9

156 8 0
                                    

                                𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

"Magda?" tawag ng dalagang si Xyra.

"Why? What do you need?"

"Sapalagay mo anong sasalihan niyang guild?" tanong ni Xyra.

"I don't know, malalaman natin yan. Gisingin mo na siya para makakain na tayo at pupunta pa tayo sa gymnasium."

Napatango na lamang si Xyra at naglakad patungo sa kwarto ng dalagang si Anastasia.

Nang nasa harap na siya ng kwarto ng dalaga ay kakatok na sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ay nkita niya ang dalaga na nakasuot ng plain white na uniporme.

Plain white pa lang dahil wala pa siyang guild.

"Gising ka na pala." nakangiting sabi ni Xyra. "Good morning, punta na tayo sa baba at kakain na tayo."

                                   𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

"It'a good that you woke up early, Ana." sabi ni Magda nang makita niya kami. "Umupo na kayo para makakain na tayo."

Habang kumakain kami napansin ko na pareho ng kulay ang uniform nila pero tumahimik na lang ako.

"Anastasia." tawag pansin sa 'akin ni Xyra. "After we eat, we need to go in gymnasium."

"Bakit?"

"Ipapakilala ang mga guilds sa mga katulad mong bago para mabilis kayong makapili." paliwanag ni Magda habang inaayos ang mga pinagkainan.

"P'wede bang 'wag na ako pumunta? Nakilala niyo naman na sakin ang mga guilda at leaders." napailing si Magda at Xyra.

"Hindi maari, Anastasia." sabay nilang sabi. "Tara na nga."

                                       𝘒𝘠𝘓𝘈 𝘓𝘌𝘐𝘎𝘏

"Be ready, lets go." seryosong sabi ni kuya.

Habang naglalakad kami papunta sa gymnasium ay pinag uusapan namin ang mga new students.

"Sapalagay niyo may makakasali ba sa guild natin?" tanong ni Snow.

"Bakit may inimbitahan kana ba?" sabi ni Vanessa.

"I want to invite her but what if leader will be mad right." sabi ni Snow pero bulong na ang huli perp rinig parin namin.

"You can invite hin/her but make sure they deserve to be one of us."

"Talaga kuya? We can invite who we want?" naeexcite na tanong ko.

"Do I need to repeat it?"

"No need, kuya. I will invite her." masayang sabi ko.

                               𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Nang makarating ng tatlong dalaga ay marami ng estudyante ang nasa loob ng gymnasium.

"Pumunta kana sa nakalaan na pwesto niyo, Ana, at pupunta na rin kami ni Magda sa guild namin." sabi ni Xyra.

Tumango ang dalaga at nilibot ang tingin niya.

Red, blue, yellow, black, maroon, and gold.

Yan ang mga kulay ng coat ng mga uniforms ng mga students na nakikita niya.

"GOOD MORNING, STUDENTS!" bati ng hm.

Nang marinig ni Anastasia ang bati ng hm nagsimula na siyang maglakad patungo sa mga gaya niyang plain white ang suot. Nang makarating siya sa mga ito nakita niyang lahat sila seryosong nakikinig, hays.

"We want you to meet all the leaders of guilds so you can easily choice guilds."

                                  𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

"We want you to meet all the leaders of guilds so you can easily choice guilds."

Napatingin naman ako sa stage ng sabihin yon ni hm.

"The leader of Seductive Venom, Tiffany Zonis." umakyat naman ang babaeng na'ka red coat

Nang makaakyat siya ay nagsigawan ang mga babaeng member ng seductive venom.Sa unang tingin pa lang halata ng mataray, pero ramdam ko ang lakas ng awra niya.

"Troy Zonis, leader of White Dragon."  nagsigawan naman ang naka maroon coat ng umakyat at lalaking nakasalamin.

Kung titignan mahina siya pero ramdam kong mapanganib siya.

"Penolope Ricxes, Leader of Tears of Pain." napatingin naman ako sa babaeng umakyat.

Walang emosyon ang mukha pero ang mata niya puno ng emosyon. Nagsigawan naman ang mga naka blue coat.

"Leader of Black Wings, Cholo Heres." isang lalaking naka black coat naman ang umakyat.

Awra pa lang niya katatakutan na.

"Saffira Blane, Leader of Moonlight." umakyat naman ang isang nakangiting babae.

Mukha pa lang alam mo ng mabait. Nagpalakpakan naman ang mga naka yellow coat.

"The leader of Hands of God, Ashklein William." napatingin naman ako sa lalaking umakyat na naka gold coat.

Nang umakyat siya naramdaman ko na agad ang lakas ng kapangyarihan niya. Tumahimik ang lahat pero ramdam ko ang paghanga nila dito.

"Ngayon ay ating pakinggan ang kanilang mga sasabihin...."

Halata naman sa mga kasama ko na excited na sila.

"Yan sana ang sasabihin ko haha, pero nais kong ipaliwanag munakung paano kayo makakasali sa guild." nakangiting sabi nito.

Napabuntong hininga naman kamung lahat pati na rin ang mga leader na seryosong seryoso kanina.

"May dalawang paraan para makasali o makapasok sa guild. Ang una ay ang pagsali ng personal, kailangan mong labanan ang isa sa member ng guild na gusto mong salihan at ang pangalawa naman ay kung may matatanggap kayong imbitasyon mula sa isang member ng guild o ang mismong leader. Pero! Kung member ang nag imbita sain'yo kailangan niyo ring labanan ang member na nag imbita sain'yo." seryosong paliwanag nito. "Kaya naman maghanda at mamili ng maigi sa sasalihan niyong guild at dapat pagkatapos ng dalawang araw makasali na kayo sa isa s mga guild dahil baka mahirapan kayo rito sa loob ng Academy kung wala kayong masalihan."

Napansin ko naman na kinabahan ang mga kasama ko. Pati rin naman ako ay kinakabahan hindi nga lang halata.

"So leaders come in front and talk."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon