44

100 4 3
                                    

                                𝘚𝘈𝘔𝘜𝘌𝘓 𝘗𝘖𝘝

Naglalakad kami ngayon habang sinusunsan sila HM at ang tatlong master para sa kinaroroonan daw ng anak ng buwan.

Biglang huminto si HM sa harap ng office n'ya so I think nasa loob ang anak ni Valentiana slash dyosa ng buwan. Pumasok naman na sila kaya sumunod na rin kami.

Pero napahinto ako sa pintuan ng opisina ni HM ng may naramdaman akong kakaibang enerhiya. Naputol naman ang pag iisip ko ng may tumapik sa balikat ko at nakita kong si Anastasia pala ito.

"Keep your mouth shut." seryosong bulong nito at tinulak ako ng mahina para makapasok ako sa loob.

Napamaang naman ako, that's mean she feel the creepy energy too. Pero bakit sinabi n'ya 'yon.

"Magda?" napatingin naman agad ako kay Saffira ng magsalita ito. "What are you doing here?"

Nakatingin ito sa harap n'ya kaya naman tinignan ko rin kung sino ang kinakausap nito. Nang nakita ko ang enerhiya n'ya ay napaseryoso ako.

Bakit ganoon ang kulay ng enerhiya n'ya? Kung anak nga s'ya ni Valentiana dapat ang kulay ng enerhiya n'ya ay kagaya ng liwanag ng buwan, nakakasilaw. Pero hindi 'yon ang nakikita ko kun'di dilim, sobrang dilim.

Bilang isang energy sucker my kakayahan akong makita kung anong enerhiya ang nasa katawan mo, well not the exact energy. Ang makikita ko ay kulay, at masasabi ko sa kulay na nakikita ko sa babaeng ito ay kadiliman.

"Wait! Don't tell me?" nabalik naman ako sa reyalidad ng sumigaw si Saffira.

Nakita ko namang umiwas ng tingin ng babaeng tinawag n'yang Magda.

"S'ya nga, Saffira." nakangiting sabi ni HM.

"How sure you are na s'ya nga ang anak ng dyosa ng buwan, Hm?" nakangising singit naman ni Tiffany.

Sumeryoso naman si HM na ikinataka ko. "Ilang linggo na rin nang magsimula ang patayan dito sa akademya at lahat ng napapatay ay babae."

"Bakit hindi n'yo sinabi sa'min?" inis na tanong ni Ash.

"Utos 'yon ng mga magulang n'yo, hindi nila gusto na masira ang pag eensayo n'yo." napansin kong magsasalita pa sana si Ash.

"Ano koneksyon ng pangyayaring 'yan sa kan'ya?" walang ganang tanong ni Anastasia.

"Well, muntik na rin s'yang mapatay." then bakit 'di s'ya natuluyan, tsk.

"Sasaksakin na sana nila ako nang biglang nahila ng isa sa kanila ang kwentas ko." nanginginig na kwento nito. "Tapos bigla na lang silang nagbukas ng portal nang makita 'yong kwentas ko at isasama nila sana ako buti na lang natakatas ako."

"What necklace?" nagtatakang sabi ng kapatid ko.

"Well that necklace is the proof that she's the daugther of goddess of the moon, princess." bakit ba si HM ng sumasagot eh hindi naman s'ya 'yong tinatanong.

Napansin ko namang may pinulot ito sa harap n'ya at agad n'ya rin naman itong tinaas kaya napagmasdan namin ang isang kwentas na may crescent moon na pendant.

"What if that necklace is fake?" nakangising tanong ni Anastasia na sinangayunan ng isip ko.

"Well this is real at kinumpirma ito ng mga Night Clan." kung tunay ang kwentas ibig bang sabihin nun mali 'yong nakita ko?

"The necklace is real huh." tumatanong sabi ni Ashklein. "How about this girl?"

Napangisi naman ako, I see naramdaman n'ya rin.

"Well she is, dahil kung hindi s'ya ang totoong anak ni Valentiana ay mamatay s'ya sa pagsuot ng kwentas na 'to." paliwanag ni HM.

Napatingin naman ako sa kwentas na hawak pa rin ni HM, kung titignan parang simple lang naman 'yon pero nakakapatay pala tsk.

"Why, Hm? Nakita n'yo bang suot suot n'ya ang kwentas na yan?" nakangising sabi ko.

How can they say that she's real kung 'di nila nakitang suot niya 'yon. Napabuntong hininga naman ito at tumayo.

"Nakita ng tumulong sa kan'ya na suot suot n'ya ang kwentas pero sa kasamaang palad nahila ang kwentas na naging dahilan upang masira ito." why it's so hard to believe that?

"And Ms. Magda is adopted and her foster parents confirm that someone gave Magda to them."

                                  𝘈𝘚𝘏𝘒𝘓𝘌𝘐𝘕 𝘗𝘖𝘝

Ilang pag uusap lang ay umalis na rin kami, nakita ko ang babaeng 'yon kung paano s'ya nakipaglaban noong Rank Battle at masasabi kung walang sign na anak s'ya ng isang dyosa.

"What do you feel on that girl?" tanong agad ni Storm pagkalabas namin.

"B*tch." maarteng sagot ni Tiffany.

"Fake?" nag aalinlangang sabi ni Celine.

"Mang aagaw." takang napatingin naman ako kay Penolope ng sinabi n'ya 'yon.

"Hey stop it, Magda is nice." napatingin naman kami kay Saffira dahil sa sinabi n'ya. "Matagal na kaming magkaibigan." narinig ko naman ang mahinang tawa ni Anastasia pagkatapos nun ay nagsalita ito na sinang ayunan ko.

"Minsan ang pinaka mabagsik mong kalaban ay ang tinuring mong kaibigan."

                                   𝘚𝘖𝘔𝘌𝘖𝘕𝘌 𝘗𝘖𝘝

"Lets talk, princess." napalingon naman ito agad sa'kin.

Ngumiti ito at tumatango tango. Pero alam konf sa likod ng ngiti n'yang yan ay poot at pagkamuhi.

"You already found her, right?" tanong ko agad ng makarating kami sa gubat.

"Yes, but I think this is not the right time para malaman n'ya." seryosong sagot n'ya.

Tumatango tango naman ako, I think she's right lalo na't may dumating nanaman at siguradong hadlang ang batang 'yon.

"Hindi ka ba nababahala? Gumagalaw na sila at siguradong malapit na nilang malaman ang katotohanan." seryosong tanong ko rito.

Tumingin naman ito sa mata ko na s'yang dahilan upang magkatitigan kami.

"Sila dapat ang mabahala dahil sisiguraduhin kong hindi nila malalaman ang ninanais nilang katotohanan. Kahit ilan pa ang ipadala nilang mag imbistiga hindi na makakabalik ang mga taong 'yon dahil kasama na nila sa kabilng buhay ang kanilang nalalaman." nakangising sabi nito na maging dahilan upang kilabutan ako.

Tama ang ate, hindi s'ya ang magdudulot ng kagulohan dahil s'ya ang tunay na gulo.

"How about that girl? Ano ang plano mo sa kan'ya?" ngumiti naman ito.

Kung simpleng ngiti lang 'to ay siguradong matutuwa akong makita 'yon pero hindi, ang ngiti n'yang yan ay nagpapahiwatig ng pagpapahirap.

Napalunok naman ako ng sinagot nito ang tanong ko.

"Let her be but I'll make sure she will suffer for using the identity of my sister."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now