33

108 3 0
                                    

                            𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝.

"Are we late?" napatingin ang walong manlalaro sa kanilang lalaking nagsalita.

Nakita nila si Ashklein na nakatayo sa sanga ng puno katabi ang babaeng si Anastasia. Parehong walang mababasang emosyon.

"A summoner? Wow!" ang walang emosyon na mukha ng babae kanina ay napalitan ng natutuwang mukha nang makita ang mga demony*ng sinummon ni Cholo.

Sabay na tumalon pababa ang dalawa sa pwesto ng mga kagrupo nila.

"Are you okay, guys?" Ashklein asked immediately.

The four royalty smiled and nodded.

"Yes, Ash, how about you two?" tanong ni Gray ay tinignan silang dalawa.

"We're okay." sabay na sagot nila kaya nagtinginan sila.

Magsasalita pa sana ang isa sa kanila nang sumingit si Cholo.

"It's good that the two of you is here, para naman may makain na kapangyarihan ang mga kaluluwang alaga ko." nakangising singit nito

Napaisip naman si Ashklein sa sinabi ng binata.

Kung ganoon hindi kaluluwa ang kinukuha ng mga kaluluwang demony*ng ito kun'di mga kapangyarihan, pero bakit?

Halata sa kanila ang pagtataka kaya napailing na lamang ang dalagang si Anastasia.

"Ang mga kaluluwnag 'yan ay kumakain ng mga kapangyarihan para magkaroon sila ng bagong katawan o para mabuhay ulit." paliwanag ni Anastasia na ikinatingin ng mga kasama n'ya sa kan'ya

Napangisi naman ang binatang si Cholo sa narinig.

"Nakakatuwa ka talaga, binibini, napakarami mong nalalaman." lumuhod muli ang binata at alam nilang nagsusummon ito.

Ilang saglit lang ay napapalibutan ang anim na manlalaro ng Hands of God.

Samantala ang mga estudyante sa SBÊRETÊLÊ ACADEMY ay nanonood ngayon. Nakita nilang ang Hands of God at Black Wings lang ang naglalaban kaya naman ay tinutok nila ang mga paningin nila rito.

Kinabahan naman ang mga Handa of God nang makita nilang napapalibutan ng mga kaluluwang demony* ang mga kaibigan nila.

Kinakabahan sila sa kaligtasan ng mga 'to, alam nilang napakabagsik at napakadelikado ng mga kaluluwang demony*.

Nakita nilang nagdikit dikit ang mga Handa of Gods players pero nagtaka sila ng bigla niluhod ni Anastasia ang isa niyang tuhod at nilapat ang kamay sa lupa.

Nakita nila kung pano naging purong itim ang mata n'ya, kakaibang mata na tila ba hinuhukay n'ya ang kaloob looban ng katawan mo, tila ba kinukuha n'ya ang kaluluwa mo. 'Yan ang nararamdaman ng mga manonood dahil nakatutok kay Anastasia ang hologram na ginawa ng reyna.

"Sht her eyes, pakiramdam ko parang kinukuha nito ang kaluluwa ko."

                                  𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

Nilapat ko ang kamay ko at kasabag nun ay ang pagpasok ng mga kaluluwang demony* sa isip ko.

"Sino ka?" kung simpleng tao lamang ako'y matatakot ako sa paraan ng pananalita at boses n'ya. "Paano mo kami naipasok sa isip mo?"

Tama hindi sila ang pumasok sapagkat ako ang nagpasok sa kanila. Sigurado rin ako na itim na ang mata ko ngayon at hindi 'yon maganda pero kung 'di ko to gagawin ay siguradong patay naman ang mga kasama ko. Well yeah hindi ako kasama dahil baka sila pa ang maglaho instead of me.

"Sino ako? Ako lang naman ang anak ng kinatatakutan n'yo." nakangising sabi ko.

Tinaas ko ang kanang kamay ko at ilang saglit lang ang may unti unting nabubuo sa palad ko.

"Ako ang babaeng luluhuran n'yo balang araw." kasabay nun ay ang pagbato ko sa kinaroroonan nila ng enerhiya na nabuo sa palad ko.

Agad naman silang naglaho kaya naman ay inisip kong bumalik na sa katawan ko.

Napasinghap naman ako at napaupo ng makabalik ako sa katawan ko.  Lumanghap ako ng hangin at umubo.

May naramdaman naman akong humawak sa balikat ko kaya tumingala ako at nakita ko ang seryosong mukha ni Ashklein.

"Ano ang ginawa mo?" 'yan agad ang tanong n'ya.

Tumayo naman ako at nakita kong wala na ang mga kaluluwa maski ang grupo ng Black Wings siguro ay tumakas na ang mga ito.

Alam kong natagalan ako sa pagbalik sa katawan ko at masama 'yon dahil siguradong nakita nila ang nangyari o ang ginawa ko.

"Wala, hindi ko alam, basta pakiramdam ko napasok ako sa isang madilim na lugar....tapos parang may kumokontrol sa'kin." pag aarte ko well alam kong masama pero mapapahamak ako kung 'di ko gagawin.

Naramdaman ko namang hinawakan nila ako at halata sa mga mukha nila ang pag aalala.

Niyakap ko naman si Venice at umiyak rito.

"Takot na takot ako kasi 'di ko alam ang gagawin ko." ramdam ko naman ang pag aalala nila sa paghawak sa'kin.

"Kung gano'n pano ka nakalabas? Paano ka nakabalik?" nagtatakang tanong ni Venice kaya humiwalay ako rito.

Pinunasan ko naman ang luha ko pero umiiyak pa rin ako dahil ang dapat kong gawin ngayon ay mapaniwala sila sa kasinungalingan ko kung hindi baka masira lahat ng plano ko.

"Hindi ko alam pero sa lugar na 'yon nasaksak ako tapos, tapos ayon na parang akong nanghihina at bigla na lang akong nabalik sa wisyo." kunwareng nanginginig kong pahayag.

Hindi lang sila ang dapat kong mapaniwala kun'di pati na rin ang mga nanonood sa'min.

Niyakap naman ako ni Samantha at inalo.

"It's okay, your safe now." pag aalo nito sa'kin.

"I'm sure gawa 'yon ng mga kaluluwang demony* na sinummon ni Cholo, pero bakit ikaw ang pinuntirya nila kung gano'n?" napalunok naman ako sa tanong ni Ash.

Sht, bakit kasi napakatalino mo? Alam kong hinuhuli lang ako nito pero sad to say kahit anong gawin n'ya 'di n'ya malalaman ang totoo.

"I don't know maybe kasi nahihiwagahan s'ya sa'kin? Siguro nagalit s'ya sa sinabi ko nung naroon tayo sa Waiting Room." pinilit ko namang patunugin ang boses ko na natatakot at 'di naman ako nabigo.

"Your right, maybe thats it." tila naman nakumbinsi ko s'ya sekretong nagbunyi ang kaloob looban ko.

Napangisi naman ako ng sekreto at bumulong na siguradong ako lang ang makakarinig.

"Hindi n'yo ko kalaban ngunit hindi n'yo rin ako kakampi. Tinuturing ko kayong kaibigan pero hindi ko alam kong mapagkakatiwalaan kayo."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now