58

68 3 0
                                    

                    𝘚𝘈𝘔𝘈𝘕𝘛𝘏𝘈 𝘗𝘖𝘝

Sa dalawang araw na wala ang iba lalo na ang kapatid ko ay napakaboring na araw. Buti na lang ay ngayon ang balik nila. Habang wala naman sila ay maayos ang akademya, ang ginawa lang naman namin ay sanayin ang mga estudyante sa umaga at mag patrol sa gabi hayss.

Ngayon ay nakatayo kami rito sa gate ng akademya upang salubungin sila, lahat ng estudyante, guro at pati na rin ang mga maharlika ay narito.

"Sa palagay niyo ay nagtagumpay sila sa mga misyon nila?" biglang tanong ni Snow.

"Don't asked that. You should ask kung ligtas at maayos ba sila." mataray namang singit ni Celine.

Sabay na binatukan naman sila ni Michael at Michaela.

"Shut up you both, kung ano-ano ang sinasabi niyo." sabay namang umirap ang dalawa kaya naman napailing ako.

Sa dalawang araq na magkakasama kami ay naging mas malapit kami. Natahimik naman ang lahat ng may lumitaw na portal.

Ilang saglit lang ay niluwa nito si Tiffany na may bitbit na bata. Sumunod ang kapatid kong si Samuel na nay buhat ring bata hanggang sa sunod-sunod na sila. May kasama silang limang bata.

"Who are they, Team Three?" seryosong tanong ni HM.

"Sila ang misyon namin, HM." seryosong sagot rin ni Tiffany.

"Pero mga bata lang sila." singit ko naman.

Kamot ulo namang nilapag ni kuya ang batang buhat-buhat niya.

"Napalabas na nila ng collectors book at ang kanilang kapangyarihan, Hm." halata sa boses ni Tiffany ang pagod kaya naman tumango na lang si HM.

Panong hindi tatango si HM, kung sabay-sabay na lumabas ang mga collectors book sa harap nila habang ang dalawang kamay nila ay may lumulutang na katana, sword, needles, chains and gun.

Ilang saglit lang din ay may lumitaw ulit na portal. Lumabas rito sila Troy at ang huling lumabas ay isang napakagandang anak. I don't know pero parang may kamukha siya, nang magtabi sila ni Penolope ay tila nagulat ako dahil may hawig sila.

"Valentiana!" natutuwang wika ni HM.

So she's the goddess of the moon, ngumiti naman ito at niyakap si HM. Nagtaka ako dahil nang napatingin ito sa mga hari't reyna ay nag-iwas ito ng tingin.

Babatiin na sana namin sila ng biglang may bumukas ulit na portal, ang iba ay natuwa dahil alam nilang sila Ashklein na ito pero hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at kaba.

Ang inaasahan naming seryoso at ligtas na Ashklein William ay kabaliktaran ang nakikita namin ngayon. Napatakbo agad kami sa nanghihinang si Ashklein.

"Ash!" nag-aalang sigaw ni kuya Samuel.

"Anak!" sigaw ni Queen Kiera.

"Klein!"

"Leader!"

Iba't ibang tawag namin rito hanggang sa sumigaw ang ama nito na halata anh pag-aalala.

"Lead him to clinic!" sigaw ni King Ezekiel.

Tulala pa rin ang ilan kaya naman hindi agad sila nakakilos kaya naman agad na binuhat ni Tito Eze ito halata ritong nabibigatan ito.

Lalapit na sana ako upang tumulong ng tumakbong lumapit si kuya Samuel at Vleen para tulungan si tito. Tatakbo sana sila ng itaas ni Ash ang kamay niya.

"Help her."

𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Tinakbo ang binatang prinsepe sa clinic at agad naman itong inasikaso ng mga healers. Sa ilang oras na pagtingin rito ay lumabas ang mga healers.

Napatayo naman ang mga taong naghihintay sa labas ng clinic.

"We can't heal him." agad na anunsyo ng head ng healers.

"What? Do you know that guy!? He's the heir of William Clan so do everything to heal him!" galit na sigaw ni King Ezekiel na ama ni Ashklein.

Umiling naman rito ng head ng healers habang ang mga iba pang healers ay tahimik lamang. Tumayo naman si Queen Vanessa na ina ni Venice at Vleen.

"Let me check him, Ezekiel, Kiera." bago pa man sumagot ang mga ito ay agad ng pumasok ang reyna.

Ilang saglit lang ay lumabas ito.

"It's a poison, Ezekiel, Kiera." seryosong wika nito na ikinagulantag ng lahat. "And that is a dem*n blood we can't heal that. We are a white fairies not a black fairies."

"Bakit siya nalason? Ano ba ang misyon niya?" singit na tanong ni Valentiana.

Napatingin naman silang lahat sa kaniya at bumuntong hininga.

"Sa Dark City ang misyon nila." para namang natuod ang dyosa. "At may kasama siya nakakapagtakang hindi nito kasama."

"Sino ang kasama niya?"

"Si Anastasia Aphrody, Valentiana." tila naman nabingi ang dyosa dahil sa binanggit na pangalan ng HM.

Nagulat ang lahat ng bigla itong sumalampak sa sahig, agad na inalalayan ni Black at Gray.

"Dark City." mahina ngunit rinig ng lahat ang sinabi nito.

Tatanungin sana nila ito ng bigla itong pumikit. Tila naalerto naman ang lahat ng naroon ng maramdaman ang presensya ng isang dem*nyo.

"Anong kailangan mo sa'kin, Valentiana?" nanlamig naman sila ng marinig ng boses ng lalaking bigla na lamang sumulpot sa harap ni Valentiana.

Nakatutok pa rin ang mga sandata nila sa kaniya pero tila wala itong pakiilam sa kanila.

"Nais mo ng malaman kung na saan ang ating anak hindi ba?" tila napapaos na tanong nito.

Sumagot naman ng 'oo'.

Nagulat sila ng biglang hinila ng babae ng lalaki papasok sa kwartong kinalalagyan ng prinsepeng binata.

"Gamutin mo siya, he got poison by a dem*n blood." natatarantang sabi nito

Tinignan naman ito ng lalaki at ilng saglit lang ay binalik nito ang tibgin kay Valentiana. Binabalewala pa rin nito ang mga sandatang nakatutok sa kaniya.

"Why would I?" malamig na tanong nito.

Pero agad nilang naibaba ang mga sandata nila sa sunod na sinambit nimg dyosa. Habang ang mga kaibigan ng prinsepe ay tila bigla na lang nabingi dahil din sa sunid na sinabi ng babae.

"Dahil kasama niya si Anastasia na tumungo sa Dark City."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now