28

152 3 0
                                    

                                    𝘒𝘠𝘓𝘈 𝘓𝘌𝘐𝘎𝘏 𝘗𝘖𝘝

"Ang ability lang n'ya ang nakita mo. Kung ang tingin mo sa kanila laruan pwes gano'n din ang tingin n'ya. Para sa kan'ya isa lang kayong laruan na pwede n'yang kontrolin kung kailan n'ya gugustuhin." natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni Anastasia lalo na si Celine.

I'm sure nasasaktan s'ya.

"Just kidding, ang seryoso n'yo naman. The truth ng galing galing mo." minsan talaga 'di namin s'ya maintindihan.

"Yeah she's right, you just prove to us that you deserve to be one of us." singit ko naman.

Unti unti ko naman ulit nakita ang ngiti n'ya gaya kanina.

"LETS PROCEED TO THE NEXT GAME!" nabaling naman lahay ng paningin namin kay HM nang magsalita muli ito.

"The next game called PROTECT THE FIRE." gaya kanina ay pinapili ulit kami.

"Ako na." pagprepresenta ko.

Fire is my power and I want to prove to my parents that I deserve to be called princess.

"Are you sure, Kyla?" seryosong tanong ni kuya pero nahihimigan ko paring nag aalala s'ya.

Ngumiti ako sa kan'ya at tumango.

"Yes, kuya."

                                     𝘈𝘚𝘏𝘒𝘓𝘌𝘐𝘕 𝘗𝘖𝘝

Kahit 'di n'ya sabihin alam kong gusto n'yang ipakita sa parents namin kung ano ang kaya n'ya, nararamdaman ko 'yon kasi kapatid ko s'ya. Umangat ang paningin ko kung asan ang aming mga magulang at napansin kong nag aalala si ina habang si ama naman ay seryoso ngunit nababakasan sa mata n'yang nag aalala s'ya.

Binaling ko naman ang tingin ko muli sa Battle Area at nakita kong may lalaking nagbibigay sa kanila na mga kandila at papel gaya ng kulay ng mga color code namin.

Tinapat nila ang mg papel sa taas ng kandila at bigla na lamang nagkaroon ng maliit na apoy ang mga ito.

"Kayo ang mag dedecide kung saang area n'yo ilalagay ang candle, ngunit hindi n'yo maaari itong ilabas sa barrier. Kailangan n'yong protektahan ang apoy sa in'yong kandila. Hindi ito mamatay kung simpleng hangin o ano kaya 'wag kayong mag aalala. Kailangan n'yong gamitin ang power, ability, or cards para mamatay ang kandila at maaari n'yo ring lagyan ng power o ano man ang paligid ng kandila." nilagay ng kapatid ko ang kandila sa pinakagilid na corner.

Nang maipwesto n'ya na ito ay naglabas s'ya ng apoy sa kamay n'ya at kinumpas ito. Pumalibot ang apoy sa kandila, napalibutan nito pati sa taas tila wala na nga itong butas.

"Ngayon ay maayos na ang lahat. SIMULA NA!" pagkasabi 'yon ni HM ay may sumugod na ang ilan sa kanila.

Nakita ko naman na may pasugod sa kapatid ko ngunit nanatili parin ito sa pwesto n'ya.

                                𝘒𝘠𝘓𝘈 𝘓𝘌𝘐𝘎𝘏 𝘗𝘖𝘝   

Nanatili akong nakatingin sa babaeng sumugod sa'kin, pero ngayon ay gumugulong s'ya upnag patayin ang apoy. But sad to say hindi yon kadali mamatay.

Tinaas ko naman ang kamay ko at tinapat sa kandila n'ya, ginagalaw ko ang kamay ko na tila may hinihila pero ang totoo ay kinukuha ko ang apoy na nasa kandila.

'Di na ako nagulat nang makita kong lumaki ang apoy na nasa kandila at may nahalong kulay asul na apoy. Tinignan ko naman ang babaeng nasa sahig ngayon na unti unting naglalaho. Hindi s'ya mamatay dahil maupunta lang s'ya sa labas ng barrier.

"Sorry bitch but you fought with the wrong person." bulong ko sa kan'ya bago s'ya maglaho ng tuluyan.

"Hey bitch princess." lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses.

Pagkalingon ko ay sumalobong sa akin ay isang sipa na naging dahilan upang tumalsik ako. Napansin ko naman ang ngisi n'ya. Lumapit s'ya sa candle ko na napapalibutan ng apoy.

Pinalibutan n'ya ang kamay n'ya ng apoy at tila balak n'ya ipasok ito sa apoy na gawa ko pero bago mangyari 'yon ay mas pinalakas ko ang apoy kaya naman napaatras s'ya. Ginawa ko naman 'yon na pagkakataon uoang batohin s'ya ng apoy na hindi n'ya naiwasan.

Mabilis naman akong tumayo at tumakbo sa pwesto ko at sinalubong ng suntok ang lalaking nag balak na hawakan ang apoy ko ngunit kasabay din nun ay pagsaksak n'ya sa tagiliran ko.

Ininda ko ang saksak ko at sinipa s'ya. Tumalsik ito sa barrier at biglang naglaho kasabay rin nun ay pagkakaroon ng black color sa apoy na nasa kandila ko.

Napansin ko naman ang unti unting pagkawala ng apoy sa babae kanina pero bago pa mawala ang apoy ay nilabas ko na ang collection book ko.

"Book." bulong ko.

Kinuha ko naman ang isang card na alam kong makakatulong sa'kin.

"Fire Cage." sambit ko sabay hagis sa babae.

Nagulat naman ang babe, napangisi naman ako, siguro alam n'ya kong anong card ang ginamit ko.

Ang fire cage ay isang cage at eepekto lang 'to kapag isang fire user ang pinag gamitan mo ng card. Sinubukan n'yang tumakas ngunit mas nahihirapan s'ya.

"Arghh patayin mo na ang apoy ko 'wag mo na ako pahirapan, plss." nahihirapang sambit ni'to.

Hays kawawa naman s'ya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong naglalaban parin ang tatlo. Nng makita ko ang kandila nila pumitik ako at inisip na mamatay ito. Namatay naman ito at kasabay nun ay paglaho ng babae, humalo rin ang color red sa apoy ko na nasa kandila.

Lumapit naman ako sa tatlong naglalaban parin. Nang makita nila ako ay sabay-sabay silang sumugod sa'kin. Puro ilag naman ako aa bawat atake nila.

Napagod ata sila kasi rinig kong hinihingal na sila, pinalibutan nila ako tila inaabangan ang gagawin ko. Nice kanina nag kakagulo sila tapos ngayon nagtutulungan pfft.

Pinalibutan ko naman ng apoy ang pwesto namin kaya naman 'di sila makakalabas.

"Three vs one? Ahh unfair but lets see." pagkasabi ko nun ay sumulpot ako sa likod ng lalaki na nasa kanan ko.

Sinipa ko naman s'ya at pinalibot ko ng braso ko sa leeg. Inangat ko ang kamay ko at pinakita sa kan'ya ang apoy.

"Patayin mo ang apoy ng kandila mo kung ayaw mong pakainin kita ng apoy." babala ko sa kan'ya.

Nahalata ko naman ang takot n'ya at ilang saglit lang ay unti unti na s'yang naglalaho. Tumayo naman ako ulit at pinagmasdan ang dalawang babaeng kasama ko.

"Wow its look like a girl bonding." nakangising sabi ko.

Napalunok naman sila, gagalaw na sana sila ng biglang napalibutan sila ng apoy at para silang tinali.

"Hmm ano kaya una kong papatayin sa kandila?" mapaglarong tanong ko.

"Arghhh pakawalan mo kami!" galit na sigaw nilang dalawa.

"Hayss sige na nga, sabay na lang!" masiglang sabi ko.

Ilang saglit lang ay unto-unti na silang naglalaho.

"THE WINNER IS HANDS OF GOD!" napangisi naman ako at lumabas na sa barrier.

Pagkaakyat ko sa pwesto namin ay nakita kong nakangisi sila at ang iba naman ay takot na takot tsk.

"They all fainted." salubong ni Snow.

"Maybe 'di nila nakaya 'yong init ng apoy ko." nakangising sabi ko.

Magsasalita pa sana ito nang sumingit si Anastasia.

"Your right maybe your fire is really hot cause like your fire your hot."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon