68(PART TWO)

60 3 0
                                    

🍂VENICE POV🍂

"Show me what you got, lil bro?" tanong ko kay Vleen.

Ngumisi naman ito at agad na dumalo sa mga kakarating na sugatang agents.

Naglabas ito ng card at hinagis sa ere.

"Healing Dust." napangiti naman ako sa ginawa nito.

Nang tignan ko ang mga pasyente ay unti-unti ng nawawala ang mga sugat nila at nagkakamalay na rin sila.

Lumapit Naman ako sa kanila at binigyan sila ng Strength pill, ang iba ay tinanggap ang mga pill at bumalik muli sa digmaan habang ang iba ay piniling magbantay at tumulong dito.

BLAGGGG

Napalingon naman agad ako sa pintuan na biglang bumukas. Naglabas ako Ng katana dahil akala ko ay may nakapasok na mga kalaban ngunit naibaba ko agad Ito ng makita kong si Penolope ito habang nakasakay sa isang maliit na halimaw.

"VENICE! VLEEN! Tulungan niyo ako, sugatan si King Aslan at ang aking ina." natatarantang sabi nito.

Agad namang lumapit si Vleen at binuhat si Valentiana at binalikan si King Aslan.

Pinagtabi ni Vleen ang dalawa. Tumungo siya kay King Aslan at sabay naming tinignan ang kanilang kalagayan.

Nilagay namin ang dalawa naming palad sa kanilang sugat. Ilang saglit lang ay umangat ang tingin ko sa aking kapatid at nagkatinginan kami.

"Ano? Bakit hindi kayo nagsasalita? Gamutin niyo na sila." naiinis na sabi ni Penelope.

Sabay kaming tumayo, hinarap ko si Penelope habang si Vleen ay pumunta sa mga potion at gamot na hinanda namin.

"Penelope, nalason sila." lumaki naman ang mata nito.

"Pero magagamot niyo naman sila di ba?" pilit naman akong ngumiti at tumango.

Nakahinga naman ito ng maluwag at biglang tumakbo palabas, siguro ay babalik na ito sa digmaan. Nais ko sanang sabihin na hindi kami sigurado kung kailan sila magigising kung sakaling magamot nga namin sila.

Agad na nakabalik si Vleen at may bitbit itong dalawang botilya na may lamangvv mo gintong tubig. Nanlaki naman ang tingin ko at tinignan siya.

"Alam mong delikadong gamitin ito." sabi ko sa kaniya.

"Alam ko, Venice, pero ito lang ang makakagamot sa kanila." napabuntong hininga naman ako at inabot ang isang botilya.

Nang mahawakan ko ito ay dahan-dahan ko itong binuhos sa mga sugat ni Valentiana. Nang tapos ko na itong ibuhos tinignan ko naman si Vleen at ganoon din ang ginawa niya gaya sakin.

Unti-unti namang nawawala ang mga sugat nila habang ang saksak nila sa kanilang tiyan ay unti-unti na ring nagsasara.

🍂CHOLO POV🍂

"BOMB." bulong ko sabay hagis ng card.

Agad kong binato ang mga bomba sa mga sumusugod sa akin.

TSING TSING

Napaangat naman agad ang tingin ko sa langit ng makarinig ako kalinsing ng espada sa tapat ko.

Nakita ko naman doon na nakikipaglaban si Saffira habang nakatayong nakasakay sa kaniyang walis haha.

Ilang saglit lang ay bumagsak ang kalaban niya, lumingon ito sakin at nagyabang.

"Ang galing ko di ba." tumawa ito pagkatapos niyang sabihin 'yon.

A witch is always a witch tsk tsk.

"Mas magaling pa rin ako." Sabi ko rito at nagbato ng bomba patungo sa kaniya...pero agad naman niyang naiwasan yon kaya ang natamaan ay ang dem*nyo na susugod sana sa kaniya.

Nahalata ko namang nagulat ito, masama niya akong tinignan pero nginisian ko Lang siya. Yayabangan ko Sana ito ng makarinig ako ng sigaw at siguradong narinig niya rin 'yon.

"THOUSANDS OF DEMON SOUL!!"

🍂MICHAELLA POV🍂

Magkadikit ang likod namin ni Michael habang nakikipaglaban.

Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila, pinagaan ko naman ang sarili ko para lumututang at agad ko namang sinipa ang mga dem*nyo na nakapaligid sa amin.

Agad naman kaming bumalik sa harap ng building ng ahensya. Kami ang nakaassign na magbantay rito.

Sabay kaming naglabas ng card ni Michael at sabay rin naming hinagis ito.

"BARRIER!" napalingon naman agad kami sa babaeng paparating na nakasakay sa isang maliit na halimaw.

Habang palapit ito ng palapit namukhaan naming si Penelope pala ito. Nagulat kami Ng Makita namin ang sakay nito ay si King Aslan at Valentiana.

"WTH!"

🍂STORM POV🍂

Nagtinginan kaming magkakapatid at tumango, naghawak kamay kaming tatlo at sabay sabay rin kaming umangat sa ere. Umikot-ikot kami at nang makuntento kami sa taas ay huminto kami.

Sabay sabay kaming naglabas ng card at hinagis ito.

"POISON NEEDLES." wika ni Rain.

"MONSTER SWORD." seryosong sabi ko.

"ICE BLADES." malumanay naman na sabi ni Snow.

Sabay-sabay na bumulusok pababa ang mga sinabi namin, habang ang espada ko ay dumami.

Naglikha ng isang malakas na pagsabog ang ginawa naming tira at nakita na lang naming maraming napatay na dem*nyo dahil dito.

Nagtinginan naman kaming magkakapatid at nag-apiran. Agad naman kaming bumaba ng marinig ang sigaw si Vivian.

"THOUSANDS OF DEMON SOUL!!"

🍂SAMANTHA POV🍂

Sabay kaming nagtransform ni kuya Samuel bilang isang lobo. Nagtinginan kami at tumango sa isa't isa. Sabay kaming tumalon at agad kaming napaikot ng mabilis sa ere gaya ng isang tornado at lahat ng nadadaanan namin ay namamatay.

Nang huminto ay nabalik kami sa dati naming form at nag-apiran agad kami. Pagkatransform namin ay nagkaroon agad kami ng damit kaya Hindi na kami nag alala.

Agad naman kaming napatingin ni kuya Samuel sa isang sigaw at nakita namin roon si Vivian na bumubulusok pababa.

"THOUSANDS OF DEMON SOUL!!"

🍂KATHLEYA POV🍂

"Handa na ba kayo?" tanong ko kay Lexie at Trexie.

"Well pinanganak kami na handa." sagot ni Lexie.

"At lagi Naman kaming handa." tumatawang sabi ni Trexie.

Tumatango tango naman ako habang nakikipaglaban sa mga dem*nyo.

"Then be ready." pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad kaming umupo ng malayo sa isa't isa na bumubuo ng tatsulok na hugis.

Pumikit ako at tinaas ang dalawang kamay ko.

"LIGHT OF HEAVEN!" sabay-sabay na sigaw namin.

Ang nakataas Kong kamay ay unti-unti kong binababa sa aking gilid.

Naririnig ko ang sigawan at ang mga pagsabog ngunit hindi ko minulat ang aking mga mata.

Nang Wala na akong marinig na pagsabog ay dahan-dahan Kong minulat ang Mata ko. Nagtinginan kaming tatlo at sabay-sabay kaming tumayo. Napatingin naman kami sa gitna ng lupain, wala na ang mga dem*nyo at ang mga kasama namin ay unti-unting gumagaling ang mga sugat.

Napunta naman ang tingin ko sa dalawang lalaking nakatayo sa gitna habang may babaeng pabulusok na bumababa. Ang aking apo, sige aking apo tapusin mo na ang kaguluhang ito.

Oo, nawala ang mga dem*nyo ngunit hindi nawala si Edmund dahil siya ay aking pamangkin at iisang dugo lang ang dumadaloy samin.

Napangiti naman ako at naramdaman kong tumabi sa akin ang dalawa at inakbayan ako at sabay naming pinagmasdan ang mangyayari.

"THOUSANDS OF DEMON SOUL!!"

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now