66

63 1 0
                                    

🍃VIVIAN ALISHA POV🍃

"Mahal kita, Anas....MAHAL NA PRINSESA, GUMISING KAYO!"

Napabangon Naman ako dahil sa sigaw ng bungangerang si Celine. Minulat ko naman ang dalawa kong mata at sinamaan ng tingin si Celine at Kiddo, halata sa kanila ang pag-aalala at pagka-aligaga pero hindi ko ito pinansin.

"WTH, CELINE, KIDDO! ALAM NIYO BANG NAPUTOL NIYO 'YONG PAGTULOG KO." nagtinginan naman sila at biglang sumilip si Kiddo sa bintana ng makarinig ng pagsabog.

Sumunod naman si Celine, umismid Naman ako dahil hindi nila sinagot ang tanong ko. Bumangon na Lang ako at sumunod na tumingin sa bintana.

Natulak ko naman sila ng makita ko ang mga nakaitim na nasa harap ng ahensya.

"Anong nangyayari, Kiddo? Celine?" tanong ko at nanatili ang tingin sa labas ng bintana.

"Dumating ang mga taga-Dark City, Vivian." wika ni Celine.

"At ano naman ang pakay nila?"

"Nalaman nilang nanatili rito sa ahensya ang nakakuha at ang may hawak ng mga Collectors Book." sagoy ni Kiddo.

Lumingon naman ako sa kanila at nagsimula na akong maglakad palabas sa building  namin, sumunod naman silang dalawa.

Habang naglalakad kami ay pumitik ako sa ere at naramdaman ko na nagbago na ang kasuotan ko.

"Alam ba nila kung sino ang nakakuha at ang may hawak ng mga Collectors Book?" wika ko habang tinatali ang buhok ko.

"Hindi." sabay na sagot nila.

Ngumisi naman ako ng makita ko na ang labas Ng akademya at kung nasaan sila.

"Kung ganun, pumunta sila rito na walang hawak." kaya ayaw kong maniwala na uncle ko ang pinuno Ng mga taga-Dark City...matalimo naman si ama pero si King Edmund hindi ko lang alam.

🍃TIFFANY POV🍃

"Anong ginagawa mo rito, Edmund?" bungad ni King Aslan sa kaniyang kakambal.

"Alam niyo kung bakit ako narito, Aslan." nakangising sabi nito. "At kung ayaw niyong maraming mawalan ng buhay ay ibigay nio na sa akin ang mga Collectors Books." sagot ni King Edmund.

"At aanhin mo ang mga Collectors Book?" tanong muli ni King Aslan. "Bubuhayin ang anak mo?"

Nakita naman namin kung pano nandilim ang mukha ni King Edmund.

"Buti naalala mo pa ang anak kong pinatay mo!" pagkatapos nito magsalita ay nakarinig naman kami ng tawa na nagmumula sa building ng ahensya.

"Onyghad, may drama ba rito?" tanong nito habang tumatawa.

Vivian Alisha. Narito na siya.

Agad na nabalik naman ang tingin namin sa mga taga-Dark City lalo na kay King Edmund ng marinig naming nagmura ito.

"Buhay ka pa pala!" galit na sigaw nito.

"Ahh oo, naman haha. Namatay ba ako?" nakangising sagot naman Vivian na nasa tabi na ng kaniyang ama. "Ang narinig ko ang pinsan ko ang namatay HAHAHA."

Kahit nahalata ko sa mukha ni Vivian ang pagkalito ay nabilib ako dahil tila nais niya talagang maasar ang kaniyang uncle.

"TUMIGIL KA!" tila nasagad na talaga ang pasensya nito. "IHARAP NIYO NA SA AKIN ANG TAONG HINAHANAP KO."

Sisingit na sana ako at alam Kong pati na rin ang iba ngunit tila nahinto ang balak namin Ng marinig namin ang tawa muli ni Vivian, ang tawa niya ngayon ay tunay na natutuwa at hindi ko alam kung bakit.

"Nasa harap mo na ang hinahanap mo, Uncle." nakangising wika nito nang huminto ito kakatawa.

Nanlaki naman ang mata ng hari. "Kung ganoon ibigay mo na ang mga libro."

Tumawa naman ulit ang pamangkin nito, siguro kung hindi ko siya kilala, iisipin kong nababaliw na siya.

"Pinaghirapan kong kunin ang mga iyon, marami akong mga naharap na mahihirap na sitwasyon tapos ibibigay ko lang sayo." seryosong wika bigla nito...bipolar. "Pero pwede ko namang ibigay, ang kaso hindi mo naman kaarawan para ika'y aking regalohan."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa mga sinasabi ni Vivian.

"HINDI AKO PUMUNTA RITO PARA MAKIPAGBIRUAN SAYO, BATA! KUNG AYAW NIYONG IBIGAY ANG MGA LIBRO AY MAPIPILITAN KAMING PASLANGIN KAYONG LAHAT NGAYON!" tumawa naman ng malakas si Vivian at take note hindi lang siya kun'di pati na rin ang kaniyang ama.

"Sa palagay mo, Edmund, hindi namin pinaghandaan ang pagdating mo? Matagal na kaming nakahandang harapin ka." wika naman ni King Aslan...mag-ama nga sila.

"Nakahanda kami, Uncle, so bring it on dahil hindi matatapos ang araw na 'to na hindi kayo natatalo." walang emosyon na wika ni Vivian.

Sabay-sabay naman naming nilabas ang mga sandata namin pagkatapos dugtungan ni Vivian ang sinabi niya.

"Oras na para tapusin ito."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now