38

114 3 1
                                    

                                  𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

"LAILA VS SHAWN!" ngayon ay nagaganap na ang Rank Battle of Students.

Maraming kinakabahan lalo na at alam nilang lahat sila'y naghanda, natutuwa sila sa mga napapanood nilang mga laban ngunit hindi maalis sa kanila na kabahan dahil nakita nilang pinaghandaan talaga ang Rank Battle ngayon.

Samantala ay pinapanood nila ngayon kung paano maghabol hininga ang dalagang nagngangalang Laila. Sakal-sakal ito ng ng binatanh si Shawn.

Una pa lamabg ay alam nilang talo na ang dalaga sapagka't ang kakayahan nito'y manggamot samantala ang kalaban nito'y isang summoner.

"SHAWN DIRCKS, WIN!" nagsigawan naman ang mga naka itim na battle suit dahil sa tagumpay ang kanilang kasama, sa kulay pa lamang ng battle suit nila ay alam nilang sila'y nagmula sa Black Wings.

Natahimik naman ang lahat ng bumunot ang HM sa kahon na nilalaman ang mga pangalan nila. Ngunit nang matawag ang mga pangalan ng maglalaban ay nakaramdam sila ng takot, takot para sa kalaban ng guild leader.

"SAFFIRA BLANE VS ANASTASIA APHRODY!"

                                    𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

"SAFFIRA BLANE VS ANASTASIA APHRODY!" after I heard my name I smirked cause I didn't expect that I will fight a guild leader.

Well the truth hinihiling ko na sana ang makalaban ko ay normal students lang dahil ayaw ko ng mahaba-habang laban dahil nakakapagod.

Bumuntong hininga naman ako bago tumayo. Hayss siguradong mapapagod nanaman ako ngayon.

Maglalakad na sana ako pababa dahil nasa taas kaming palapag nang may nagsalita sa mga kasama ko.

"Good luck, Ana." tumango naman ako kay Snow.

"Deafeat her." napatingin naman ako kay Michaella na kapatid ni Michael.

"Prove them that your strong." napangisi naman ako kay Storm at Rain nang sabay nila 'yong sabihin.

Kahit naglalakad na ako pababa ay naririnig kong may sinasabi pa ang iba sa kanila. Napahinto naman ako ng may nagsalita sa isip ko.

"Good luck, you must win." napalingon naman ako sa pwesto namin at tinanguan s'ya.

Pagkaharap ko kay Saffira ay nagkatinginan kami, mata sa mata. Napangisi naman ako dahil doon, totoo nga ang sabi nila ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑚𝑜 𝑎𝑦 𝑡𝑜𝑡𝑜𝑜.

"Are you ready to lost?" napailing naman ako sa tanong n'ya.

"Are you asking yourself?" aaminin ko namimisteryosohan ako sa kan'ya lalo na sa sinabi ni Cholo and knowing that she's Cholo's mate it's make me more want to know her.

Napansin ko namang magsasalita na ito nang sumigaw ang emcee, wtf? Nakalimutan ba n'yang may mikropono s'yang gamit.

"FIGHT!" the fu*k ano kami nasa sabong?

Naputol naman ang pag iisip ko ng may naramdam akong paparating na atake mula sa likod. Mabilis naman akong yumuko bago pa tamaan ang ulo ko.

Bakit ba gustong gusto nilang tumira ng patalikod well ganoon din naman ako hehe.

Nang yumuko ako ay mabilis ko ring hinawakan ang isang paa nito at hinagis papalayo sa'kin. Tumama naman ito sa barrier pero mabilis din itong nakatayo.

Agad-agad naman itong sumugod sa'kin, suntok dito, iwas doon, suntok doon, iwas dito. Bawat atake n'ya ay iniiwasan ko lamang pero 'di ko inaasahan ang bigla n'yang pagsipa sa tiyan ko kaya tumama ako sa barrier at sumuka ako ng dugo.

"Be serious, btch, I'm not playing around." halata na sa kan'yang mukha na desisido s'yang manalo.

Sht kailangan ko na ata talagang seryosohin dahil dapat mapili ako para sa Collectors War, mapapadali ang pakay ko kung makakasali ako rito.

Naputol naman ang pag iisip ko nang makita kong nakakaroon ng usok, well she's a witch.

I don't have choice, dapat ko na itong seryosohin dahil seryosong-seryoso na ang kalaban ko.

                              𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Nagtaka naman ang mga manonood ng biglang nakaroon ng usok sa battle area.

Samantala ay bigla namang nawala si Anastasia at sumulpot ito sa harap ni Saffira na ikinagulat n'ya.

Sinikmuraan ni Anastasia ang dalaga dahilan upang mapayuko si Saffira mabilis naman na hinawakan ni Anastasia ang ulo ng dalaga at tinuhod ito.

Unti-unti namang nawawala ang usok kaya nasilayan nila kung paano sakalin ni Anastasia si Saffira at hinagis sa ere.

Napatayo naman ang ilan sa mga nanonood nang tumalon si Anastasia at sinipa ang likod ni Saffira dahilan upang bumagsak ang dalaga sa battle area.

Nagkaroon naman ng bitak ang pinagbagsakan ng dalaga ngunit nagtaka sila ng unti-unti nagiging usok ang katawan ng dalaga.

Samantala ay napangisi naman ang nga ka-grupo ni Saffira. Napasigaw naman ang ilan sa miembro ng Hands of God ng makita nilang sumulpot si Saffira sa likod ng dalaga.

Doon nila napagtanting may kakayahan pala ang dalaga na gawing usok ang sarili at gawing anyong tao ang usok.

Sisipain na sana ni Saffira si Anastasia ng bigla iting nawala at sumulpot ito sa taas. Pag angat ng mukha ni Saffira ay sumalubing sa mukha n'ya ang sipa ni Anastasia.

Bumagsak naman si Saffira ngunit sa pagkakataon na ito ay 'di s'ya naging usok, mabilis iting tumayo at humarap sa dalagang kakalapag lang.

Pagkatayo ni Saffira ay susugod na sana ulit ito nang sumuka ito ng dugo. May napatayo namang lalaki mula sa mga manonood ngunit wala ritong nakapansin dahil tutok na tutok ang mga ito sa laban.

Ininda naman ni Saffira ang sakit na nararamdaman n'ya at agad na sumugod, nang malapit na ito sa dalaga ay umikot ito upang umabante para s pagsipa kay Anastasia ngunit nabigo ito sapagkat mabilis itong natumba dahil hindi kinaya ng katawan n'ya.

Napasigaw naman ang mga manood at napahanga naman ang ilan dahil 'di nila akalaing makakapanood sila ng laban na hindi gumagamit ng kapangyarihan, laban na pisikal na lakas lang ang gamit.

"OHHH, ANG GALING!"

"NICE FIGHT!"

"ANG GALING N'YONG DALAWA!"

*𝐶𝑙𝑎𝑝* *𝐶𝑙𝑎𝑝* *𝐶𝑙𝑎𝑝* *𝐶𝑙𝑎𝑝* *𝐶𝑙𝑎𝑝*

"ANASTASIA APHRODY, WIN!" nakaramdam naman ng gakit si Saffira dahil natako ito.

Tumayo ito at naglabas ng itim na usok na ikinatahimik ng lahat. Ibabato na sana n'ya ito ng mawala si Anastasia sa likod n'ya at naramdaman na lamang n'yang tila may bumaon na karayom sa leeg n'ya na dahilan uoang antukin s'ya.

Pero bago pa man pumikit ang mata n'ya ay narinig n'ya pa ang bulong ng nakalaban n'ya.

"Hindi masamang tumanggap ng pagkatalo. Hindi ibig sabihing natalo ka ay mahina ka, sadyang minalas ka lang dahil ako ang nakalaban mo."



𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Onde histórias criam vida. Descubra agora