17

142 4 1
                                    

                                  𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

Ngayon ay andito ako sa cafeteria at kumakain. Kanina lamang ang inanounce na ang mangyayari laban sa pagitan namin Avon. Well maraming na excite pero may mga natawa rin cause why would I fight Avon eh sure naman na I'll gonna lose.

"Hey can we sit?" napatingin naman ako sa nagsalita..si Samantha lang pala at ang royalties kasama si Kiddo, Celine, Glocelia at Gin.

"Sure hindi naman sa 'kin ang table at upuan na 'to." natawa naman sila sa sinabi ko.

Anong nakakatawa? Akala na nila nagbibiro ako?

"Oo nga naman." sabi ni Venice.

Nang makaupo sila ay nagsimula na rin silang kumain alangan namang maglaro 'di ba.

"We heard that you'll gonna fight Avon?" pagbasag sa tahimik ni Vleen.

"Yeah masyado kasi s'yang pikon kaya ayon hinamon ako." natawa naman sila sa sinabi ko.

"Are you ready to figth her?" seryosong tanong ni Ashklein.

Napaisip naman ako....

"Of course yes, its fun to fight Avon." nakangisi namang sagot.

Tumingin naman silang lahat sa 'kin na para bang nasisiraan ako.

"But you should know that Avon is one of the strong student here in Academy." seryosong sabi naman ni Black.

Strong? Are they kidding me? Cause it's not funny.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi n'ya kaya naman nanahimik na kaming lahat. Ilang saglit lang ay tumayo si Glocelia at Gin. Si Gin ay umalis na agad na hindi man lang nagpapaalam.

"May pupuntahan lamang po ako." magalang na sabi ni Glocelia.

Pagkaalis n'ya ay tumayo na rin ako para umalis.

"I'll go to my class now, bye."

                                 𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Habang naglalakad ang isang dalaga ay naramdaman n'yang may sumusunod sa kan'ya lilingon na sana s'ya sa likod n'ya nang bigla na lang nawala ang presens'ya ng tao kaya inisip n'ya na baka guni guni lamang n'ya yon.

Habang ang tao namang sumusunod sa kan'ya ay napangisi at......

"Book." bigkas nito at kaya naman lumabas ang book collection n'ya.

Mayroon namang s'ya kinuhang card sa book collection n'ya.

"Memory Information." bigkas ni 'to at hinagis n'ya ito sa dalagang sinusundan n'ya.

Ilang segundo lang ay tumalab na ang power ng card sa dalaga kasabay nun ang paghinto ng dalaga.

Ang tao namang sumusunod ay pinapanood ang mga alaala ng dalaga. Ilang saglit lang ay nakuntento s'ya sa information na nakalap n'ya kaya naglakad na s'ya paalis.

Ang dalaga naman ay nagtaka kung anong nangyari at bakit naroon parin s'ya nakatayo.

                                   𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

Here I am sitting to my chair waiting for the teacher.

Akala ko nga late na ako kanina buti na lang ay hindi, yong taong yon ang lakas ng loob para sundan ako eh wala namang kwenta yong ginawa n'ya.

Ilang saglit lang ay dumating na ang guro.

"Ngayon ay may ikwekwento ako sa in'yo at balang araw ay makakatulong ito sa in'yo." bungad nito sa 'min.

"Nais ko ikwento sa in'yo ang kasaysayan ng 21 na collectors." dahil sa sinabi n'ya ay nagkainteres ako.

"Siguro'y nagtataka kayo kung bakit 21 kung maari namang 20 na lang." napatango naman silang lahat pati na rin ako.

Ano yon? May pasobra kasi espesyal sila? HAHA

"Sa katunuyan 20 lamang sila ngunit isang araw ay may bigla na lang lumitaw na isang babae at ibang iba s'ya sa lahat."

"Paanong iba?"  tanong ng iba.

"Ibang iba s'ya dahil isa s'yang misteryoso, hindi s'ya nagtitiwala  ngunit nang makilala n'ya ang 20 na collectors na 'to ay napalapit s'ya sa kanila. Ang 20 na ito natuklasan na malakas, maparaan, matalino at  magaling sa paggamit ng mga cards ang dalaga kaya nakapag desisyon sila na isali s'ya sa grupo nila na pinangalanang Hands of God." halata naman sa 'min ng gulat.

Ibig sabihin sila ang unang naging kamay o member ng Hands of God.

"Tama kayo ang Hands of God ang guild ang binuo nila at ang 20 na tinutukot ko ay ang mga hari at reyna ng bawat palasyo. Siguro'y iniisip niyo na si haring Ezekiel ang naging leader ng Hands of God ngunit nagkakamali kayo." sabi nito.

Sino ba si Haring Ezekiel? Hayss.

"Then who?" tanong nila.

"Walang iba kung 'di ang babae na si Valentiana. Sino nga ba s'ya? Siya ang dalagang tinutukoy ko. Ginalang, hinangahan at kinatakutan ng lahat ng estudyante ang Hands of God dahil sa kan'ya. Kahit ang ibang guild leader ay walang magawa." seryosing sabi nito.

"Maraming nagkagusto kay Valentiana dahil kahit na kinakatakutan at hinahangahan s'ya ng lahat hindi siya naging mapagmataas. Sa laht ng sumubok na ligawan s'ya walang nakakuha sa pag ibig n'ya. Ngunit bigla na lang nawala si Valentiana at walang nakaalam kung saan s'ya pumunta o babalik paba s'ya." pagpapatuloy nito.

"Nang mawala si Valentiana ang pumalit sa pwesto niya ay si King Ezekiel. Ngunit makalipas lamang ng isang taon ay bumalik Valentiana at may kasama s'yang isang sanggol at sabi n'ya ito'y kan'yang anak at yon daw ang dahilan kung bakit s'ya umalis."

"Sino po yong ama?" tanong ko naman.

Napatingin naman ito sa 'kin.

"Wala s'yang sinabi ngunit ang sabi nila ay isa sa mga hari ngayon." sagot nito. "Nanatili si Valentiana rito ngunit may nangyaring hindi inaasahan ng lahat. Sinalakay ang Academy at ang mga palasyo. Sumamang lumaban si Valentiana ngunit nasawi s'ya at kasabay nun ang pagkatalo ng mga sumalakay."

Kung nasawi s'ya, anong nangyari sa bata?

"At ang kan'yang anak ay bigla na lang nawala. Nang masawi si Valentiana nakapagdesisyon sila na amponin ang anak n'ya ngunit gaya ng sabi ko nawala na lang bigla ang kan'yang anak at hanggang ngayon hinahanap s'ya."

"Bakit hinahanap parin nila ang bata? Maari namang kalimutan na lang s'ya." sabi naman ni Avon.

Napailing naman si Ms. Istry.

"Dahil ilang buwan lamang nang masawi si Valentiana ay nalaman ng lahat na anak pala s'ya ng isa sa prinsepe na ngayon ay isa ng hari."

"Sino pong hari?" sabay sabay na tanong nila.

"Hindi nila sinabi kung sino." sagot nito. "Ngunit kaya ko 'to kwinento sa in'yo dahil alam n'yo naman na ngayon taon pipili ang mga king and queens na 21 collectors lalaban sa Collectors War. Ano nga ba ang Collectors War? Ito ay isang competition sa bawat Academy at sa ngayon tayo ang nangunguna."

Paano naman sila pipili? At required bang 21 dapat.

"At ang paraan nila sa pagpili ay malalaman n'yo rin."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon