Kabanata 15

7 4 0
                                    

Nathan's POV

Umaga na ng magising ako, dahil sa pagod kahapon ay deretso na akong nakatulog. I grab my phone para tignan ang oras pero imbes na oras ang una kong tignan ay napatingin ako sa madaming message notification na galing sa iisang tao. I suddenly smile at nowhere because of the messages I've just received. Kung araw araw siguro akong gigising ng ganito ay magiging maayos ang mood ko sa buong araw. Pagkatapos basahin lahat ng message niya ay agad naman akong nagreply bago muling ibalik ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table ko.

Nag umpisa na akong ayusin ang kama ko bago naghanda para sa pagpasok. Pagkatapos maligo ay nagsimula na akong ligpitin ang mga gamit ko at ilagay sa bag ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman yung kinuha at walang pag aalinlangang sinagot ang tawag ng makita kong si Timothy ang caller.

"Good morning! I'll bring ate's car can I pick you up?" Walang pakundangang sabi niya na ikinatanga ko naman.

"Hey, Than are you there?" Muling salita niya na nagpabalik sakin sa aking huwesyo.

"A-ah eh, good morning din Tim! Pwede naman pero di ba nakakahiya pupunta ka pa dito eh pwede namang sa school na tayo magkita?"

I heard him chuckled at the other line before he spoke.

"No it's fine, just let me do this for you! See you in a minute babe!" He said and ended the call without even letting me speak.

I just let it go and went straight to the kitchen were I saw ate and Lola preparing breakfast for us.

"Good morning 'la, ate!" Nakangiting bungad ko sa kanila.

" Good morning tantan, maupo ka na ng makakain na may kukunin lang din ako sandali sa labas lola!" Masiglang Sabi ni ate pabalik habang si Lola ay masayang nakangiti sa akin bago nagtanong.

"Tantan apo ano't ang saya mo yata ngayon?"

"Ah hindi naman po Lola!" Napaiwas ng tingin na sabi ko.

"Nako higit sa lahat ako ang mas nakakakilala sayo apo! Alam kong iba ang saya mo ngayon na sana'y manatili ng ganyan."

"Si Lola talaga masaya naman ako palagi 'la!"

"Tantan may naghahanap sayo sa labas!" Sigaw ni ate na nagmumula sa sala.

"Huh? Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Gwapo eh! Naka kotse!" Sabi nito na nasa pinto na ngayon ng kusina namin.

Nabulunan ako sa sinabi ni Ate at napatayo sa upuan para lumabas at tignan kung tama ba ang hinala ko. Paglabas ko ay bumungad nga sa harap ko si Timothy na nakasandal sa kotseng dala niya. Agad naman akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate.

"Ang tagal mo magreply so I tracked your location na lang! Buti bukas GPS ng phone mo!" Nakangiting sabi niya.

"Abnormal ka talaga ang aga pa kaya! Pumasok ka nga muna!" Sabi ko naman bago siya hilahin papasok sa bahay namin.

"Nathan dito na lang ako!" Sabi niya habang pinipigilan niya ako sa paghila sa kanya.

"Dali na maaga pa sumabay ka muna samin mag almusal." Pamimilit ko pa sa kanya

"No hintayin na kita dito! Nahihiya ako besides I already had my breakfast babe!" Kamot batok na sabi niya.

"No I don't believe you ang aga aga pa oh, 9am first class natin 7:30 pa lang! As if ang layo layo ng university natin!"

"Baka kasi magbago isip ni ate kaya umalis agad ako sa bahay! Tyaka ang ganda ng gising ko ayokong masira sa bahay!" Paliwanag niya bago ko siya tuloyang hilahin papasok ng bahay namin.

"La si Timothy nga po pala kaklase ko!" Sabi ko pagpasok namin sa kusina.

"Magandang umaga sayo iho! Ano't napakagwapo mo naman!" Masiglang bati ni Lola kay Timothy.

"Nako hindi naman po!" Nahihiyang sagot naman ng huli.

"Maupo ka at kumain ka muna dito! Pagpasensiyahan mo na yang apo ko at mabagal talaga kumilos yan! Aalis yan dito ilang minuto na lang bago ang klase kaya madalas nalalate."

"Lola naman eh!" Suway ko kay lola.

"Tama naman kasi sinabi ni Lola!" Gatong pa ni ate na kauupo lang sa hapagkainan.

"Tama ka na ate! Gagatong pa eh!" Inis na sabi ko.

"Madalas nga po yang late sa first class namin, ang daldal din po niya kaya lagi kaming nasisita ng Professor namin! Napaka kulit po parang bata!" Sabi naman ni Timothy na ikinatawa nila Lola.

"Ah ganun sige pumasok ka mag isa!" Iritang sabi ko.

Bagkos na magsalita pa ay tumawa na lamang ito gaya nila ate at lola. Tahimik lang kaming kumain at pagkatapos ay nagpaalam na din kaming papasok dahil nakakahiya naman kay Timothy kung malalate siya dahil lang sakin.

Timothy's POV

Habang nasa byahe ay tahimik lang si Nathan habang nakatingin sa mga nadadaanan namin. Nakakapanibago ang katahimikan niya kaya di na ko nakapagpigil at nagtanong na.

"Tahimik mo naman ata?"

"Ikaw kasi, bakit ganyan ka? Sabi mo mali pero ikaw tong nagbibigay mutibo! Sabi mo ayaw mo! Sabi mo susubukan natin —pero di ko inasahan na ganto pala ang gagawin mo! Mas lalo lang tuloy akong nahuhulog sayo nakakainis ka!" Natawa ako sa dami ng sinabi niya habang nakanguso, his so adorable.

"Ang cute mo!" Sabi ko na hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi.

"Wag mokong pinagtitripan Timothy hindi nakakatuwa!" Inis na sabi niya.

"Sorry na! Pero totoo ang cute mo po! And about sa sinabi mo I don't care if you fell harder, I'm here to catch you anyways!"

"Ewan ko sayo!" Sabi niya sabay irap sakin.

"I like you! At di ko na maitatanggi pa yun! I realized na masaya ako when you're around me! Namimiss kita kahit kakahiwalay pa lang natin! Nathan you're making me insane alam mo ba yon!"

"So what do you mean by that?"

"Let's make this work kahit mali —sumugal tayo!"

Pagkasabi ko nun ay pareho kaming natahimik pinapakiramdaman ang isa't isa habang patuloy lang ako sa pagmamaneho. Hindi ko akalaing masasabi ko agad sa kanya ang mga katagang yun pero wala akong pinagsisisihan dahil handa naman na talaga ako para sumugal sa hindi tugma naming pag iibigan.

Unexpected that this will happen but I guess this is our fate and I will make sure that this will going to work. Walang makakahadlang lalo na at pareho kami ng nararamdaman.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon