mapihit iyon. Napasandal na lamang ako sa pinto at doo'y muling nag unahan ang mga luha ko hindi ko man, kaya natatakot, man at nanginginig pinilit kong pumasok at gaya ng aking inaasahan patuloy parin silang lumuluha dahil sa kalungkotan.

" San ka galing Ann?" Tanong ni Nika habang pinupunasan ang mga luha niya

" Lumabas lang ako saglit nagpahangin lang!" Pagdadahilan ko

Napatingin ako kay Jk na nakaupo malapit kay Jm habang hawak ang kamay nito. Nakakadurog ng puso ang masilayan siyang ganito, nag iwas ako ng tingin ng maramdaman kong muli ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi na lang sila ang nahihirapan ngayon maging kami ni Nika ay durog na durog na sa mga nangyayare. Lumapit ako kay Nika at hinawakan ang mga kamay niya.

" Magpakatatag ka Nika! Naalala ko noong panahon na si Leon ang may sakit halos buwan buwan ay may liham ka para sa akin! Kaya't hayaan mo akong damayan ka din ngayon!"

" Ang hirap Ann natatakot ako! Sobra siya na lang ang meron ako bukod kay Lola, iniintindi niya ako sa lahat kahit madalas at puro na lamang kami sigawan at angilan hindi parin niya ako tinalikuran! Nong nalaman ko ang sakit niya noon gumuho ang mundo ko lalo pa nang sabay kaming iwan ng mga magulang namin! Hindi ko alam kung paano ako babangon pero pinilit ko para sa kanya ngunit bakit ngayon hindi ko man lang siya kayang lapitan! Natatakot ako Ann sobrang natatakot ako!" Sambit niya at lalo pang  umiyak binitawan ko ang mga kamay niya at niyakap siya.

" Tahan na andito ako hindi kita iiwan sa laban na to! Hindi natin sila iiwan kahit anong mangyare pero kaylangan nating maging matatag para sa kanila Nika!" Sabi ko habang pinipigil ang mga luha ko. " Alam kong nahihirapan ka at ganon din ako lalo't nakikita kong hirap na hirap na rin ang kapatid ko , pero hindi ngayon ang oras para sumuko tayo mas kaylangan pa nating magpakatatag ngayon para sa kanila!"

" Sana'y ganon lang kadali yon!"

Napatingin ako sa pwesto ni Jm at Jk, kitang kita parin ang paghagulgol ni Jk habang hawak parin ang mga kamay ng kasintahan niya.

" Jm please weak up wag mo na siyang pahirapan! Parang awa mo na gumising ka na!" Sabi ko habang nakatingin kay Jm na mahimbing paring natutulog.

Hindi TugmaWhere stories live. Discover now