SPECIAL CHAPTER 04

38 1 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 04

✨VIVIAN ALISHA POV✨

Grabe naman ang libro na 'yon hindi man lang tinignan kung saan kami ibabagsak.

⚡FLASHBACK⚡

Ngayon ang alis namin ngunit may nais akong mangyari bago kami umalis.

"Kiddo you can stay here and be with her." wika ko at nakita ko namang nagtaka si Kadaren.

"Bakit naman siya mananatili rito?" tanong nito kaya ngumiti ako.

"Kadaren, this is Kiddo, your son." nakita ko naman kung paano ito nagulat.

"My son?" lumapit ito at hinawakan ang mukha nito.

Nagtinginan naman kami ni Celine at agad na naglakad palayo para bigyan sila ng moments.

Nakatingin kami sa kanila at nakita naming nag-iiyakan sila, lumingon silang pareho sa amin at tumango naman si Kadaren sa kaniya.

Tumakbo si Kiddo sa amin at alam ko na kung ano ang desisyon niya.

Nagyakapan naman ang dalawa at sumama naman ako sa kanila.

"Bakit ka sasama? Ayaw mo bang makasama siya?" tanong ko rito.

"Gusto ko, pero sabi niya babalik na siya saundo natin. At gusto kong mapabilis ang misyon natin dahil may naghihintay sakin." napangiti naman ako.

"Mabilis lang talaga, Kiddo, mga limang araw lang siguro ay tapos na ito." natatawang wika ko.

"Pero magkaiba ang oras dito at sa mundo natin prinsesa." nagulat naman ako dahil hindi ko 'yon alam.

"Saan pala ang susunod nating pupuntahan, prinsesa?" nilabas ko naman ang libro.

"Book." napatingin naman sila rito hindi gaya ng mga collectors book namin na purong itim  at may gold and violet na linings.

"I think the book know where are the next book." sinabi kong humawak sila sa akin at agad ko namang binuklat ang libro at bigla ko na lang naramdaman na nahuhulog na kami."

⚡FLASHBACK END⚡

Tumayo naman ako at inalis ang nga dahon na nasa damit ko at mga sanga na nasa buhok ko.

Inikot ko naman ang tingin ko at hinahanap si Celine at Kiddo pero ang napansin ko ay isang puno na napapalibutan ng mga alitaptap. Lumiliwanag ang puno at kakaiba rin ang liwanag ng mga alitaptap.

"Princess." nagulat naman ako ng may humawak sa magkabilaan kong balikat.

"Celinw, Kiddo, bakit ba kayo nang gugulat?!" bulong na sigaw ko.

"Pasensya na, princess." tumabi sila sa akin at tiningan din ang puno na puno ng mga alitaptap.

Namangha naman ako ng bigla lumipad ang mga ito patungo sa akin bumuo ng isang linya na patungo sa puno at nahati sa dalawang linya ito. Tila sinasabi nilang dumaan kami sa gitna.

Agad na naglakad ako patungo sa puno at nang naroon ako ay biglang may lumabas sa likod ng puno na isang fairy na medyo mas malaki sa mga alitaptap.

"Narito kayo para sa libro ng gamot." napatango naman ako. "Kung nais mong makuha ang libro ay kailangan mong sagutin ang aking tatlong palaisipan."

Nakita kong sumenyas siya sa aking likod kaya lumingon ako at nagulat ako ng napapalibutan na ng mga alitaptap si Kiddo at Celine.

"Ikaw lang ang maaaring sumagot dahil ikaw ang susunod na hahawak nito." napabuntong hininga naman ako. "Magsimula ma tayo."

"Siya ay umibig sa diyosa ng lahat, siya ay diyos ng kadiliman ngunit unti-unti siyang napupunta sa liwanag dahil sa diyosang iniibig ngunit ang liwanag ay unti-unti nawawala hanggang ito'y naglaho na sa mundong kinabibilangan nila. Ginawa niya ang apat na libro para siya'y ibalik at buyahin muli, nilibot niya ang mundo para ito'y maging kumpleto at siya'y nagtagumpay nabuhay ang diyosa at nagkaroon ng mga supling ngunit di niya inakala na ang liwanag na minahal niya ay ang papatay sa kaniya." is she pertaining to demon god? "Ngayon nais kong malaman, anong ngalan ko?"

I know that it's the demon god but grandma never told me what his name, hays.

Magsasalita na sana ako ng bigla itong ngumiti. "Bibigyan kita ng kaalaman paramasagot mo ito. At kung iniisip mo na kung bibigyan kita ng kaalaman ay bakit di ko na lamang ibigay ang libro yon ay dahil hindi ito lalabas sa puno kung hindi mo ito masasagot."

"Ako si liwanag, ang nagiging bantay ng tao sa gitna ng kadiliman sa kanilang kapaligiran." nagulat naman ako sa sinabi nito at agad naman ako ngumisi.

"Muntik mo na akong maloko, diwata, inihayag mo ang kuwento ng diyos ng kadiliman at tinanong mo sa akin 'anong ngalan ko?'. Ngunit ngayon ko na kung ano ang palaisipan, hindi ang pangalan ng nasa kuwento mo ang tinatanong mo dahil abg tunay ay ang pangalan mo ang tinatanong mo." ngumiti lamang ito na tila hinihintay ang aking sagot. "Ikaw, ikaw si Liwanag, ang diwatang sinumpa ng diyos ng kadiliman para bantayan ang libro ng mga diwata o  tinatawag na libro ng gamot."

Ngumiti ito, napatingin naman ako sa puno ng bumuka ang ng bahagya ang puno at may sumisilip rito ang munting liwanag.

"Ang sunod, ako'y liwanag na nagmula sa buwan, bumaba mula rito at hinanap ang ginoong iibigin ko ngunit trahedya'y dumating at siya ay nabuo. Sino ako?" I can't..

"Ang, ang...ang aking ina, si dyosa Valentiana." mahinang sagot ko.

"Ito na ang panghuli, siya ay pinanganak para pamunuhan ang lahat, hahawak ng pinakakaibang kapangyarihan na magtatapos ng kasamaan, siya man ay hindi nabuo dahil sa pagmamahalan siya naman ay nabuo sa pamamagitan ng katapatan at sa pagmamahal sa mundong sinilangan. Sino siya?"

Kung kanina ay hindi ako sigurado sa mga sagot ko ngayon ay taas noo ko siyang hinarap at sa labi ko ay siguradong may nabubuong ngisi.

"Siya si Vivian Alisha Quin at siya ay ako." nagulat naman ako ng lumiwanag ng sobra ang puno nasa likod niya.

Nang naglaho ang liwanag ay nakita ko ang librong lumulutang, gaya ng Book of Potion ay purong itim ito at may gold na linings pero ang isa pa nitong mga lining ay kulay berde.

"Lumabas na ito, nagtagumpay kang tawagin ito." lumingon naman ako sa kaniya at ito ay nakangiti. "Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na ito para makapunta kana sa susunod na libro, bilisan mo sapagkat naghihintay sayo."

Nagtaka man ako sa huli niyang sinabi ay hindi ko na lamang ito tinanong. Nilapitan ko ang libro ay binuksan ko ang palad ko at agad itong tumungo roon at bigla na lang naglaho.

Tila naman nahilo ako ng maramdaman ko na nadagdagan ang enerhiya na nasa katawan ko.

"Salamat, Liwanag, aalis na kami." ngumiti ito at kumaway sa amin.

Pinalabas ko ang libro na kakakuha ko lang at naramdaman ko ang paghanga ng dalawa. Humawak naman sila sa akin at agad ko naman itong binuklat.

Bago pa man ako hilahin pababa ng anong enerhiya ay narinig ko ang sinabi ng diwatang si Liwanag.

"Bilisan mo, prinsesa, siya ay maghihintay na sa iyong pagbabalik."




𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon