11

165 6 2
                                    

                                  𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

Habang naglalakad ako ay tinignan ko ang imbitasyon na binigay sa 'kin ng babae kanina at napangisi ako. Sinong mag aakala na iimbitahan niya ako.

Nang malapit na ako sa dorm namin natanaw kong may babaeng nakatayo sa harap ng pintuan.

"Who are you?" tanong ko ng makalapit ako rito.

"Hindi na importante kung sino ako." pamisteryoso? "Pumunta ako rito para ibigay sayo ang mapa ng Academy para alam mo kung nasaan ang kinaroroonan ng mga guilds."

May inabot naman s'yang papel sakin naka-rolyo. Nag tignan ko ay mapa nga ito. Base sa binigay niya ay siguradong parte siya ng Academy.

"And if you want I can tour you here in Academy." sabi nito.

Tumingin ako rito at ngumiti.

"Hindi na kailangan, I can manage my self." I said kaya naman tumango siya.

"Ganun ba? Bukas ay magsisimula na ang klase mo Ms. Anastasia. Good luck." pagkasabi nito ay naglaho na lang siya bigla na parang bang multo, kiddin'.

                               𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Nang mawala ang babae ay pumasok na si Anastasia at tumungo na sa kwarto niya.

Nang nasa kwarto na siya ay nilagay niya sa mesa ang mapa na binigay ng babae at umupo siya sa kama,  kukunin na sana niya ang imbitasyon na binigay ng babae kanina sa gymnasium ng maramdaman niyang dalawang papel ang nasa bulsa ng coat niya.

Nilabas niya itong pareho at nang makita niyang imbitasyon  din ito ay napatayo siya dahil magka- parehong ng kulay ang imbitasyon na binigay ng babae kanina. Pero nang tignan niya kung kanino galing ito ay tuluyan na siyang nagulat.

Napangisi si Anastasia nang makabawi siya sa pagkagulat.

                                  𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

Nung umulan ata ng kswertehan ay nasalo ko lahat. Hindi ko akalain na iimbitahin ako ng dalawang ito. Kung ganun hindi na ako mahihirapan makapasok sa guild na 'to, hmm.

Nang marinig ko ang pangalan ng guild na yon kay Magda at Xyra nagka- interes na ako agad ako rito.

                                      𝘟𝘠𝘙𝘈 𝘗𝘖𝘝

Hayss nakakapagod talaga mag aral buti na lang at tapos na ang klase.

Habang naglalakad kami papunta sa dorm namin ay napaisip ako kung ano ang guild na sasalihan ni Anastasia. Sana sa Moonlight para mag kasama kaming tatlo.

"Kung imbitahin kaya natin si Ana, Magda?" tanong ko kay Magda.

"Imbitahin? Saan?" minsan talaga may pagka- slow ang babaeng ito.

"Ang slow mo talaga minsan, s'yempre sa guild. Imbitahin para maging member ng Moonlight." sabi ko rito.

"Bakit naman?" napanguso naman ako sa tanong nito.

"Napanood mo naman kung pano siya lumaban noong entramce exam diba? Malakas at magaling siya kung sa ibang guild siya sasali siguradong ang swerte ng guild na yon." sabi ko rito. "Lalo na't General Book ang hawak niya at may apat s'yang kakayahan."

Paliwanag ko, napahinto naman ito kaya naman huminto rin ako.

"Hindi pa natin siya lubusang kilala, Xyra. Oo mabait siya sa 'tin pero hindi mo ba naisip na sa lakas at galing niya maaring mapahamak siya o may masaktan siya." napaseryoso naman ako sa sinabi niya.

"I can control my self, kung hindi ko kontrolado ang sarili ko sana nilamon na ako kapangyariha ko at napatay ko ang nakalaban ko noong entrance exam." nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang malamig na boses ni Anastasia.

Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses at nakita kong nasa tapat na pala kami ng dorm. Napaatras naman ako ng maramdaman ko ang awra ni Anastasia. Napatingin naman ako kay Magda kahit na natatakot na ako.

Napansin ko rin kung paano siya manigas sa kinatatayuan din niya.

"Don't worry, I don't have plan joining to your guild." may diing sabi nito at pumasok na sa loob at hinayaang nakabukas ang pintuan.

"By the way, kung ayaw mo sa 'kin you can tell directly to my face. You don't trust me, right? Then the feeling is mutual, I don't trust you either."

Pinanood kung maglakad si Anastasia hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay kasabay din nun ang pagkawala ng nakakatakot na awra.

Nakakatakot at nakakamangha yon lang ang masasabi ko. Masasbi ko na lang na ang swerte kung magiging kaibigan siya pero malas kung magiging kaaway siya dahil siguradong katapusan mo kung siya ang nakalaban mo.

                                  𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

Napabuntong hininga naman ako pagkatapos ng nagyari sa labas ng dorm. Noong una kong makita si Magda hindi na maganda yong pakiramdam ko sa kan'ya. Hindi katulad ni Xyra na magaan ang loob ko katulad kay ate Irene.

Noong una hindi ko pinapansin ang bigat ng loob ko kay Magda pero nang marinig ko ang sinabi niya para may mali. Parang hindi tama sa kan'ya. My instinct telling to me na hindi siya sapat pagkatiwalaan at ang instinct ko hindi pa nagkakamali.

Kaya sino ka ba talaga Magda? Kakampi ka ba? O kalaban? Pero wala naman akong pake roon. Dahil kung kalaban siya dapat mag ingat siya dahil hindi ako mabait na kalaban.

Naputol naman ang pag iisip ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Lumapit ako rito para buksan ang pinto at nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko si Xyra.

"Hmm, Anastasia, sorry pala sa nasabi ni Magda kanina." nahihiya sabi nito. "Ganun talaga si Magda hindi mabilis magtiwala."

"I don't need your sorry, Xyra, at wala naman sa 'kin yon. Mag papanggap na lang akong walang narinig." nakangising sabi ko rito . "As a concern friend, Xyra. 'Wag kang hihingi ng tawad para sa iba."

"Ahh kaibigan ko kasi si Magda at pati rin ikaw, Ana, kaya ayaw kong kainisan niyo ang isa't isa." sabi nito.

Napangisi naman ako, kaibigan huh.

"Gaano katagal naba kayong magkakakilala?" tanong ko rito.

"Limang buwan na rin, bakit?" napailing naman ako, limang buwan?

"Wala naman." sabi ko at sinara ko na ang pinto pero ilang saglit lang ay binuksan ko ulit.

Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita kong paalis na sana siya.

"By the way, Xyra, kung tingin mo ay kaibigan mo siya ganoon din ba ang tingin niya sayo?" nakangising sabi ko.

Nang sinabi ko yon ay napahinto siya sa paglakad kaya naman napailing at napangisi ulit ako.

"Gaya ng sabi niya, hindi niyo pa ako lubusang kilala, 'di ba? Pero siya? Kilala mo naba talaga?"

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now