59

73 4 0
                                    

                  𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Tahimik ang lahat ng nasa loob ng klinika habang pinapanood nila ang estranghero na ginagamot ang tagapagmana ng William Clan.

Samantala'y nakaupo sa higaan ang walang malay na si Ashklein habang ang lalaki ay nasa likod nito. Hindi naman maalis ang takot ng mga magulang at kapatid niya dahil may isang-daang karayom ang nakatarak dito.

Nakapikit ang lalaki at tila nagmemeditate ngunit ilabg saglit lang ay nagmulat ito at mabilis na gunalaw ang dalawang kamay upang kunin ang mga karayom.

Tinapat nito ang kanang kamay niya sa likod ng prinsepe at sinarado't bukas ito. Naalerto naman ang mga naroon ng biglang may naglabasan na dugo sa likod ng prinsepe buti na lamang ay pinakalma naman ito ni Valentiana.

Ang dugong lumalabas sa katawan ni Ashklein ay unti-unting nagiging itim. Ilang saglit lang ay huminto ang paglabas ng dugo. May kulay puti namang lumulutang ngayon sa lalaki at tinapat niya ito sa likod ng prinsepe. Nakahinga naman ng maayos ng lahat ng bigla itong nagsuka ng itim ng dugo.

Bumaba naman ang lalaki at maingat na pinahiga muli ang prinsepe, agad namang lumapit si Kyla sa kapatid niya at pinunasan ang dugong nasa bibig ng kapatid.

Habang ang mga manggagamot ay niligpit ang mga karayom at ang telang may dugo, duging isinuka ng prinsepe.

"Ngayon na saan si Anastasia, Valentiana?" walang emosyong tanong ng lalaki.

Napalingon naman ang lahat sa kanila.

"Hindi ko alam, ngunit ng sabi nila'y kasama ng binatang yan si Anastasia sa isang misyon." bumakas naman agad ang galit sa mukha ng lalaki.

Napaatras naman ang mga ZERO dahil roon samantala ay pinigilan naman ng mga hari't reyna at ng HM ang takot dahil sa awra na nararamdaman nila.

"Niloloko mo ba ako, Valentiana? Asan ang anak ko!" napaatras naman ang dyosa.

Sa tagal nilang dalawang nagsama ay alam nito ang kakayahan ng lalaki at alam niya kung ano ang kayang gawin ng lalaki para sa lamang sa nag-iisa niyang anak.

"H-hindi k-ita niloloko." kinakabahang wika ng dyosa. "Hintayim natin magising ang bata at sa kaniya tayo magtanong. Nag-aalala rin ako para sa kaniya."

Kumalma naman ang lalaki at bigla na lanf naglaho, nakahinga naman ng maluwag ang lahat. Habang ang isa ay nag-aalala para sa dalaga, itanggi man niti sa sarili niya na may koneksyon ito kay Anastasia ay hindi niya mapigilabg mag-alala sa kapatid niya.

"Sino ang lalaking 'yon, Valentiana." tanong ni Queen Ella na ina ni Michael at Michaella.

"Siya si King Aslan Eron." nagtaka naman ang grupo nila Troy kung bakit hindi nito sinabing asawa niya ang lalaki. "The king of Hidden Palace."

𝘒𝘐𝘋𝘋𝘖 𝘗𝘖𝘝

Ngayon ay narito na kami sa opisina ni HM. Nagising na rin si Ash. Tinawag rin ni Ms. Valentiana si King Aslan. Bakit Ms? Well 'yin ang gusto niyang itawag sa kaniya dahil raw hindi na ito ang dyosa ng buwan.

Magsisimula na sana kami ng biglang pumasok ang assistant ni HM.

"Si Magda—" nahinto ito sa pagsasalita at naalis ang atensyon namin sa kaniya dahil biglang lumutang ang kwentas ni Ash.

Ilang saglit lang ay biglang may lumitaw na hologram na, hindi na sana namin ito papansinin ng makita namin rito ang magulang ni Magda.

"𝑆𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑖 𝑀𝑎𝑔𝑑𝑎?" nagtinginan naman kami dahil boses 'yon ni Anastasia pero binalik rin kaagad sa hologram ang atensyon.

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now