40

162 6 1
                                    

                                𝘚𝘖𝘔𝘌𝘖𝘕𝘌 𝘗𝘖𝘝

"Nalalapit na ang Collectors War." nakangiting sabi ko.

"So?" tanong naman ng asawa ko.

"Ibig sabihin lamang nun ay nalalapit na ang ating tagumpay." napatayo naman ang aking asawa at halata sa mukha nitong masaya s'ya.

"Talaga? Pero anong konektado ng Collection War sa tagumpay natin?" tanong nito.

"Malaking bagay ang Collection War, lalo na sa SBÊRETÊLÊ ACADEMY dahil ngayon na lang ulit sila makikilahok kaya naman dahil sasalo ang Sbêrêtêlê Academy siguradong mas tutukan nilang lahat ang paghahanda rito at ganun rin ang akademya." nakangising paliwanag ko.

Sa wakas, ang tagal na namin itong pinakahihintay at malapit ko na maabot ang minimithi ko.

"Kung malapit na ang tagumpay natin na sinasabi mo, hindi kaya't bigla na lamang dumating ang nasa propesisya? Ang anak ni Valentiana." napalingon naman ako rito.

"Ngunit matagal na itong patay at naglaho." naka ismis kong sabi.

Umiling iling naman ito't lumapit sakin at kumandong sa'kin.

"Ngunit walang natagpuang katawan o bakas man lang kung tunay ngang patay na ang anak ni Valentiana, mahal ko." malambing na paliwanag nito. "Walang katibayan na buhay ang anak nito, at pakiramdam ko ay tila may maling nangyari noon."

Napaseryoso naman ako sa sinabi nito, kahit kailan ay 'di pa nagkakamali ang mga sinasabi o iniisip ng aking asawa.

"Kung ganoon ano ang dapat nating gawin?" seryosong tanong ko...ngumiti naman ito.

"Aalamin ang nangyari noong digmaan at hahanapin ang anak ni Valentiana." nakangising sabi nito. "Aalamin natin kung ano ang totoo."

                                 𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Samantala sa loob ng akademya ay nalaman na ang mga 22 estudyanteng makakasali sa Collectors War. Marami ang naghinayang kahit na tumaas ang kanilang ranggo dahil ang nais nila ay makasali sa Collectors War.

"Sayang talaga at 'di ako napili." paghihinayang ng isang estudyante.

"Pinaghandaan ko pa naman ang Rank Battle para mapasali sa Collectors War, pero wala pa rin." malungkot namang sabi ng iba.

"Ang swerte nila't napili sila." pagtutukoy ng isa sa 22 na estudyanteng susulong sa Collection War.

Samantala ang 22 na estudyanteng napili ay nasa opisina ng HM ng akademya.

"Congratulation royalties, Anastasia, Tiffany, Troy, Penolope, Cholo at Saffira." nakangiting sabi ng HM ng akademya.

Napangiti naman ang ilan sa kanila at ang iba naman ay nanatiling blangko ang mukha at nakangisi.

Magpapasalamat sana ang mga ito nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng HM. Pumasok ang mga reyna at hari kaya naman yumuko ang mga ito tanda ng paggalang.

"Congratulation, students." nakangiting sabay sabay ng mga ito.

"Thank you, Queens and Kings." sabay sabay na pasalamat ng mga ito.

Tumango tango naman ang mga hari habang ang mga reyna ay ngumiti at niyakap ang mga anak nila.

"Tila napaaga ata ang punta n'yo rito." ngiting singit ng HM sa mga kaibigan n'ya.

Yes, they're friends kaya malaki ang tiwala nila sa HM. Lumingon naman ang lahat sa kan'ya.

"Well they're already here, dumating na sila." nakangiting sabi ni King White Crux Cuztex ang ama ni Black Zeus and Gray Zyde.

"Really? The three master already arrived!" natutuwa ring sambit ng HM. "Be ready, students, you'll gonna meet the three legendary master."

                                  𝘚𝘈𝘔𝘈𝘕𝘛𝘏𝘈 𝘗𝘖𝘝

Ngayon ay naglalakad kami patungo sa kwarto kung nasa saan ang three legendary masters at habang naglalakad kami ay napakaraming bilim ni HM habang ang mga magulang namim ay natatawa na lang sa kan'ya.

Nang nasa harap na kami ng kwarto ay akala ko bubuksan na ni HM ang pinto pero hindi dahil hinarap muli n'ya kami.

"Tandaan n'yo, yumuko kayo pag nakaharap niyo sila tanda ng paggalang." paalala muli nito, haysss.

Pagkabukas ng pinto ni HM ay pumasok agad ito sunod ang mga magulang namin at sumunod din kami.

Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay naramdaman ko na ang malakas na enerhiya. Sht pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga, nang tignan ko ang mga kasama ko ay ganoon din sila maliban sa isa si Anastasia pero 'di ko na 'yon pinagtuunan ng pansin dahil pinanlakihan kami ni HM ng mata.

Pinilit ko namang yumuko at sa palagay ko ganoon din ang mga kasama ko. Nang iangat namin ang ulo namin ay nakita ko ang tatlong tao nasa harap namin, napakaseryoso nila.

Mas bumigat naman ang hangin na nasa kwarto at 'di ko na nga nakayanan dahil napaluhod ako at ganoon din ang mga kasama ko malibam kay HM at sa mga magulang namin na napamaang na lang.

Nagulat naman ako ng biglang nakita ko si Anastasia sa likod ng isa sa master na nakamaskara at tinutukan niya ito ng katana.

"Stop torturing my comrades." seryosong sabi nito na nagpagulat sa mga magulang ko at kay HM...no...pati na rin ang dalawang masters pero ang tinutukan ni Anastasia ng katana ay nakangiti.

Ilang saglit lang ay nakaramdam na ako ng kagginhawaan. Binitawan naman na ni Anastasia ang master at nawala na rin ang katana.

Nagulat naman ako ng bigla n'yang niluhod ang isa n'yang tuhod sa harap ng master na tinutukan n'ya. Well parang 'di lang ata ako ang nagulat dahil ramdam ko ang gulat nila sa sinabi ni Anastasia.

"Ikinagagalak kong masilayan ka muli, master."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now